chapter 9,

TRESE: Chapter 9 - Pebrero

10/06/2012 07:06:00 PM Media Center 4 Comments

Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.





Martes, Pebrero 12


[Elise]

Hay… VM na naman. Ang aga ko naman atang dumating. Lima pa lang kami dito.

Bumukas ang pinto. Ayan, dumadami na kami.

“Okay, guys, you may have guessed na may special presentation tayo for the JS Prom,” sabi ni Sir John nang nakangiti.

Naghalungkat siya sa kanyang malaking file case at naglabas ng mga piyesa.

“At eto ang kakantahin natin,” ang masaya niyang sabi bago ipinasa sa 'min ang mga papel.

Somebody To Love by Queen. Uy okay ‘to ha. Iba sa dati naming kinakanta na puro boring. Napangiti ako at mukhang hindi lang ako ang nasiyahan sa napili ni Sir, marami ring mga nakangiti at may ilang pumapalakpak pa.

“YEY!!! Sa wakas, hindi na mababagal yung mga kanta natin!” hiyaw ni Eric.

Natawa si Sir. Bumukas ang pinto. Napalingon ang lahat.

“Sorry we’re late, Sir.”

Nasa pinto sina Nathan at ang kanyang barkada. Lahat sila nakangiti at parang may kalokohan na namang ginawa.

Hay naku,palagi na lang silang late ang nakakainis pa late na nga sila, ang ingay pa.

Pinaupo na sila ni Sir. Napatingin sa akin si Nathan, tumalikod agad ako.

Nathan Manuel.

Ewan ko ba, dati pa ay inis na inis na ako sa kanya. Hindi ko alam. Baka siguro dahil parang siya ‘yung “jerk-type” na lalaki... mahangin, maingay at ma-pride. Tipikal siyang maangas na lalo pang umangas nung naging extra sa prod ng Fil Drama last month. Extra lang naman pero feeling bida palagi. Hay.

Hummpphh. Tama na Elise, dapat hindi mo na isipin iyong mga ganyan.

Sinimulan kong aralin ang piyesa. Mukhang maganda ang pagkaka-arrange nito, ha. Biglang malakas na tumawa sina Martin, Francis, at Vincent, ang mga kabarkada ni Nathan. Napalingon ako. Laking gulat ko nang nakatitig sa akin si Nathan na parang may malalim na iniisip. Anong problema niya?

Tinitigan ko ang whiteboard. Bukas, practice nang uwian, 3:00 hanggang 5:30. Hindi ko napigilang lumingon ulit sa direksyon nila Nathan. Haaaay...

Buti naman at hindi na nakatingin. Ano kayang problema nun?

----

"Uy, Elise! Bilisan mo, batch assembly na!" sabi ni Suzy.

Pagdating ko sa Multi nakapila na ang mga kaklase ko. Dali-dali akong umupo sa pila namin at naghintay sa mga announcement.

"Okay batchmates, alam naman natin na malapit na ang Prom. February 16 na 'to. Wag kalimutang mag- pasa ng reply slips at magbayad ha," sabi ni Abe, presidente ng Senior Council.

Ibababa na sana ni Abe ang mikropono nang sinenyasan siya ni Ryan sa gilid.

Natawa si Abe at sinabing, "Ay teka, may announcement pa pala."

Ipinasa niya ang mikropono sa nakangiting si Nathan.

Ano na naman kayang trip nitong lalaking ‘to?

"Ah, may announcement ako, para sa prom... Uh, Elise, nandito ka ba?"

Napatingin ako sa harap. Pero parang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko.

"NANDITO!!!!" sigaw ni Karil.

Lalong lumaki ang ngiti ni Nathan. Hala. Nag-iisip na nga ako kung paanong lalabas nang di napapansin eh! Humanda ka mamaya Karil!

"Elise, para sa'yo 'to," ang sabi ni Nathan. Biglang naghiyawan ang mga ka-batch ko.

Naglabas ng gitara si Francis at nagsimulang tumugtog ng "Mona Lisa".

"You're my Mona Lisa, you're my rainbow sky, and my only prayer is that you'll realize. You'll always be beautiful in my eyes..."

Nakatingin siya sa ‘kin. Nararamdaman kong namumula ang aking mga pisngi.

"You'll always be beautiful, in my eyes…"

Pagkatapos kumanta, huminga siya ng malalim at sinabing, “Elise, will you be my prom date?”

“Yieeeee.... wooohhhh...” Naghiyawan ang mga kabatch ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakakahiya. Nakakainis ka Nathan! Bat mo ko pinapahiya ng ganito? Wala akong ibang nagawa kundi tumayo at tumakbo palabas ng Multi Purpose Hall. Nagkulong ako sa CR at hindi lumabas hanggang sa dumating na ang aking sundo.


Miyerkules, Pebrero 13


[Nathan]

Ayokong bumangon. Ayokong pumasok. Gusto kong magtago sa ilalim ng kumot. Paulit-ulit ang mga pangyayari sa isip ko.

Nakakahiya.

Pa'no ako makakabawi kay Elise? Siguradong galit na galit yun' sa 'kin.

Pagpasok ko sa room, biglang naghiyawan sina Francis at Ryan.

"Nice Nathan!!!" Sumunod naman ang buong klase.

Napatingin ako kay Elise. Hindi man lang siya tumingin sa 'kin.

Kailangan ko talagang bumawi sa kanya.

Buong umaga, nararamdaman ko ang mga galit na tingin ni Elise pero tuwing lilingon ako ibinabaling niya ang kanyang tingin sa whiteboard.

----

Paglabas ko ng room nasa labas na ang barkada.

"Brad, kain na tayo," yaya ni Martin, sabay akbay sa akin.

"Mauna na kayo. May gagawin lang ako."

"Asus. Ano na naman yan,ha?" asar ni Vincent.

"Basta mauna na kayo."

Pag-alis nila, dali-dali kong nilapitan si Elise na kausap pa si Bea.

"Pwede ka bang makausap? Tayo lang," sabi ko.

"Ano na naman?!"

Grabe, galit na galit to.

"Please?" pakiusap ko.

"Fine!"

Pumunta kami sa isang kuwartong walang nagkaklase.

"Oh, ano nang sasabihin mo?" naaasar niyang tanong.

"Sorry. Sorry sa ginawa ko kahapon."

Wala akong ibang masabi. Tinitigan ko ang sahig at hinintay siyang magsalita.

"Sorry? Haha. Pagkatapos mo akong ipahiya sa harap ng maraming tao, sorry lang pala ang sasabihin mo? Ano bang problema mo? Bakit mo ba ginawa yun ha?"

Sheeet. Sumisigaw na siya!

“Hindi pa ba halata?” sabi ko.

Namula siya at kumunot ang noo na parang nainis.

“Kung wala kang magawa, wag ako ang pagtripan mo,” inis na inis niyang sinabi.

Wala nang umimik sa amin. Nandoon lang kami, nakatayo, nag-iiwasan ng tingin.

Biglang dumaan sina Martin.

"Anak ng tinapang itim! Kaya pala nagpaiwan si gunggong!" sigaw ni Vincent.

“Ano brad? Sinagot ka na ba?” palokong sinabi ni Martin.

“Ang yayabang niyo talaga! Wala kayong magawa!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya, sabay padabog na umalis.

----

Pagdating ng hapon, sobra na akong nagsisisi sa nangyari. Kelangan ko ng tulong. Mukhang walang patutunguhan 'to pero sige na nga...

"Psst. Sa'n si Rai? Tulungan niyo ko,” sabi ko sa mga sidekick ko.

"Wala. May make-up. Tulungan san?" sabi ni Martin.

“Libre ko kayo ng lunch bukas, basta tulungan niyo ako. Kailangan kong bumawi kay Elise,” sabi ko.

“Ano brads, tulungan ba natin ‘to?” sabi ni Francis

“Bukas lang? One week lunch dapat! ” sabi ni Vincent.

Loko to ah.

“Sige. Basta tulungan niyo ko.”

“Yun, o!” sabi ni Martin. “Patay na patay talaga. Ayaw naman niya sa ‘yo, brad. Wag ka mapilit,” pabiro niyang dagdag.

“Eh bakit noon? Ayaw rin naman sa ‘yo ni Aya. Di ko nga maintindihan bakit siya nagkagusto sa yo eh. Kinulam mo siguro,” sabi ko.

Binatukan ako ni Martin at seryosong sinabing, “Wag ganyan, brad. Iba siya.”

“Yun na nga! Nagustuhan ka ni Aya! Eh di magugustuhan rin ako ni Elise!”

“Haha. Baka nga,” sabi ni Martin.

“O ano na? Ano kayang gusto ni Elise?” tanong ko.

“Love Letter?” suggestion ni Vincent.

“‘Wag, magagalit lang lalo yun.”

“Hmm. Eh, kung padalan mo ng flowers?” sabi ni Francis

“Hutchak, baduy mo, p’re. Dapat special, kakaiba.”

“Eh, kung ihatid mo pauwi. Alam mo naman kung sa’n siya nakatira di ba?” sabi ni Martin.

“Di ako stalker ah.”

“Weeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhhh?” sabay-sabay na sinabi ng tatlong mokong.

“Wag mo nang i-deny. Totoo naman eh,” sabi ni Martin.

“Ikaw, talaga, gunggong ka –”

“Teka, akala ko ba nag-iisip tayo ng gagawin ha, Nath at Mart,” awat ni Francis.

“Okay. Ano bang paboritong pagkain ni Elise?” tanong ni Vincent.

“Parang palagi ko siyang nakikitang bumili ng milk tea sa function nina Leia,” sabi ko.

“O di ayun, magpa-deliver ka ng milk tea para kay Elise,” sabi ni Vincent.

----

Bandang alas tres nang makita kong dadalhin na yung milk tea kay Elise. Ano kayang reaction nun? May sinulat kasi akong message dun sa cup.

For Elise,
Sorry.
Love,
N

Sana naman ay mapangiti siya.

Nakita kong nakuha na ni Elise yung milk tea na dineliver ni Leia. Nako! NR, amputek! Mukhang galit pa rin siya sa kin. Haaay, kailan kaya niya ako mapapatawad?


Huwebes, Pebrero 14


[Elise]

ANO DAW?! DIYOS KO, WAG NAMAN SANA!

Kaka-assign lang ni Ma’am ng pair sa skit next week. Magpapakita raw dapat ng isang sitwasyon sa family business.

Ano bang malas na yan, ka-pair ko pa si Nathan. Bakit palagi na lang siya? Una yung kanta, tapos yung milk tea, tas ngayon…

“Next meeting na ang reporting niyan. Ibibigay ko ang buong period para mag-usap at magplano kayo,” sabi ni Ma’am.

Hala, ano nang gagawin ko? Nilapitan ako ni Nathan. Parang takot na takot siya.

“Uh… so, ano nang plano?” tanong niya.

“Ummm…gusto mo pakita muna natin ung mga possible problems ng family business tapos kung pa’no sila ma-resolve? Uhhh…”

Binuksan ko ang aking libro. Hindi ko siya matignan sa mata. Kunwari ay hinahanap ko ang topic namin sa libro.

Awkward.

Mga ilang minuto pa ang dumaan at nagpatuloy kami sa pagpaplano ng aming skit. Matino rin palang kausap 'tong si Nathan. Kung hindi siya nagyayabang…

Biglang naglabas si Nathan ng nakatuping papel sa kanyang bulsa.

“Uh Elise…”

“Huh?”

“Eh, kasi, ah… May ginawa ako para sa’yo. Alam ko hindi talaga ako marunong sa mga ganito.Nagpatulong pa nga ako kina Francis, eh…Basta, eto.. “

Binuklat ko ang papel.

“Roses are red
Violets are Blue
Elise you're so pretty
Everytime I see you

you're beautiful
even when asleep
tomorrow and always
everywhere and everywhen

when you look at me
I die inside
When I look at you
Why you don’t look at me

If I hurt your feelings, sorry
please forgive me
I will make it up to you
whatever I will do

Happy Valentines Day! <3 <3 <3

Hindi ko mapigilang ngumiti. Tama nga, hindi nga siya talaga magaling magsulat at feeling ko pinagtripan din ito ng mga ka barkada niya. Everywhere and everywhen? Ano yun?

Pero in fairness, mukhang nageffort. Nagpatulong pa kay Francis.

Hay...ito na ata ang pinaka weird na Valentines ever.



Biyernes, Pebrero 15


[Nathan]

Naku! Prom na bukas. Di ko pa nayayaya si Elise. Paano ko na naman kaya gagawin 'to?
Sana hindi siya magalit pero wala na akong ibang chance eh, kaya gagawin ko na.

Pagkatapos ng first period namin, lumabas si Elise ng kuwarto. Lumapit ako sa upuan niya at nag dikit ng isang sticky note sa kanyang file case.

Kailangan nating mag-usap tungkol dun sa skit.
- Nathan


----

Hapon na nang magkausap kami ni Elise.

"Oh, anong kailangan natin pag-usapan?" tanong ni Elise nang naka ngiti. Simula kahapon hindi na siya masyadong galit sa akin. Sana mag patuloy 'to.

"Actually, wala 'tong kinalaman sa skit natin," ang nahihiya kong sagot sa kanya.

"Ano ba talagang gusto mong sabihin, Nathan?"

"Uhm, bukas na yung prom di ba? Uh...Elise, pagbigyan mo ako, kahit ngayon lang, Ipapakita ko sa'yo na hindi talaga ako yung tipo ng tao na iniisip mo. Ngayun lang please, Elise."

Nagdadalawang-isip si Elise. Nagkausap naman kami nang matino kahapon at nakita niya ang ibang side ko.

Ang tagal niya mag-isip. Takte, patay. Wala na to…

"Sige, papayag ako," at ngumiti si Elise at saka umailis.


Sabado, Pebrero 16

-- Prom --



[Nathan]

Nasa kotse na ako at katabi ko si Elise. Shet. Kinakabahan ako.Hindi ko siya matignan sa mata. Ang awkward.

Nagkatinginan kami. Ang ganda niya ngayon.

"Ayos ka lang?" ang tanong ko.

"Oo naman. Ikaw?"

"Ayus lang din."

"Eh, ‘bat parang kinakabahan ka? Kinantahan mo nga ako sa Multi ‘di ka kinabahan eh."

"Hala! Di ah. Mukha lang yun."

Pero sa loob loob ko kinakabahan talaga ako.

Eto na, nasa Bahay ng Alumni na kami.

Sabay-sabay kaming dumating nina Aya at Martin, Sean at Suzy. Nakangiti sila sa akin. Siguro dahil napapayag ko si Elise maging date ko.

Inabot ko ang aking kamay kay Elise.

"Tara na. Pumasok na tayo."

Naging maayos naman ang Prom. Nag-uusap kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Mabilis lumipas ang oras. Di namin namalayan na Vocal Music performance na pala.


[Elise]

Habang kausap ko si Nathan, nawala yung kaba ko sa pagpeperform ngayon. Hindi ko nga namalayang oras na. Pumunta na kaming lahat na estudyante ng VM sa harapan at ngumiti sa audience. At sinimulan ko na ang solo.

“Can… anybody find me somebody to love?”

Habang napapatuloy ang kanta, lalong lumakas ang kompiyansa at tiwala ko sa sarili. Hindi na ako nag-aalinlangang ilabas ang boses ko. Ang sarap sa pakiramdam. At biglang pumasok sa isip ko si Nathan…

Oooh, Lord
Ooh, somebody, ooh (somebody)
Can anybody find me somebody to love?
(Can anybody find me someone to love)
Find me, find me, find me somebody to love
Anybody, anywhere
Anybody find me somebody to love


Nagpalakpakan at naghiyawan ang buong Bahay ng Alumni. Ang laki ng ngiti ko habang umaalis ng stage. Biglang sumulpot sa tabi ko si Nathan at hinawakan ang aking kamay.

“Ang galing mo. The best!” ang sabi niya at ngumingiti ng sobra.

“Thanks.” Namula ang aking pisngi.

“Tara, sayaw naman tayo.”

Buong gabi nagsayaw lang kami ni Nathan. Nag kukwentuhan, nagbibiruan, photo booth dito, sayaw ulit doon. Nawala yung inis ko sa kanya nung unang araw na tinanong niya ako kung pwede niya ba ako maging prom date at hindi ako nagsising um-oo ako.

Hindi namin namalayan, alas dose na, oras na para matapos na rin itong fairytale na pinasok namin. Bukas, makalawa, babalik na rin kami sa realidad.

Nagpapahinga pa kami sa mga upuan namin nang nagsabi ang pangulo ng JA:

“Last dance na. Sana na-enjoy niyo ‘tong prom.”

Nagkatinginan na lang kami ni Nathan at inalok niya ang kanyang kamay. Nginitian ko na lang siya at tinanggap ang kamay niya nang tumugtog ang Mona Lisa.

Sa pagkakataong iyon, para bang kaming dalawa ang nasa gitna ng dance floor, para bang meron kaming sariling mundo. Walang umiimik, tanging ang mga nararamdaman lang namin ang nagsasalita. Napangiti na lang ako at napapikit.

Nang tumigil ang musika muling kong binukas ang aking mga mata sa pagkasabi ni Nathan ng:

“Elise, may sasabihin ako.”

Iniwan niya ako sa may harap ng stage, umakyat siya, kinuha ang mic at sinabing:

“Elise Gabrielle Marcial... Sana malaman mo...”


Nakita kong isa-isang umakyat sa stage sina Gino, Vincent, Dong, Abe, at Ryan at may hawak silang mga papel:

Ikaw. Lang. Ang. Gusto. Ko. 

You Might Also Like

4 comments:

  1. Putek may ganyan pa bang lalaki. :""""""""">

    ReplyDelete
  2. Nakakatawa yung umpisa, pero answeet ng lalaki.
    Sana may ganyan pa ngayon. :"""""">

    ReplyDelete
  3. meron pa. nasa friendzone lang kami. iniisnab nyo.

    ReplyDelete