7-10,

Rampang Pinoy 2012, matagumpay na ginanap

9/13/2012 07:47:00 PM Media Center 0 Comments

Ginanap noong Setyembre 6 sa Multi-Purpose Hall ang UPIS Rampang Pinoy 7-10.

Layunin ng gawaing ito na maipakita ang kahalagahan ng iba’t ibang karakter mula sa panitikan at kasaysayan na magpakita ng kanilang pagtupad sa kanilang pananagutan sa bayan nang sa gayon ay magsilbi silang huwaran sa pagtupad ng ating tungkulin sa bayan.

Naunang ipinakilala ang mga kalahok mula sa Grado 7 na sina Caila Patricia Cadiz at Ryan Anthony Dimayuga para sa 7-Mars bilang sina Gabriela at Diego Silang. Kinatawan naman ng 7-Saturn sina Mary Christine Llorente at Trent Madjus na rumampa bilang Ninoy at Cory Aquino. Huling tinawag sina Angelika Lubang at Emmanuel Jabiguero ng 7-Venus bilang sina lapu-Lapu at prinsesa Urduja.

Para naman sa Grado 8, lumahok sina Mary Rose Sanchez at Richard Luague ng 8-Beetle bilang sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Rumampa naman sina Quiela Salazar at Jan Matthew Tolentino ng 8-Cicada bilang sina Sisa at Pilosopo Tacio. Ang 8-Dragonfly naman ay mayroong Dyesebel at Sergio na ginampanan nina Arienne Baladad at Juneau Villanueva.

Ang mga nagwagi sa Rampang Pinoy 2012 sa Grado 7-10.
(c) Sandy De la Paz
Sa Grado 9 naman, ang mga kalahok ay sina Klyve De Guzman at Diego Miguel Dario ng 9-Argon bilang sina Sicalac at Sicabay. Sumunod sina Disa Nicole Reyes at Lino Licuanan ng 9-Neon bilang sina Orosman at Zafira. Napili naman ng 9-Xenon sina Moira Palma at Zane Andrew Pulumbarit bilang Maria Makiling at Bernardo Carpio.

Sa Grado 10, lumahok sina Nina Bea Leis at Paul Enriquez ng 10-Dao bilang sina Alunsina at Tungkung Langit. Para naman sa 10-Kamagong, rumampa sina Reagene Fernando at Edward Jedwin Reyes bilang sina Amaya at Bagani. Kinatawan naman ng 10-Molave sina Louanne Grace De Sales-Papa at Jan Eric Madriaga ng Flerida at Aladin.

Sina Lubang at Jabiguero ang nagwagi sa Grado 7. Ang unang gantimpala naman sa Grado 8 ay nakamit nina Baladad at Villanueva. Sina Palma at Pulumbarit ang nanalo sa Grado 9, at sina De Sales-Papa at Madriaga naman sa Grado 10. ● nina Reagene Fernando at Patricia Lim

You Might Also Like

0 comments: