chapter 1,

TRESE: Chapter 1 - Hunyo

8/17/2012 08:00:00 PM Media Center 8 Comments

Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.






Martes: Denial
[Ezra]

Sa loob ng labintatlong minuto ay magsisimula na naman ang panahon ng kapighatian. Kung pwede lang maibalik ang kahapon ay ibabalik ko talaga dahil napakasaya ng summer ko. Akalain mo naman, tuwing lunch ay lagi kong kasama ang Copper. The best talaga. Para bang ini-extend yung school year pero kita-kita lang kami. Haha. Yun na yata ang pinaka-highlight ng aking summer. Ay, hindi... si ano pala. Pero highlight nga ba yun? Chos. Bakit ba ako naghahanap ng highlight ng summer ko eh ang dami ko namang highlighter dito! Charot.

Maliban sa mga libro, tadtad din ako sa mga tama sa mukha. Bwiset na mga volleyball ‘to. Hindi marunong mag-spike. Joke. Yabang eh. Hahaha. Pero, naubos din ang aking summer sa kaka-training sa volleyball. Pagkatapos ng review at pagkatapos ng pagkikita ng Copper, diretso ako sa gym para makipagtalbugan sa mga bola. Charot. Buti na lang lagi kong kasabay si “A” na effortless ang ka-kyutan. Kay saya ng buhay minsan.

Nang pumasok ako sa klase, hay Diyos ko po! Eto na. Kahit ayaw mo, kailangan pa rin. Pinagmasdan ko ang aking mga kaklase at... uy si Erin ‘yun ha. Kaklase ko pala siya ngayon. Magkasama kami sa review eh. Kaming dalawa lang magkakilala nung una at kahit magkakilala kami, ay grabe, ang tahimik pala niya talaga. Hindi niya ako kinausap hanggang sa pangatlong linggo na namin sa review kaya ayun, nakipag-friends ako sa iba.

Biglang tumahimik ang classroom nang pumasok ako. Nagtitinginan sila. Alam ko namang lab na lab nilang lahat ako pero kakaiba mga tingin nila ngayon.

“Girl si Ezra oh. Crush mo pa rin?” bulong ng chismosa sa isang echosera.
“Gaga! Huwag ka na nga. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon,” sabi ni echosera ng may paghihinayang.

Teka. Ano bang ginawa ko? Bakit parang nag-iba yata ihip ng hangin pero wala namang umuutot. Wala naman yata akong iskandalo. Talk of the town pa rin ako pero bakit parang... iba. Whatever. Keribels pa rin! Publicity is publicity! Haha.

Miyerkules: Anger, Bargaining
[Erin]

Lunch time na. Buti naman. Ang daming kinuhang extrang oras ni Ma'am, ah. Pasalamat siya hanggang 1:00 lunch namin. Meron ring ginagawa ang mga tulad ko ‘no. Like...

"Ezra, pasama naman kay Aling Norms, o? Bili lang ako ng siomai."
"Ay... may gagawin pa ko eh."
Sus. Pakipot pa 'to. Hilahin ko na lang kaya? Makaka-holding hands ko pa siya.
"Sige na! Sandali lang 'to, promise!" pilit ko. Yes, oks na yata sa kaniya. Chance ko na uli. Sana maka-rubbing elbows ko naman siya ngayon habang naglalakad. Siyet, kinikilig na kaagad ako, ano ba yan.

"Ano ba 'yang si Erin. Pa-FC pa kay Ezra," naiinis na sabi ni Dina.
"Onga, eh. Kapal much?" sabi ni Abi.

Ayan na naman. Talagang pagtsismisan ako, no, eh nasa harap ko lang sila. Tiyaka pake ba nila? Gusto ko si Ezra, eh. Baka naiinggit lang sila kasi bagay kami.

"Ay, Ezra, maya rin pala pasama sa Lib, ah. May i-reresearch lang ako."
"Umm... sige..." sabi naman niya.
---
Hay nako. Next class na uli. Late naman si ma'am, eh. Sana nagpasama muna ako kay Ezra sa canteen.

"Ay, girl, narinig mo na ba 'yun?"
"Ang alin?"
"Si Ezra daw nung summer... may kasamang boylet ata. Basta ang pa-sweet daw nila. Totoo kaya 'yun?"
"OMG. Sayang naman siya kung oo. Nako girl ha."

Nagdidilim na ang paningin ko. Hindi na ba talaga sila titigil?! Pati si Ezra titirahin rin nila?!

"Wow! Hindi rin kayo masyadong pa-epal sa buhay ng iba, no? Pagtsismisan talaga 'yung tao?" sabi ko.
"Ay, hi, Erin. Nandiyan ka pala. Sumingit talaga sa usapan ng iba?" sagot ni Dina.
"Onga. Tiyaka hindi 'yun tsismis. Kasi may nakakita naman talaga sa kaniya," sabi ni Abi.
"Ah, basta. Hindi 'yun totoo. Pakitigil lang, ha? Thank you."
"Sus, crush mo lang si Ezra, eh!" sabi ni Dina

Hinde... Okay na. Ayokong mapaaway dito. Hindi naman totoo mga sinabi nila tungkol kay Ezra, eh. Tama. Wala lang talagang magawa mga nagkalat nun. Hindi 'yun totoo. Hindi.

Pero... Pano kung...?
---
"Ezra! Wala ka namang elective 'diba? Bili tayo sa canteen."

Basta. Hindi ako maniniwala. Mas kilala ko si Ezra kaysa sa kanila. Magalit na lahat sa akin, huwag lang siya.

Huwebes: Depression
[Ezra]

“Hoy ano ba ang bagal mo naman. Dalian mo, brad! 30 minutes lang lunch natin!” sigaw ni Adrian sa akin.
“Teka lang, fixing your things takes time. Eto naman. Justice for the OCs!” sagot ko.
“Bilisan mo! Para ka namang babae. Daming arte,” naiinis na sabi sa akin ni Adrian.
“Eto na nga. Hahaha!”
“Dali, dali na! ‘Tong baklang ‘to, napakabagal.”

Napatigil ako sa kanyang sinabi. Shet. Alam ba niya. Paano nila nalaman eh ginawa ko na ang lahat para matago sa kanila. Hindi pa ako handa, hindi dahil sa hindi ko matanggap ang aking sarili, pero hindi ko maisip ang maaaring mangyari sa akin kapag nalaman nila. Hay, patron ng mga bakla, gay icon na si Saint Sebastian, ang reyna na si Madonna, kung sino man! Kunin mo na lahat ng pogi, hindi ko din naman makukuha, huwag lang sana ako tabuyin ng aking inakalang mga kaibigan. Hindi ko na talaga keri.

Bigla-bigla na lang nakaramdam ako ng init sa may tenga ko.

“Ezra, pasama naman sa Filipino department. Idadaan ko lang ‘tong resibo ko kay Ma’am,” sabi sa akin ni Erin.

Kaloka, si Erin lang pala. Akala ko naman Insidious! Ay joke, pareho lang pala yun. Hehe.

“Uhh... ano kasi... mag-lu-lunch pa kasi kami.” nagkatinginan pa kami ni Adrian.
“Uy brad mauuna na talaga ako. Gutom na ako. Madali pa ‘to eh. Tss,” sabi sa akin ni Adrian.
“Huwag na. Sabay na lang tayo mag-lunch!” sabi ni Erin sabay hinila ako at tumakbo palayo.

AY DIYOS KO PO. Ano bang trip nitong babaeng ‘to? Feeling track and field eh.

“Uy brad, sorry. Mamaya na lang ha!” sinigaw ko kay Adrian habang hinihila ako palayo ni Erin.

Teka, lumampas na kaming Filipino department ha. Hoy, ano ka ba, bagong estudyante ka ba dito? Japanese observer? Ano? At miss, hindi ako aso ha. Oo na, I’m a female dog pero... okay, nevermind. Bigla na lang siyang tumigil sa mga hagdanan at syempre pareho kaming hiningal. Oh sino na ngayong may kasalanan, ha, girl?

“Uh... ano... Ezra...” nagdadalawang-isip pa na pagsabi ni Erin.
“Ano yun? Huy, dalian mo. 30 minutes lang lunch natin.”
“Gusto mong mag-milk tea tayo mamaya? After class?” tanong sa akin ni Erin.
“Ano baaaaah….Sorry, hindi kita type.”

Bumaba na ako ng stairs. Iniwan ko na yun. Ano ba naman yan. Oo, mahilig ako sa milk tea pero iisa lang gusto kong maka-milk tea. Ano ba, giiiiirl. Nakakaloka ng slight! Natulala yata siya. Ay grabe ha, parang nakita si Virgin Mary. Bakit ba siya nakatingin lang sa kawalan? Ano ‘to FD? Aba…aba…. may paluhod effect pa ‘tong Erin na ‘to. Bet na bet ‘to ha! Pwede nang Sharon! Ha-ha-ha.

“TL AKO SAYO EZRA!!!!” sigaw ni Erin.

Napatigil ako sa lakad ko. Ay pu--ano daw? Nasira earbuds ko dun ha!

“Ha?”
“Crush kita Ezra!” sigaw sa akin ni Erin.

Okay ha. Ang OA ni ate.

“Yuck! Hindi nga kita type.”

Tinuloy ko ang aking paglalakad palayo habang naririnig ko siyang kumakanta ng “TL Ako Sayo” ng Cinderella. Gravity! Tagos na tagos yata yung sinabi ko. Haha. Ano ba yannn, wala pang isang buwan ang klase ganito na ka-chorva ang events. Gutom na ako eh, dagdag pa ‘to. Nagsinungaling pa sa akin na magpapasama. Bwiset.

Biyernes: Acceptance
[Erin]

“Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko... sabi ng lolo may toyo ang utak ko... sabi ng lola ay humanap ng iba...”

Pero ayokong humanap ng iba. Hindi ako nakatulog sa kaiisip. Gusto kong malaman. Kailangan kong malaman…

Hindi ko siya nilapitan mula kaninang umaga. Pero di ko na matiis. Hindi naman siguro siya magagalit kung itatanong ko. Ugh! Ano ba ‘yan! Kasalanan ‘to nung mga echuserang ‘yun eh. Bahala na. Basta kailangan ko talagang malaman.

“Ezra?” mahina kong sinabi.
“Uy! Saan ka na naman papasama?”
“Ahaha… hinde… may tatanong lang sana ako…” Hinihintay ko siyang sumagot pero umiwas siya ng tingin sa akin. Ugh. Game na. Wag na kaya? Hinde, game na talaga.

“Ano… Ezra, ayawmobatalagasakin? Hindimobatalagakotype?” mabilis kong pinagpatuloy bago pa ko panghinaan ng loob.
“Uhh… haha… anobayaaan. ‘Lika na. Pumunta na lang tayong canteen. Gutom na ako,” sabi niya.

Oh, siyet. Hindi nga talaga. Ibig sabihin ba nun…

“Ano ba kasi type mo? Mga… mga b-boylaloo ba?” tanong ko.
“Ahahahaha… ano ba ‘yang mga tanong mo. Gutom na talaga ‘ko! Baka maubusan tayo ng food sa canteen. Tara na!” sabi niya nang hindi pa rin diretsong tumitingin sa akin.
“Ezra… oks lang ‘yan,” pagpupumilit ko. “Puwede mo namang sabihin sa akin eh. Friends naman tayo ‘di ba? Ano? Totoo ba yung sinasabi ng mga tao?”
“Ay, Erin! Mamaya na nga lang kung ayaw mong sumama. Sige na.”

Ayun. Umalis lang siya. Oo o hindi lang naman hinihingi kong sagot, ah. Gusto ko pa sana siyang sundan kaso… hay… di bale na. I guess ‘yun na nga ‘yun. I guess... I guess I’m meant to be forever alone. 

You Might Also Like

8 comments:

  1. Ang anumang pagkakahawig sa buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.
    ...o sadyang nagpapatama. Ahahaha!
    Hi MC '13!

    ReplyDelete
  2. bat ambakla ni ezra?

    ReplyDelete
  3. ^ kasi bading sya?

    ReplyDelete
  4. benta for life! hahaha

    ReplyDelete
  5. Nakakatuwa namana! :-) *thumbs up*

    ReplyDelete
  6. Akala ko si Ezra ay babae talaga nung unang 2 araw... O__O Akala ko tuloy lesbi si Erin...

    ReplyDelete