filipino,

Literary (Submission): Sirena

2/28/2020 09:25:00 PM Media Center 0 Comments




Isang gabi, habang nagsasaya sa perya
Himig ng isang dalaga’y pumasok sa ’king tenga
Hindi man kita ganap na napagmasdan
Sigurado akong nais kitang mahagkan

Nang lumalim na ang gabi, lahat ay nagsiuwian
'Di ako mapakali at ika'y gustong puntahan
Pero paano? Hindi ko alam ang ‘yong pangalan
Ipinagdasal sa Diyos na aking matuklasan

Sa sumunod na gabi, ako'y nagpuntang muli
Sa lugar kung saan tinig mo'y wari humuhuni
Nang ako'y lumingon ay hindi ko maiwaksi
Ang aking puso'y tumibok nang matindi

Ikaw ay nakita at ako’y sumaya
Ngunit may pagkakaiba sa’yong itsura.
Paa mo ay nawawala
At ika’y wala rin sa lupa

Ang tinig mo'y totoong napakaganda
Na sa akin ay nakapagpapagana
Hindi lubos maisip na rito makikita
Tinataglay mong pambihirang ganda

Buong gabi ika'y pinagmasdan
Ang kagandahan mong pangkaragatan
Ang 'yong buhok na ubod ng ganda
Hanggang sa'yong buntot ako'y napamangha

Nang matapos ang iyong pagtatanghal, ako'y lumapit
Nabighani sa'yong mga matang napakarikit
Labis mo akong napapaibig sa iyong tinig
Pakiusap sirena, hangad kong pangalan mo'y masambit

Nang sumunod na gabi
Hinanap kitang muli
At agad kitang napansin sa sulok
Nakitang ika'y bumabaluktot

Ika’y agad nilapitan
Tinanong kung ayos ka lamang
Walang atubiling ika’y sumagot
Sinabing katawan mo’y kumikirot

Kirot na gawa ng amo mo
Dahil sa ayaw kang palayain nito
At makipaghalubilo sa mga tao
Kaya ika'y ikinulong sa isang kwarto

Matapos ang ating pag-uusap
Amo mo'y aking hinanap
Hangad kong siya'y makaharap
Alisin ka mula sa kaniyang pagpapahirap

Laking tuwa nang ika’y mahagkan
Naialis ka sa’yong kahirapan
Nangangakong ika’y di ko sasaktan
Ibibigay sa’yo, wagas na kaligayahan

You Might Also Like

0 comments: