chapter 5,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
BIYERNES
[Dina]
SPLT na naman. Matapos ang lahat ng preparations, finally, camping na namin. Sana walang eepal at sisira sa mga plano namin.
“Uy Dina, punta ka raw sa mga Phoenix sa Old building, kausapin mo si Dong tungkol sa bravery mamaya,” sabi ni Karil.
“Opo, Ate Cadet,” sarcastic kong sagot. “Samahan mo ko, Abi.”
“Di pwede. May gagawin pa siya. Kaya mo na ‘yan mag-isa,” sabi ni Karil.
Makautos naman ‘tong si Karil, akala mo kung sino. Che! Ang layo kaya ng Old Building sa New Building. Pero okay na rin. Para makarampa.
Pagdating ko sa may English Pav, nakita kong kausap ni Dong si Sharon.
Hay nako. Sharon na naman. Ano bang meron sa kanya? Matalino, magaling na leader… Pero mas maganda naman ako, mas may dating. Eh siya? Blah. Wala. Bakit kaya gustong-gusto ni Dong yan? Di naman siya pinapansin. Parang ang lungkot tuloy niya lagi lately. Eh parang clown pa naman yun dati.
[Dong]
Hindi na naman ako pinapansin ni Sharon. Nilapitan ko siya kanina nung kinukuha niya yung mga gamit niya sa sasakyan nila at nag-alok ako ng tulong pero tumanggi lang siya. Sabi pa niya sa akin, wag muna kami mag-usap. Sharon, ano bang meron?
May tumapik bigla sa balikat ko. “Hoy, tulala ka dyan.”
“Uy Dina. Bakit?” sagot ko.
Nginitian niya ako at sinabing, “Paalala mo daw sa ibang Phoenix yung mga gagawin sa Bravery namin mamaya ha.”
“Sige.”
Hay bahala na nga. Camping na muna aatupagin ko, sa susunod na si Sharon.
-- Bravery Test --
[Dina]
Excited na ko mag-Bravery test! Sa wakas, makakaganti na rin ako sa tatlong taong pananakot sa amin ng mga cadets namin dati. Naku, humanda sa amin yang mga scouts na yan.
Habang nasa AVR pa yung mga scouts, nandito naman kami sa second floor para mag-ayos ng gagamitin namin.
Si Dong na naman kasama ko. Hindi siya makausap ng matino. Ano bang problema nito sa buhay?
[Dong]
Sa totoo lang, napilitan lang naman akong sumama sa bravery ng GSP. Gusto ko kasi makita si Sharon at makausap siya pero hindi pala pwede. Trabaho daw muna. Kasama niya si Gino sa kabilang dulo ng corridor. Kami ni Dina, dito sa may lockers nakapwesto.
“Uy Dong!” panggugulat niya sa akin. “Tulala ka na naman! Ano meron?”
“Ha? Wala naman. Bakit?”
“Ayiee, love life yan noh?” pang-aasar niya. Ito talaga si Dina, ang hilig sa chismis.
Nagulat ako nang bigla niyang hinila yung cellphone ko mula sa kamay ko.
“Uy! Wag! Akin na ‘yan!” sabi ko, habang inaagaw ko sa kanya ang phone ko. “Ano ba kasing titingnan mo diyan?”
[Dina]
Nakakaaliw pag-tripan ‘tong si Dong. Masyadong madaling paglaruan eh.
Nakita kong wallpaper niya yung picture nila ni Sharon nung prom last year at yung inbox niya, tadtad ng Sharon kahit ilang buwan na yung messages na yun.
“Naks naman Dong! Sharon ka pala talaga! Ikaw ha, di ka nagkukwento!” asar ko sa kanya. “So, musta na kayo? ” tanong ko.
“Alam mo naman e. Bakit mo pa tinatanong?” sagot niya, sabay agaw ng phone niya.
“Anong alam ko na? Ang labo mo kausap Dong. Kaya siguro ganyan kayo eh.”
Binalik ko yung cellphone niya sa kanya at tumingin-tingin kung may paparating na scouts, buti naman wala pa.
[Dong]
“Tara Dong, picture tayo!” alok sakin ni Dina.
Nagulat ako nang bigla niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko at pinindot yung camera.
“Pangit. Isa pa. Ngumiti ka kasi,” sabi niya. Ganun na naman ang ginawa niya. “Ayan. Ang cute natin dito oh! Mukha tayong couple!”
“Haha! Patawa ka naman eh, ako naman nagdala nung picture natin. Ang lakas talaga ng charisma ko!” biro ko.
“Bagay naman pala tayo eh. Tayo na lang! Joke! Hahaha!” sabi ni Dina.
“Weh, talaga?” sabi ko.
Bagay kami? Siya lang, tao ako eh.
[Dina]
Nakakatawa rin pala ‘tong si Dong. At cute, in fairness.
Mayroon kaya talagang something sa kanila ni Sharon? Ano bang meron kay Sharon na wala ako? Bakit si Sharon nagustuhan niya? Maganda rin naman ako ah. In fact, I’m prettier than her noh. Lahat kaya ng lalaki sa school, sa akin ang tingin. Tapos siya, kay Sharon? Try ko kaya kung magugustuhan niya ako?
Dapat mas maging ka-close ko pa siya. Let’s go Dina! You can do it!
SABADO
-- Flag Ceremony --
[Dong]
“Huy Dong! Handa harap!” sigaw ni Gino.
“Ay sorry phowz!” nagulat kong sinabi.
“Puro Sharon ka na naman eh. Andun siya sa unahan ng pila ng mga Cadets oh,” pang-aasar ni Gino.
Pagkatapos ng Panatang Makabayan, nilapitan ko si Sharon sa pila.
“Hi, Sharon! Magandang umaga! Pero syempre mas maganda ka,” bati ko sa kanya.
Natawa siya. “Hahaha. Ang dami mo namang alam!”
“Anong activity niyo?” tanong ko.
“Mudfest na yata pagkatapos nito. Usap na lang tayo mamaya. Baka mapagalitan tayo eh,” sabay talikod.
Iniiwasan ba talaga niya ako?
[Dina]
Kahit nandito ako sa may Patag na Bato, nakita kong nilapitan na naman ni Dong si Sharon dun sa may Quad. There’s something fishy happening here talaga eh. May gusto rin kaya si Sharon kay Dong? Tsk tsk. Hindi pwede yun. Kailangan sa akin siya magkagusto.
Lumapit ako sa mic at sinabi ko yung thought for the day ko. Tinignan ko si Dong at sinabing,
“Kung ayaw ka niyang lingunin, wag kang mag-alala, nandito ako para ika'y saluhin.”
[Dong]
Napatingin ako kay Dina habang nagsasalita siya.
Ha? Bakit ganun yung thought for the day niya? Yung mga iba “Time is gold” tapos siya ganun. Arte talaga nito. Papansin.
-- Mudfest --
[Dina]
Ha, Mudfest mamayang onti. Panigurado, exciting ‘to, yung pagpapalambot pa nga lang ng putik dito sa quad, masaya na, paano pa kaya mamaya?
“Sharon, pahiram muna ng hose ah,” pagpapaalam ko.
“Ah sige,” sagot niya naman nang nakangiti.
Hay nako, akala mo naman kung sinong cute. Pa-cute naman.
“Sharon, may question ako sayo.”
“O, ano yun?”
“May something ba sa inyo ni Dong? Yung totoo, girl.” Try mo lang di magsabi ng totoo, babasain kita nitong hose na hawak ko.
Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nakatitig lang siya sa putik. “Wala, wala ah,” tanggi niya.
Pero parang meron.
“Ah, akala ko kasi may something eh. Ayaw mo ba sa kanya? Cute naman siya. Nakakatawa…”
Parang nailang siya sa sinabi ko. “Haha. Wala talaga,” namumula niyang sinabi.
Hay nako. Pakipot pa. May gusto rin naman pala. Eh bakit niya iniiwasan si Dong? Basta, wala na akong pake kay Sharon. Sabi niya wala naman palang something. So dapat sa akin lang magkagusto si Dong!
[Dong]
Power Plays na namin. Kahati namin yung GSP sa quad kaya makikita rin namin sila. Pero syempre, bawal makipag-usap.
“Uy Eric! Dong! Dito ba Power Plays niyo?” tanong ni Karil sa amin.
“Ay hindi, baka sa Balara,” sagot ko kay Karil. “Check mo dali. Baka dun nga.”
“Ikaw talaga, Dong! Adik,” natatawang sabi ni Karil.
Napalingon ako sa kabilang bahagi ng quad, nakita kong biglang napaupo si Sharon sa putikan. Gusto ko siyang lapitan pero hindi pwede. Buti nalang nandun si Dina para tulungan siyang tumayo.
[Dina]
“Sharon!” OA kong sigaw. “Tumayo ka na dyan, ang dumi na ng damit mo, hindi pa tayo nagsisimula,” inabot ko ang kamay ko at tinulungan siyang tumayo.
“Thank you Dina ah. Ang bait mo talaga!” sabi ni Sharon.
“You’re welcome!” with matching plastik na smile. Mabait? Ako? Excuse me.
Di niya alam sinadya ko namang itulak siya sa putik. Nakatalikod siya nun, hindi man lang niya namalayan na tinulak ko siya. Tsk tsk. Dina, you are so good.
[Dong]
Mabait rin naman pala si Dina. Di lang pala puro ganda at kaartehan. Okay ang ginawa niya kanina. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya. Maganda na, mabait pa.
“Aba, bakit kay Dina ka nakatingin ngayon, Dong?” pang-aasar ni Eric. “Akala ko ba Sharon ka? Haha!”
“Kups ka talaga, papilahin mo na nga yung scouts! Palibhasa hindi ka lang pogi eh,” sagot ko.
LINGGO
[Dina]
“Okay, Scouts! Mag-ready na para sa mass,” sabi ni Abi sa mga girl scouts.
Nakagawian na ng mga BSP at GSP na magsimba tuwing Linggo ng umaga kaya sabay-sabay na kaming lahat pumunta doon.
Pagpasok namin sa simbahan, pinaupo namin ang scouts. Hinanap ko agad si Dong. Asan na kaya yon? Gusto ko siyang katabi.
Ayun! Sa kabilang dulo, sa gitna nina Eric at Karil. Makipagpalit kaya ako kay Karil? Eh baka hindi naman ako payagan nun. Atribida yun eh. Ah. Alam ko na.
Nilapitan ko si Eric at bumulong, “Eric, pinapabalik ka sa school para raw magluto ng kakainin niyo.”
“Weh, talaga? Ansabe daw?” sagot niya.
“Oo nga! Sabi ni sir. Kakatext lang sa akin,” pilit ko.
[Dong]
“Sure ka ba, Dina? Si Sir pa nga nag-utos sa amin na kami daw sumama magsimba eh,” pagtataka ko.
“Oo naman! Uy Dalian mo na Eric, baka magalit pa si Sir!” nag-aaalalang sabi ni Dina.
“Ano ba yan! Layo ng nilakad eh,” reklamo ni Eric. “Geh, una na ako Brad!” sabay tapik sa balikat ko.
Pag-alis ni Eric, hindi ko namalayan na hindi na rin bumalik si Dina sa upuan niya kaya nandito siya sa tabi ko. Ano ba ‘to? Bakit dikit ng dikit sa akin?
“Dina, hindi ka babalik dun sa pwesto mo?” tanong ko. “Ikaw ha, nakakahalata na ako,” pabiro kong dagdag.
“Bakit? Ayaw mo ba akong katabi? Mainit dun eh. Dito na muna ako, pleeeeeeeeease?”
Tumango na lang ako. Alam ko namang mapilit siya kaya hindi na ako kumontra.
[Dina]
Uto-uto talaga yun si Eric kahit kailan. At buti na lang hindi sumama si Sharon, kaya walang hadlang. Kaya ayan, katabi ko na si Dong!
Pagdating ng Ama Namin, hawak ko yung kamay niya. If I know, kinikilig siya, hindi nga siya mapakali eh. Yes! Onti na lang Dina!
[Dong]
Naiilang ako dahil si Dina ang kahawak ko. Bakit pa kasi pinatawag ni Sir si Eric eh.
Ano ba naman ‘tong si Dina? Nakakailang talaga. Lagi akong kinakausap. Lagi akong pinapansin. Di kaya may gusto to sa akin?
-- Amazing Race --
Yes! Ito yung da best na joint activity ng GSP at BSP! Excited na kong makasama si Sharon sa station sa Palma Hall. Makakausap ko na siya sa wakas!
“Uy Dong! Ikaw pala partner ko sa station!” bati ni Dina. Ha? Ano raw?
“Weh?! Talaga?! Ikaw na naman?!” pagtataka ko. “Di ba si Sharon ang partner ko?”
“Hindi kaya! Ako yung nakalagay sa listahan eh,” sabi niya. Di ako nakasagot.
“Sus, ako naman ‘to eh. Okay lang yan, Dong! Halika na, mag-setup na tayo,” sabay hatak sa akin.
[Dina]
Buti na lang ako ang naka-assign sa listahan ng amazing race. Eh di pinagpalit ko yung assignment namin ni Sharon. Papayag ba naman akong sila yung magkasama sa isang station?
“Actually, nakipagpalit sa akin si Sharon ng assignment,” sabi ko sa kanya, habang papunta kami ng Palma.
“Ah ganun ba… bakit daw?” malungkot niyang tanong.
“Ewan ko dun! Baka ayaw ka niyang kasama. Jooooke lang!” sabi ko. Di siya sumagot. “Uy ang lonely mo, wag ka ngang ganyan! Nandito naman ako eh!”
[Dong]
Bakit kaya nakipagpalit si Sharon? Ayaw kaya niya kong makasama? Anong nangyayari sa kanya?
Pagdating namin ni Dina sa Station namin, nag-ayos na kami ng mga kailangan naming at naghintay na may dumating na scouts.
“Ang saya nila noh?” turo ni Dina sa isang pamilya na nagjojogging sa Oval. “Alam mo ba, bata pa lang ako, laging wala yung parents ko. Kung wala sa trabaho, nasa abroad naman.”
“Ganun ba… How sad naman…” yun lang naisagot ko.
“Oo. Minsan nga, naiisip ko parang wala na silang paki sa akin eh.”
“Nye! Wag kang mag-alala, nandito naman kami ng mga kaibigan mo. Lalo na ako!” lumingon ako sa kanya nang nakangiti.
“Eh wala naman talaga kong friends,” sabi niya. “Ano ba yan! Ang drama ko! Tama na nga! Fil Drama?” biro niya.
“Okay lang yan, Dina. Alam mo ang galing mo nga. Di halatang may problema ka. Lagi ka kasing nakangiti. ”
“Syempre naman! Kailangan strong. Mag-isa lang ako eh!”
“Okay lang yan! Mahirap talaga ang buhay, hindi ko rin alam ang katapusan ng universe pero alam ko ang simula, U N I,” banat ko.
[Dina]
Nagulat ako sa sinabi ni Dong. Napangiti ako nang marinig ko yun mula sa kanya. Sa lahat ng pinagkwentuhan ko ng buhay ko, siya lang yung parang nakinig talaga.
“Salamat, Dong, buti nandyan ka!” Sumandal ako sa balikat niya.
Mabait naman pala talaga si Dong. Kaya siguro siya nagustuhan ni Sharon. Kaya lang arte pa niya. Sorry siya.
“Ate, anong gagawin dito?” nagulat ako nang biglang may mga scouts na dumating.
Balik trabaho na ulit kami.
-- Socials --
[Dong]
Huling socials na namin ‘to at sisiguraduhin kong itong Socials na ‘to ang pinakamasaya at memorable.
Pagkatapos ng activity namin para sa scouts, nagpatay na ng ilaw at nagsimula na ang sayawan. Nakita ko si Dina malapit sa stage ng multi kaya nilapitan ko siya agad.
Kinalabit ko siya. “Dina, sayaw tayo,” sabay abot ng kamay ko sa kanya. Tinanggap niya at dinala ko siya sa gitna ng multi.
“Salamat kanina, Dong,” sabi niya sa akin.
“Wala yun. Basta ikaw.”
“Kanino mo ibibigay yung flower na ginawa niyo? Di ba sabi, ibibigay niyo raw yun sa isa sa mga nakilala niyo ngayong SPLT?”
“Ha? Ewan ko pa…”
[Dina]
“Sige Dong, salamat sa sayaw ha,” sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at inihatid pabalik sa upuan ko.
Sa akin kaya ibibigay ni Dong yung flower? Dapat di ba? Pero kung kay Sharon niya ibigay, e di fine! Magsama silang dalawa.
“Bakit nag-iisa ka diyan?” tanong ni Karil.
“Wala! Dun ka na nga!” sigaw ko sa kanya.
Maraming nakipagsayaw sa akin pero maya’t maya kong tinitingnan kung kanino ibibigay ni Dong ang paper flower na yun.
“Guys, last song na ‘to,” bigla ko na lang narinig na sinabi ni Gino dun sa stage.
Ako, ako dapat ang last dance niya.
[Dong]
Last dance na, hindi ko pa rin nabibigay ‘tong flower. Hay bahala na.
Nilapitan ko na lang siya para matapos na lahat ‘to.
“Dina… para sa ‘yo,” sabay abot ko ng bulaklak.
“Ha? Ako?” mukhang gulat na gulat siya sa alok ko.
“Oo, may iba pa bang Dina dito?”
“Eh si Sharon?”
“Ah, eh kasi… Basta. Tara na. Sayaw tayo.”
Tinanggap niya ulit yung kamay ko at nagsayaw kami. Mukhang ok naman siya. Mabait. Maganda. Tsaka lagi niya kong kinakausap. Baka sakali…
[Dina]
Yes! Mission accomplished!
Mukhang successful. Hay Dina! Na-prove mo ulit na forever more kang attractive and gorgeous! Ang galing mo talaga!
Okay na ‘to. Matagal naman bago kami magkita ulit. Siguro makakalimutan na niya kapag pumasok na ulit kami.
“Salamat, Dina,” nakangiti niyang sinabi pagkatapos ng kanta.
Nginitian ko lang rin siya.
---------
SEMBREAK
[Dong]
Ano na kaya nangyari kay Dina? Bakit di na siya nagrereply? Sa chat, biglang nag-o-offline. Tinatawagan sa bahay, laging tulog. Ang cellphone, cannot be reached. Ano ba naman!
*1 New Message*
From: Adrian
Uy tara, LoL tayo sa comshop!
Makapag-LoL na nga muna para makalimutan ko lahat ‘to.
To: Adrian
O sige, papunta na.
*Message Sent*
Pagdating ko dun sa comshop, nakatambay na yung mga kasama ko.
“Uy si Dina at Eric yun ah! Yun o sa may tindahan! Bakit sila magkasama?” sabi ni Adrian.
Napalingon akong bigla.
[Dina]
“Huy Eric! Kamusta ka na? Musta lovelife? Haha!”
“Wala noh.”
“Weh? Patingin nga ng phone mo?” sabay agaw ko sa phone niya.
“Oh, tignan mo pa e.”
“Tss. Sige na nga, picture nalang tayo.”
“Sure.”
“See? Mukha tayong couple dito, oh! Haha.” ●
TRESE: Chapter 5 - Oktubre
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

nasa uso si Dong!
ReplyDeleteAyy how conyo naman this chapter HAHAHA. :))
ReplyDeleteMoves like Dina! Na-dina din si Eric!
ReplyDeleteMALAN-DINA. =)))
ReplyDeleteANYARE DINA? =))
ReplyDeletePAASA = DINA
ReplyDeleteAno na nangyari kay Sharon? :(((
ReplyDeleteMasubukan nga ang tactics ni Dina. Baka sakaling makuha ko pa crush ko.
ReplyDeleteEric, Eric, Eric. Pinilit ang sarili na ipasok ang sariling katauhan sa kuwento. Hlata agad ang nagsulat ng Chapter na 'to. :))
ReplyDeleteAno ba 'tong si Dina, paulit-ulit lang sa pang-aakit. Unli lang ang peg nito eh :D
ReplyDeleteGrabe naman yun si Dina. Grabe. Waw grabe. Ang sarap i kjsabgkjbdsjgmwndsjvmdsckgdnfbjdsf,gmsdfgkmwjdshfhr. Paasa poreber
ReplyDeleteLOL na lang! Wag na yang si Dina :)
ReplyDeletehmmmm, DINA.. hmmmm..
ReplyDeleteOkay na eh. =)) Kinilig na ako eh. Nakaka disappoint si DINA. Woooooooo. Hahahaha.
ReplyDelete