clubs and orgs,
'Yan ang panawagan ng pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) at iba't ibang organisasyon sa UPIS sa kanilang paglulunsad ng Abot-KAmay, isang year-round na proyektong naglalayong matulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng mga sakunang tulad ng bagyo at lindol. Layunin din nitong mapanatili ang diwa ng bayanihan sa pagitan ng mga Isko at ng kanilang kapwa Pilipino.
Mula ito sa mga katagang "abot-kamay" na nangangahulugang pagtulong sa paraan na posibleng maisagawa.
Sa relief drive na ito, tutulungan ng buong komunidad ng UPIS ang mga kababayanan nating nasalanta bagyo, lindol, at iba pang mga sakuna. Bawat batch ay mayroong naka-assign na relief pack na siya namang matatanggap ng mga taong naapektuhan ng kalamidad (maaaring tingnan ang larawan upang malaman kung ano ang naka-assign sa inyong batch).
Ayon kay G. Gringo Corpuz, tagapayo ng PKA 7-10, "Hindi ito required at maaaring magdala ng karagdagang relief goods ang mga mag-aaral ayon sa nais o kaya nila. Hinihikayat din po ang lahat ng Faculty at Staff na magdala rin po ng relief goods. Pansamantala pong ilalagak muna sa KA room ang mga relief goods kung saan bukas po ito sa lahat ng mga mag-aaral na nais tumulong mag-repack ng mga relief goods."
Ang bawat relief pack ay nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P50. Ang mga ito ay batay sa relief packages na ginagamit ng Citizens Disaster Response Center (CDRC), na isang NGO na tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa buong bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa PKA sa pamamagitan ng kanilang Facebook page -- https://www.facebook.com/groups/144493045688616/ ● CCCA, sa ulat nina Shari Oliquino at Paolo Aljibe
Abot-KAmay relief drive inilunsad
"Let’s do our part!"'Yan ang panawagan ng pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) at iba't ibang organisasyon sa UPIS sa kanilang paglulunsad ng Abot-KAmay, isang year-round na proyektong naglalayong matulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng mga sakunang tulad ng bagyo at lindol. Layunin din nitong mapanatili ang diwa ng bayanihan sa pagitan ng mga Isko at ng kanilang kapwa Pilipino.
Mula ito sa mga katagang "abot-kamay" na nangangahulugang pagtulong sa paraan na posibleng maisagawa.
Sa relief drive na ito, tutulungan ng buong komunidad ng UPIS ang mga kababayanan nating nasalanta bagyo, lindol, at iba pang mga sakuna. Bawat batch ay mayroong naka-assign na relief pack na siya namang matatanggap ng mga taong naapektuhan ng kalamidad (maaaring tingnan ang larawan upang malaman kung ano ang naka-assign sa inyong batch).
Ang mga iminumungkahing i-donate ng bawat batch para sa Abot-KAmay relief drive. (c) Zena del Mundo, G. Gringo Corpuz |

0 comments: