filipino,

CLUV Yourself, idinaos sa pagdiriwang ng UPIS Days 2020

2/24/2020 07:40:00 PM Media Center 0 Comments



MATAMIS NA PAGBATI. Nag-aalok ng iba't ibang klaseng sweets ang Choir sa kanilang booth. Photo Credit: Magan Basilio

Naghatid ng saya ang iba't ibang club at mga organisasyon sa CLUV Yourself: Club Wars noong Pebrero 12 at 13 sa UPIS 7-12 Building.

Binigyan ang mga club ng dalawang oras upang mas lalong mapaganda ang mga booth na nilahukan ng mga mag-aaral.

Pinangunahan ng Boy Scouts of the Philippines ang Jail Booth at ng Girl Scout of the Philippines ang Marriage Booth.

Pumatok din ang mga itinindang pagkain ng Sophomore Association na cupcakes at cookies at ang ice scramble ng Grado 12 ng Business and Entrepreneurship Track.

Marami namang sumubok sa photobooth, video games, at card games maging sa fries at siomai na inihanda ng Applied Sciences and Engineering Track.

Nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na subukan ang board games ng English Club, Arcade ng Star at KAB Scouts, Peeryahan ng Peer Facilitators Club, Pooltry ng Sangguniang Pangwika, at ang Kaperyahan ng Kilusang Araling Panlipunan.

Nawili rin ang ilang mag-aaral sa mga larong may kinalaman sa Agham na pinangunahan ng Science Society.

Nagpunta sa karaoke ng Choir ang mga gustong magsaya at bumirit kung saan may mga iniaalok ding sweets. Hindi nagpahuli ang Dream Lounge ng Junior Association.

Lumahok ang mga magkakaibigang gustong subukan ang kanilang pagtutulungan sa Breakout na inihanda ng Math Club habang ang mga interesado sa Martial Arts ay sumali sa mga larong pinanguhan ng Taekwondo Varsity.

Tatanghaling Club Champion ang may pinakamaraming kita matapos ang dalawang araw na CLUV Yourself. Igagawad ang Best Booth Award sa may pinakamalikhaing disenyo ng booth habang ang Most Eco Friendly Booth Game-Changer Award naman ay mapupunta sa booth na nagpamalas ng natatanging inobasyon at interaksyon para sa mga mag-aaral.

Kasalukuyang inaayos ang remittances ng mga club at organisasyon para sa pagsasapinal ng resulta ng Club Wars na ilalabas ng Pamunuan ng Kamag-Aral. //ni Liane Bachini

You Might Also Like

0 comments: