ada bayobay,
Sa panahon ngayon ay masasabing uso ang pagkakaroon ng matitinding “following” ang mga sikat na tambalan. Nandiyan ang KathNiel, JuliElmo, EzRian at kung sinu-sino pa. Ngunit kamakailan lang nang may bagong umusbong na tambalan, ang Sharon.
Noong Hulyo 2012 sa may MC Room, naging magkapares sina © na isang matalino’t magandang babaeng student-leader at ¨ na isa namang matipuno’t makarismang varsity player. Madalas silang mag-usap at magsama upang tapusin ang kanilang mga itinakdang proyekto. Ngunit napansin na kahit tapos na ang naturang proyekto, magkasama pa rin sila. Dito nagsimula ang mga pagtitinginang di malagay sa salita.
Dito rin nabuo ang Sharonatics, ang fans club ng Sharon, na binubuo ng matatapat at matitinding tagasubaybay ng kanilang (pilitang) tambalan. Marami sa kanila ay bukas na nagpapahiwatig ng kanilang pagsuporta sa naturang tambalan.
“Parang magkaibigan lang sila dahil, in fairness, ‘di sila naiilang sa isa’t isa.” sabi ni BSA.
“Hindi ko rin matiis na kiligin sa kanila eh kasi nakakatuwa silang tignan pag magkasama, parang laging may spark,” wika ni MAR.
Tinanong rin namin ang isang dating mahalagang tao sa buhay ng ating student leader. Ito naman ang kanyang mensahe, “Stay strong. Nasa likod niyo lang ako.”
Nang tanungin naman si Bb. RCD, ang nasabi niya lamang ay, “Mega na, something pa.”
“You get to develop feelings for each other when you’re close to each other… Proximity,” pahayag ni MDC. “They look good together,” dagdag pa niya.
Humingi rin kami ng panayam mula sa dynamic duo ukol sa kanilang mga matatag na fanbase at ito ang kanilang sinabi.
“Just keep on supporting us and we will keep on entertaining you. Love you guys,” sabi ni varsity player.
“Yak! Kadiri! Ba’t naman kasi?!” sagot naman ni student leader.
Hindi na maipagkait ang chemistry ng tambalang Sharon. Patuloy na dumarami ang mga taga-suporta ng pares nila. Bagamat hindi makatotohanan ay matatag pa rin ang mga tagasubaybay ng kanilang nakakakilig na tambalan dahil sa patuloy nilang pagdedeliver sa kanilang mga fans.
Ika nga nila, saan ka pa kung hindi sa MEGA. ● nina Ada Bayobay at Aliyah Rojo
MEGAnon: The Sharon Feeture
“Minamasdan ko kasi si ¨. Titig na titig kay ©,” ani PDT.Sa panahon ngayon ay masasabing uso ang pagkakaroon ng matitinding “following” ang mga sikat na tambalan. Nandiyan ang KathNiel, JuliElmo, EzRian at kung sinu-sino pa. Ngunit kamakailan lang nang may bagong umusbong na tambalan, ang Sharon.

0 comments: