filipino,

AGIMAT 2020, ipinagdiwang ng UPIS

2/24/2020 07:30:00 PM Media Center 0 Comments



AGIMAT NG LAHAT. Mga estudyante mula grado 3 na nasa starting formation ng kanilang performance. Photo Credit: Kyla Francia

Matagumpay na idinaos ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang tatlong araw na pagdiriwang ng UPIS Days na pinamagatang "AGIMAT: Sarili'y langat, Pag-ibig Ipalaganap", na ginanap noong Pebrero 11 hanggang 13 sa UPIS 7-12 Building.

Sinimulan ang pagdiriwang sa taunang Field Demonstration and Powerdance Competition na may titulong “MANAIG: Tibok ng Tagumpay” noong Pebrero 11. Nagpatuloy ang ikalawang araw sa pagdaraos ng HIRAYA: Alternative Classroom Learning Experience (ACLE) Sessions, CLUV Yourself: Club Wars, PALIGSAMAHAN: Sports Fest, at MC Live. Sa huling araw ng Fair, nagkaroon din ng TALA: 3-6 Variety Show, at HIWAGA: Battle of the Bands (BOTB).

Bukod sa mga taunang gawaing nabanggit, mayroon ding mga bagong aktibidad na inihanda ang Pamunuan ng Kamag-aral (PKA) para sa mga mag-aaral ng UPIS ngayong taon.

Kabilang sa mga ito ang PETmaLOVE: Bring Your Pet Day kung saan maaaring dalhin ng mga mag-aaral sa paaralan ang kanilang mga alagang hayop. Sa Lip-Sync Battle, nagtanghal ang mga kinatawan ng bawat grado mula 7-12 sa Auditorium. Binigyang pagkakataon naman sa Scavenge your Heart: Scavenger Hunt ang mga lumahok na mag-aaral upang makisalamuha sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga tasks sa Quadrangle 1. Ginanap din ang Indak: Random K-pop Dance Challenge sa UPIS Gym kung saan ipinakita ng mga lumahok ang kanilang talento sa pagsayaw sa mga kanta ng mga paborito nilang K-pop Artists.

Ayon kay Danie Cabrera, pangulo ng PKA 7-12, layunin ng Agimat 2020 na, “Maliban sa pag-strengthen ng school pride at school spirit, ito rin ay usually for a cause na dinadaan namin sa theme, na this year ay self-love. Nandoon din yung pagpapakita ng talents ng students through activities like Powerdance, at ang pagtutulong sa mga clubs sa fundraiser noong CLUV Yourself, ang club booths noong UPIS Fair.” //ni Kyla Francia

You Might Also Like

0 comments: