behind the scenes,

13+++ Things you should know about TRESE

10/24/2012 08:59:00 PM Media Center 2 Comments

Hindi namin itatanggi na kasunod ng tagumpay ng Isang Araw ng MC 1 2012, medyo napressure at nahirapan kaming mag-isip ng creative writing project para sa MC 2013.

Ang pangunahing layunin ng Trese ay maipakita ang point of view (POV) ng mga babae at lalaki tungkol sa iba’t ibang karanasan nila sa high school. Kahit imbento lang ang mga kwento, nais naming maging authentic ang “boses” ng characters at mapagsulat ang lahat ng miyembro ng staff kaya pinapili namin sila ng kanilang kapares. Ang bawat pares ay bumuo ng kwento base sa month na nabunot nila. Dapat labindalawang kuwento lang ngunit dahil sila ay Batch 2013, naisipang magdagdag ng isa pang chapter. Ang resulta ay ang mga kuwentong Treseng inyong inabangan, kinainisan, at kinakiligan.

Sa totoo lang, hindi masyadong sineryoso ng MC2013 ang pag-coconceptualize ng creative writing project nilang ito. Ang una nilang plano horror, mystery, crime, suspense, thriller, comedy. Ayaw nila ng love story. Wag raw romantic. Pero… dun pa rin nauwi lahat. Hindi na rin namin alam kung bakit.

Ginawa rin nilang joke time ang pangalan ng sections ng mga characters. May Bakawan, Balete, at Bayabas para nagsisimula sa B lahat. Hindi talaga namin kinaya ang seksyong Bayabas kaya pinalitan ng Ipil-ipil.

Sa dami ng kaadikan, kaguluhan, at kalokohang suggestions mula sa staff, umabot na kami sa puntong pinagsisihan namin i-open sa kanila ang idea na ito. Hindi namin akalain na ganito kaganda ang mga kuwentong malilikha nila.

Narito ang ilang eksena na magpapatunay kung gaano kahirap at kasaya ang pagsusulat ng Trese. Bahala na kayong mag-decide kung ano ang true at kung ano ang chika! :)

WARNING: Mahabaaaaaa....

1 – Ezra-Erin
Writers: Paolo Aljibe and Hannah Garay
ADIK! Adik ang pangalan ng characters sa first outline. Ang unang pangalan ni Erin ay Kim, kapatid niya si Barry at tatay niya si Bu. Ang apelyido nila ay Chi – Barry Chi, Kim Chi, Bu Chi.
Dapat sina Ezra (na ang pangalan ay galing kay Ezra Miller ng Perks of Being a Wallflower ni Stephen Chbosky) at Barry ang magkakatuluyan. Nang mabuo ang kuwento ng Chapter 6 at epilogue, naisip na si Adrian naman ang makakatuluyan ni Ezra.
Ang una nilang draft ay sobrang out of this world. Umikot sa review center, milk tea, at Metaphysics. Outrageous rin ang kanilang ideas para sa epilogue. Isa na rito ay sasakay ng LRT si Erin, sakop niya ang isang buong hilera ng upuan. Dahil sa sobrang taba niya puputok siya at abot sa labas ang fats niya. Yung iba hindi na namin keri ilagay, pero maniwala kayo, adik talaga.
Pinili nila ang kantang T.L. Ako Sa ‘Yo na itinuro ni Ma’am Wena bilang theme song ng chapter nila. Sandali lang ito inedit dahil malapit na ang release, hindi pa nasusubmit ang last POV ni Erin. Hindi namin masyadong binago ang kuwento dahil kung ano ang characters, kita niyo naman, yun na yun rin ang writers. Char!


2 - Sean-Suzy
Writers: Miguel Flores and Patricia Lim
LOST! Windang ang unang outline dahil in English isinulat kahit na sinabing in Filipino dapat ang creative writing project. Umaapila pa si MF dahil raw he belongs to the minority.
Sa totoong buhay, Inglisero at serious si MF at medyo sungit at taray naman si Pat kaya siguro marami sa mga ka-batch nila ang nakahula na sila ang sumulat ng chapter na ito.
Hindi rin nila type ang happy ending. Sa una pa lang, naka-set na sila na may malalang sakit si Sean at mamamatay siya sa epilogue.
Ang pangalan na Sean ay sinuggest ni MF na nagustuhan ni Pat dahil katunog ng name ni Xian Lim. Ang kay Suzy naman ay galing sa isa sa mga miyembro ng Kpop group na Miss A.
Ang kuwentong ito ang nagsimula ng trend ng saklap endings at ang chapter teaser nila ang nag-inspire ng “Siomai Stories” na siyang ginawang unang peg ng boy writer ng Chapter 5.


3 – Martin-Aya
Writers: Aaron Lina and Shari Oliquino
MEGA! Mega tagal! Umabot ng 10 oras ang pag-edit dahil hindi maperfect ang kilig feel ng chapter na dapat kasing-kilig ng behind the scenes ng writers. Sa katunayan, ang bahaging ito ng kuwento:

“...Wait lang bakit sa akin ka tumabi? Dun ka sa kabila nakaupo ah!”
“O bakit? Kinikilig ka?” sabi ni Martin.
Natawa at napairap na lang ako sa sinabi niya. “Excuse me! As if naman!” sagot ko.

ay base sa isang tunay na usapang nawitness namin habang nangangarag sa pag-edit ng chapter nila:

Anong nararamdaman mo pag tumatabi sa ‘yo si Aaron? - Ma’am Cathy to Shari
Kinikilig! - Aaron
EXCUSE ME!!! (#plis #withallthefeelingzzz) - Shari

Dapat nakilala niyo na sila nung Rampa dahil binalak ng MC na mag-live teaser para sa chapter na ito. Hindi nagawa kaya nauwi na lang sa mega daming pictures, scripted man o stolen, na talaga namang may mega chemistry.
Tungkol sa UPCAT ang unang kuwentong ipinasa nila na pinagbibidahan nina Niño at Lorena. Pinapalitan ni Ma'am Wena ang pangalan dahil makaluma. Sa chapter rin na ito unang inattempt gamitin ang phrase na “his hands intertwined with mine” na sinubukan ring gamitin sa Chapters 5, 6, 7, at 9 pero hindi nagamit dahil hindi maisalin sa Filipino.


4 – Vincent-Andrea
Writers: James Borja and Nina Leis
CLINGY! Kasing clingy ni Andrea si Nina sa naisip niyang pangalan ng boy character. Ang una nilang boy character ay si Kiko, tapos ginawang Vincent. Sa huli, nagdesisyon si Nina na Marco Lanuza na ang pangalan nito pero ang nagamit sa Chapter 3 ay Vincent kaya kailangang panindigan na iyon na ang susunod na character. Nang nalaman niya ito, umapila siya: “Gusto ko yung Marco!”
Kayaaaa… ginawang Vincent Marco ng MC ang pangalan niya. Para lubos-lubusin na, binigyan ni Ma’am Wena ng middle initial na D. at surname na Guman na sabi ni Ma’am Cathy gawin na lang De Guzman kaya nakilala siya bilang : “Vincent Marco De Guzman.”
Ito rin ang unang chapter na todo inedit ni Master Trese Editor (MTE) Rya Ducusin with the help of Camille Babaran and Benjo Hernandez dahil sa unang draft, mas girly pa ang lines ni Vincent kesa kay Andrea.
Suggestion ni Ma’am Cathy ang final exchange ng chapter na:

Andrea: Ayaw mo na ba?
Vincent: Ayaw ko na muna.


5 – Dong-Dina
Writers: Eric Madriaga and Reagene Fernando
GIYERA! World War III ang drama ng writers kasi naman ang style nila, tatapusin muna ni Reagene lahat ng part niya tapos tsaka sisingitan ni Eric ng part niya. Ayun, wala na. Mauuwi ang pagsusulat nila sa umaatikabong bangayan hanggang sa papalitan na naman.
Ang una nilang kwento ay love triangle sa pagitan ng college students na sina Dindo, Gori, at Sasha. Hindi na rin namin alam kung bakit.
Dahil hindi na keri ng ed board ang kanilang malufeet na pagtatalo, sila na ang nag-suggest ng kwento at mga pangalan ng characters. Suggestion ni Ma’am Wena na sina Ding at Dong ang bida kasama ang bespren nilang si Kring-kring. Sa huli, nabuo ang Dina galing sa pangalan ni Nina at… secret! :) Sinuggest ni Ma'am Cathy na ganun ang personality ni Dina dahil minsan sa buhay, kailangan ng kontrabida.
Kahit ginamit na kay Dong ang mga real-life banat niya, pinilit pa rin ni Eric na ipasok ang pangalan niya sa kuwento kaya ginawa na lang siyang "kakaibang" character nina MTE Rya at ng kanyang Trese Editorial Assistant (TEA) na si Camille Babaran.


6 – Adrian-Karil
Writers: Ada Bayobay and Arielle Gabriel
AGAW-EKSENA! Ang unang nabunot nina Ada at Arielle ay Marso ngunit gusto nila horror ang peg kaya nakipagpalit sila.
Anti-romance dapat ito pero nang mabasa ng ed board ang original na kopya ng storya, may pagka-romantic pa rin.
Para sakto sa Halloween theme, naisip ni Ma'am Wena ang voodoo doll teaser at 1x1 pic ni Hannah ang nagamit para dito dahil yun lang ang meron si Art Director (AD) Paolo.
Bilang nagamit ang character ni Adrian sa chapter 1, minarapat na gawin siyang love interest ni Ezra. Ayan tuloy, naagawan ni Ezra ng spotlight sina Adrian at Karil.
Marami ring umagaw ng eksena kahit sa pagshu-shoot ng teasers. Naki-extra sina Balong Madjus at Ian Villanueva (Batch 2013) habang nag-aagawan sina Paolo at Ada kay Jem Maquiñana (Batch 2013), ang pinakiusapan naming maging Adrian sa chapter cover.


7 – Matt-Abi
Writers: Rya Ducusin, Camille Custodio, and Bianca Pio
PERFECT! Tunay na perfect ang kombinasyon nilang tatlo dahil unang draft pa lang, approved na! Dapat lang naman di ba? Bilang isa si Master Trese Editor Rya sa mga sumulat.
Lahat raw ng pangalan na una nilang naisip gamitin--Adrian, Nathan, Elise--ay nagamit na characters sa ibang chapters. Sabi rin nila, naghahampasan na raw silang tatlo sa sobrang kilig habang sinusulat ito.
Isa ito sa chapters na pinakapumatok sa readers lalo na sa Batch 2013 na sobrang naka-relate at naka-realize na talaga naman palang marami silang mamimiss sa UPIS.
Nakahugot rin ito ng malalim na realization galing kay Aaron, ang aming News/Sports Editor: “Let God be your guide to greatness.” Sa sobrang lalim, di na namin alam paano i-relate pero pinagbigyan na dahil first time niyang maki-promote ng Trese bilang nagbabagong-buhay na raw siya (read: ayaw na niyang mapagalitan ni Ma’am Wena).


8 – Gino-Clara
Writers: Christian Boro and Camille Babaran
CONYO! Kasi naman kahit sinabing UPIS ang setting, si Gino (na kinuha ang pangalan sa teleseryeng Princess and I) ay isang equestrian at ang mga magulang niya ay stockholders ng Manila Polo Club. Si Clara naman raw ay promdi na taga-Scarborough na napadpad sa school. Nang marinig ng MC yan, ang nasabi na lang namin ay ANO RAW?
Ito ang runner-up ng chapter 5 sa dami ng beses na binago ang storya. Kung naka-labinlimang palit ang 5, sila naka-labing-apat.
Kakaiba rin ang chapter cover nila. Ang dahilan niyan ayon kay AD Paolo: “Hay nako ma’am, umalis agad si girl model kaya magdusa sila diyan!” So sila lang ang walang maayos na chapter cover.
Natest rin ang talent ni Christian sa pag-iimbento ng kwento dahil kung hindi, uulit siya ng MC… next year!


9 – Nathan-Elise
Writers: Juanito Gregorio, Joanna Pagulayan, and Sandy De La Paz
KILIG! Cheesy at romantic. Very February talaga. Isa ito sa mga chapters na maagang naapprove dahil sa sobrang effective, kahit ang mga learning coordinators, kinilig sa kwento.
Actually, ang suggestion raw ni Juanito ay kwento tungkol sa kambal pero dahil lahat ay love story, hindi na lang niya sinuggest. Ayon rin sa kanya, pangalan pa lang ng characters, isang oras na raw nilang pinag-usapan. Sabi naman ni Joanna, ang una nilang kuwento ay mala-High School Musical.
Hindi kami sure pero dito rin yata nabuo ang tambalang JoJua (Joanna-Juanito). Dahil sa chapter rin na ito, nabansagang Jandy ni Ma'am Cathy si Sandy para wag siyang ma-OP dahil hindi J ang simula ng pangalan niya. Si Ma’am Wena ang nagbigay ng ending na:

Nakita kong isa-isang umakyat sa stage sina Gino, Vincent, Dong, Abe, at Ryan at may hawak silang mga papel: Ikaw. Lang. Ang. Gusto. Ko.

at naisipan na ring ito ang gawing chapter cover. Pina-blur lang ni Joanna ang nakasulat para walang spoiler. Hindi nga lang ito napublish on time dahil ang chapter cover ay na kay AD Paolo na very late nang nakauwi nang araw na iyon.


10 – Abe-Leia
Writers: Red Bartolome and Aliyah Rojo
MASAKIT! Durog na durog ang mga puso namin nang mabasa namin ang unang draft. Masakit talaga sa heart. Pero para sa writers masakit sa ulo na ulitin ang una nilang kwento dahil akala nila Abril ang buwan na naka-assign sa kanila. Gayunpaman, isa pa rin ito sa mga pinakapaboritong kuwento ng editorial staff.
Bago pa man ma-release ang Chapter 10, nabasa na ito ni Adrian Bornilla (Batch 2018) na siyang unang nakahula na tungkol kay Abe ang kuwento. Walang "Trese" label at MC watermark ang unang chapter cover dahil missing in action ulit si AD Paolo noong araw ng release.
Galing raw sa Star Wars ang pangalan ni Leia. Ang pangalan naman ni Abe, kinailangang ipaliwanag na [Eyb] ang basa at hindi [A-be]. At kung sa chapter 6 nagulat kami na agaw-eksena si Ezra, dito naman, hindi namin akalain na yung shopping cart ang mas magiging bida.
Dahil marami ang nalungkot para kay Abe sa chapter na ito at para kay Sharon sa Chapter 5, inisip ng ed board na sila na lang ang magkatuluyan sa epilogue.


11 – Francis-Sophia
Writers: Benjo Hernandez, Trizia Badong, Dara Lilang
LAST! Laging huling magsubmit, mapa-outline, draft, o chapter man.
Ang first outline ng Chapter 11 ay tungkol sa magkakaibigang may banda at dating couple na nagkaroon ng misunderstanding. Grad ball dapat ang setting. Pero naka-ilang beses rin silang nagpalit ng kwento hanggang sa ma-realize ng ed board na wala pang tungkol sa “muling ibalik” kaya binigay sa kanila ito.
Ang teaser ay ang graduation programme ng Batch 2011 at sa Onze graduation rin kuha ang larawan na ginamit sa chapter cover.
Ang pagsusulat at pagrerevise ng chapter na ito ay tumapat sa kasagsagan ng stress sa function, talumpati, thesis, at kung anu-ano pang mabibigat na Grade 10 requirements kaya siguro kasinggulo ng isip ng writers ang isip ni Sophia.
Dahil hindi agad ma-finalize, ilang beses na-move ang publishing nito hanggang sa isuggest ni Ma’am Cathy na iback-to-back na lang sa chapter 12.


12 – Ryan-Bea
Writers: Clarence Abac and Katha Estopace
SPECIAL! Talaga namang special dahil MC Friends namin ang sumulat.
Humingi ng special favor ang MC kay Clar na aming avid reader at number one Trese critic na magsulat para sa amin. Dahil special favor , hinayaan namin siyang maghanap ng partner niya at napili niya si Katha. Mula noon, madalas na silang mag-sit-in at maki-meeting sa amin.
Ang kwentong post-its nina Ryan at Bea ay inspired ng experience ng isang UPIS alumni. Na-feel kasi namin na sobrang nastress si Clar, nakakunot na ang noo niya, gulong-gulo na ang isip at buhok niya sa halos isang linggo pagbubuo ng kwento. Kaya para ma-lessen ang burden niya, binigay nina Ma’am Cathy at Ma’am Wena ang name ng characters at ang kwentong silang learning coordinators ang dapat susulat.



Chapter 13 – 10 years after...
HAPPY ENDING! Na dapat sad. :(
Ang unang epilogue ay naka-set 5 years after graduation sa burol ni Sean. Dahil likas na magulong kausap ang MC, nagbago na naman ang isip nila. Dapat raw happy ending na dahil sobrang saklap ng high school life ng karamihan ng characters nila. Na-suggest ang reunion pero wedding ang nanalo sa botohan.
Bilang ShaRonatics kami, wala nang ibang pwedeng ikasal kundi sina Aya at Martin. Sa simbahan lang dapat ang setting ng last chapter pero dahil pinagsulat ang staff ng magkakahiwalay at hindi sila nakikinig, nauwi kami sa before, during, and after the wedding ceremony.
Sa last meeting at “farewell party” ng MC, binigyan ang ed board ng isang oras para gumawa ng outline na magtatahi ng lahat ng naisulat na epilogue pero siyempre inuna nila ang chikahan at asaran. Nabuo lang ang outline sa last 15 minutes dahil gustong-gusto na nilang kumain.
Dahil ayaw raw nilang katrabaho ang isa’t isa...

Nung araw ng pilian ng partners ito ang eksena:
Sige, choose your partners. - Ma’am Cathy
Ma’am, partner po kami ni Shari. - Aaron

...dahil hindi raw nila mamimiss ang isa’t isa...

Sa isang ed board meeting:
Forever ko na po siyang lalaitin. – Shari
FOREVER? – Juanito, hindi editor pero nakikigulo sa meeting

at dahil sila lang sa ed board ang hindi magkacamping o pupunta ng Vietnam, siyempre sa ShaRon namin inassign ang pagsulat ng Chapter 13.

In true ShaRon fashion, MEGA tagal na naman ang inabot nito. Sem break na wala pa. Nagpanic na ang lahat ng dapat magpanic, wala pa rin. Naisip na nga namin na baka sinasadya na lang talagang patagalin. Pero hindi naman pala. Nag-take kasi ng konting time ang mangiyak-ngiyak nang paghahanap ni Shari ng "nawawalang" epilogue manuscripts na nasa bag lang pala ni Aaron. At siyempre gusto rin naman kasi talaga nilang maging perfect ang last chapter!

Mga kamay nila ang nasa teasers, by the way. Ang singsing na ginamit ay engagement ring ni Ma'am Cathy at ang chapter cover naman ay picture ng wedding cake topper niya.

Sa totoo lang, marami pa kaming hindi isinama dito. Mahirap mamili ng ikukwento. Pero para sa inyong mga gustong magsulat ng sarili ninyong kuwentong Trese, ito lang ang masasabi namin:

Choose well. Pumili ng magandang inspirasyon para maging maganda rin ang kuwento.

Follow your heart. Kung ano ang gusto mong isulat, yun ang sundin mo.

Learn from experience. Humugot mula sa sariling karanasan at sa karanasan ng iba dahil pag walang hugot, walang kwento.

Sa inyong pagtangkilik at masugid na pagsubaybay sa Trese, maraming, maraming salamat po! ● Ma'am Cathy & Ma'am Wena

You Might Also Like

2 comments:

  1. ALIYAH (NO SHAME) =))October 24, 2012 at 9:20 PM

    Wagas sa kaadikan!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. ahihihi. ang astig ng 13EST! :))) you rock MC! :D sana forever and TRESE :(((

    ReplyDelete