buwan ng wika,

KAP, Sangguniang Pangwika, at FHC nagsama-sama sa Buwan ng Wika at Kasaysayan

8/31/2012 08:08:00 PM Media Center 0 Comments

Napagkasunduan ng Kilusang Araling Panlipunan (KAP) at Sangguniang Pangwika na isama ang Future Homemakers Club (FHC) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.

Ito ay upang paigtingin ang integrasyon ng mga aktibidad na nagaganap sa loob ng eskuwelahan. Gayundin, makadaragdag sa mga ideya at suhestyon ang FHC sa mga usaping may kinalaman sa Sining Praktika.

Magkakaroon ng UPIS Master Chef na pamumunuan ng FHC. Kukuha sila ng isang estudyante bawat seksyon na lalahok sa paligsahang ito. Ito ay bubuuin ng tatlong grupo para sa Highschool at tatlong grupo rin para sa Elementary. Dito ay mas malilinang ang galing ng mga estudyante sa wastong pagkain at pag-oorganisa ng isang menu.

Sa darating naman na Rampang Pinoy, makatutulong naman ang FHC sa tamang pagdadala ng damit, wastong pagsuot at pagpili nito. Gayundin, ang Rampa ay nasa pagtutulungan pa rin ng tatlong organisayon at departamento.

Bilang pagtatapos sa selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan, magkakaroon ng Food Fest na lalahukan ng bawat seksyon. Ang bawat pangkat ay maatasan ng isang espesipikong rehiyon sa bansa kung saan nila kukunin ang pagkaing itatanghal.

Ngayong Akademikong Taon 2012-2013 lamang napasimulan ang pagsasama ng tatlong organisasyong ito. Inaasahan na magiging masaya, makabuluhan, at matagumpay ang darating na selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan. ● nina Patricia Lim at Reagene Fernando

You Might Also Like

0 comments: