aaron lina,
Sa pagpasok ng Akademikong Taong 2012-2013, may mga bagong alituntuning ipinatupad sa ating paaralan- ang pagbabalik sa 4-day schedule ng mga klase, muling pagkakaroon ng handbook, at ang pagpapalawak ng kampanya sa environmental protection. Inintrodyus din sa taong ito ang computerized system sa mga rekord ng mga mag-aaral nang sa gayon ay maging mas mabilis ang pag-eencode ng mga grado at maiwasan ang pagkakamali sa paglalagay ng mga ito sa report card at permanent record.
Kaugnay ng mga pagbabagong ito, napagdesisyunan din na sa halip na report card, quarter stubs na ang ipamimigay sa pagtatapos ng unang tatlong markahan. Kung minsan kasi, nakaliligtaang isauli ng mga bata ang report card. Ang iba naman ay nawawala ito kung kaya’t kailangan pang bayaran upang mapalitan. May mga mag-aaral din na nagsasauli ng marumi at nalukot nang card. Upang maiwasan ang madalas na pagpapalit nito dahil sa mga nabanggit na dahilan, minabuti ng administrasyon na stubs na lamang ang ibigay. Ang report card ay makukuha ng mga mag-aaral sa dulo ng akademikong taon, pagkatapos ng ikaapat na markahan.
Ipinaalam ni Prop. Roselle Velasquez, Katuwang na Prinsipal Pang-Akademiko, sa mga guro, kawani, at magulang sa pamamagitan ng isang sulat noong Agosto 22, 2012, ang itsura ng stubs na ipamimigay noong Setyembre 14. Maliban sa mga detalye ng stubs na makukuha, malinaw ring nakalagay sa liham na maaaring kunin ng mga estudyante ang kani-kanilang stubs kung: (a) wala siyang bagsak sa anumang asignatura; (b) walang incomplete; at (c) kung sakaling may incomplete, maaari pa rin itong makuha ng bata kung siya’y magpapakita ng liham-pahintulot mula sa kanyang magulang.
Umani ng kabi-kabilang batikos mula sa mga guro, magulang, at mag-aaral ang itsura ng stubs at sistema ng pamimigay nito. Di gaya ng report card na nasa matigas na papel, malaki ang font, at kumpleto sa mga detalye, ang mga stubs ay nasa porma ng isang ¼ na piraso ng papel kung saan naka-imprenta ang mga grado ng estudyante. Dagdag pa rito ang iba’t ibang laki ng mga stub- may maliit, may malaki, at may ilan na hindi pa pantay-pantay ang pagkakagupit. Hindi rin nakalagay sa stubs ang transmutation table at ang attendance ng bata. Pahirap pa sa mga magulang ang masyadong maliit na font size na ginamit kung kaya’t may mga pagkakataon na kailangan pang basahin ng mga guro sa mga magulang ang marka ng estudyante.
Mas mainam kung nanatiling mga report card ang ipinamimigay bawat markahan. Una, pormal, higit na presentable, at opisyal na dokumento kung kaya’t binibigyan ng ibayong pag-iingat ng mga estudyante. Kung stubs pa rin ang ipamimigay, dapat gawin man lang kasing-pormal ng report card.
Kasama rin dapat ang mga magulang sa pagkuha ng stubs. Bakit? Una, layunin ng pagbibigay ng report kard ang personal na maiparating ng guro sa mga magulang hindi lamang ang academic concerns kundi maging behaviour ng mga mag-aaral. Nangangahulugan lamang na may bagsak ka man, incomplete o wala, kailangan pa ring magkausap ang mga guro at mga magulang. Ikalawa, sa mga panahong ito nagkakaroon ng regular at bukas na pakikipagdayalogo ang mga magulang sa guro ng kani-kanilang mga anak..
Kung pahihintulutan pa rin ang mga mag-aaral na makuha ang kanilang stubs, paano na ang komunikasyon sa pagitan ng guro at magulang na regular na nagaganap tuwing bigayan ng kard? Ikalawa, maaaring itago ng mag-aaral sa kani-kanilang magulang ang kanilang grado at hindi na matututukan pa ng mga ito ang gawaing pang-akademiko ng kanilang mga anak. Hindi na rin makakapagkonsulta ang mga magulang tungkol sa behaviour at iba pang concerns ng mga ito kaugnay ng performance, attendance, at behaviour ng mga bata. May mga guro rin na nagsabing mainam kung may reply slip man lang na kalakip ang bawat stub upang masigurado na nakarating ito sa mga magulang.
Alalahanin nating may karapatan ang mga magulang na malaman ang katayuan ng kanilang mga anak sa paaralan. Ayon sa mga guro at mag-aaral, higit na mabuti para sa lahat lalo na sa mga mag-aaral ng UPIS na ibalik ang nakagawiang sistema ng pagpapakita ng grado – ito’y dapat nasa anyo ng isang card.
Hindi dapat isantabi ang karapatan ng mga magulang na malaman ang kakayahan ng kanilang mga anak sa bawat sabjek. Ito’y para rin sa kapakanan ng mga estudyante at ng buong paaralan. Wala ring sinumang magulang o tagapag-alaga ang nagnanais na mapabayaan ang edukasyon ng kanilang mga anak.
● by Aaron Lina and Shari Oliquino #MC2013
Editorial: Pasado/Dehado
(c) Ada Bayobay |

0 comments: