benjo hernandez,

Bagong Boy Scouts at Senior Scouts, itinalaga

9/19/2012 07:05:00 PM Media Center 0 Comments

“Once a scout, always a scout.”

Itinalaga at nanumpa ang mga bagong boy scouts at senior scouts noong Agosto 31, sa ganap na 5:30 ng hapon, sa Multi-Purpose Hall.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkasamang itinalaga at nanumpa ang mga boy scouts at mga senior scouts ng UPIS para mas makita ang integrasyon ng mga organisasyon at ang brotherhood ng mga iskawt. “Mas maganda tignan na iisa lamang ang mga boy scouts. Walang naggagalingan, walang nagpapataasan.” sabi ni Prop. Mikael Dela Cerna.

Nahati ang programang ito sa dalawang parte. Una, ang palatuntunan o ang pormal na panimula ng programa. Sumunod naman ang mismong pagtatalaga sa mga bagong boy scouts at senior scouts.

Nagkaroon din ng isang talumpati ang guest speaker na si G. Jaccob-Josephson Caones tungkol sa pag-aabot ng tagumpay at kahalagahan ng iskawting sa buhay. Inilahad din sa kanyang talumpati ang kanyang mga tagumpay bilang isang iskawt at nagnanais na maging inspirasyon ito para sa iba pang mga iskawt. Si G. Caones ay isang teacher scout mula sa Grace Christian College ng Quezon City.  by Paolo Aljibe, Benjo Hernandez

You Might Also Like

0 comments: