7-10,

UPIS 7-10 nagtagisan ng galing sa Buwan ng Wika 2012

9/13/2012 08:06:00 PM Media Center 0 Comments

Ginanap ang taunang presentasyon ng grado 7-10 para sa Buwan ng Wika noong Setyembre 10, 2012 sa Multi Purpose Hall.

Nagsilbing emcee ng programa sina Aliyah Rojo at Jeremiah Esguerra ng Sangguniang Pangwika at Kilusang Araling Panlipunan (KAP).

Ang mga nagwagi sa paligsahan ng mga seksyon sa Buwan ng Wika 2012.
Clockwise from top left: 7-Saturn, 8-Beetle, 10-Dao, at 9-Neon.
(c) Arielle Gabriel, CCCA

Itinanghal ng grado 7 ang dulang "Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan." Hinalaw naman ni Renen Villanueva sa isang kwentong pambata na inilimbag ng Adarna Books.

Naiuwi naman ng 8-Beetle ang unang gantimpalasa kanilang interpretatibong sayaw sa saliw ng kantang "Piliin mo ang Pilipinas" ni Angeline Quinto.

Ipinakita naman ng grado 9 ang mga iba't ibang katutubong ritwal. Nakuha ng 9-Neon ang unang gantimpala sa pagtatanghal ng tribong Bontoc.

Ipinamalas ng grado 10 ang kanilang galing at talento sa pagsasayaw at pagkanta. Nagwagi ng unang gantimpala sa sayawit ang 10-Dao sa remix ng Noypi, Bulong, Posible, Puso, Ako'y Isang Pinoy at Bayan Ko.  nina Sandy De La Paz, Miguel Flores, at Arielle Gabriel

You Might Also Like

0 comments: