catweng,

Ano ang mamimiss mo sa MC?

10/24/2012 09:23:00 PM Media Center 0 Comments

Pag member ka ng MC, marami kang pwedeng mamiss. Kagaya ng...

“Beats na walang taong nahahanap sa office. Yung paghahabol ng artiks.”
- Benjo Hernandez, News-Sports Writer/Kulot

“Beats. Kasi working vacant. Petiks kahit gumagawa ng article.”
- Dara Lilang, News-Sports Writer/Unlucky Charm/Tambay Queen 1

“Beats. Dahil may nadadagdag sa article count ko kahit sandali lang ako sa Social and Science Dept.”
- Hannah Garay, Literary Writer/Sleeping Beauty/Virtual Villager

“Beats! Trending! Pictorial. Meetings! Productive tambay. :) Pagcocover ng games, FREEDOM, MChika! At siyempre makukulit naming advisers... Ma’am Cathy and Ma’am Wena. :)”
- Trizia Badong, Feature Writer/Tambay Queen 2/Trending Addict

Talagang halos lahat ng staff, mamimiss ang beats. Kapag walang beats, walang balita. Kapag walang balita, walang article. Pag walang article, walang grade. Pero, pwede mo rin mamiss ang...

“Ang mga hopeless romantic na poems at walang kamatayang ninja moves.”
- Arielle Gabriel, News-Sports Writer/Layout Artist/Website Designer/Resident Ninja

“Pagsusulat ng lit kahit di ako dun nakaassign, mga MChika, beats at trending, pag-eedit ng Trese.”
- Rya Ducusin, Feature Writer/Advertiser/Promoter/Joker/Master Trese Editor

Nakakamiss ang literary artiks dahil konting hugot lang, approved agad. Pwede ka pang magparinig sa crush mo o sa kaaway mo ng hindi nakikilala dahil may pseudonym ka. Pag masipag ka magsulat, hahanap-hanapin mo ang...

“Writing. Because writing is my way of letting go.”
- Miguel Flores, News-Sports Writer/Mr. Minority/Lost in Translation

“Mamimiss ko makitang ipublish mga sinulat ko.”
- Camille Custodio, Feature Writer/Ms. Abs (Absent)

Pero pag pasaway ka, siguro mamimiss mo ang...

“Mga articles na hindi napapasa kahit nasulat na.”
- James Borja, Literary Writer/Gino the Equestrian's

“Paghahabol ng articles kasi sobrang eto ang nagbigay buhay sa MC ko.”
- Christian Boro, News-Sports Writer/Mr. Abs (Absent)/CB Twin

Eh bakit kailangan mong maghabol? Kasi siguro ang mamimiss mo ay...

“Ang MChika!!! Plus buong staff at learning coordinators! Kasi puro fun kwentuhan at bonding ang MC experience."
- Camille Babaran, Feature Writer/Trese Editorial Assistant/CB Twin

"Chikahan at kwentuhan tuwing meeting..."
- Sandy De La Paz, News-Sports Writer/May-ari ng Ipad ng Bayan

"Ahhhhhhhh... mamimiss ko yung ID ng MC. Uhuhuhu...."
- Eric Madriaga, Literary Writer/Pogi-slash-Paa/Boy Banat

Higit sa beats, articles at MChika, ang mga taong kasama mo sa kangaragan, katatawanan, at kalokohan ang pinaka-nakakamiss.

"Eric. Ang pinaka-productive kong partner sa Trese. Ang laging online kapag kailangan ko. Lahat ng MC member nangangarap makapartner 'to. Mamimiss ko rin ang 'isulat mo.' Ang pinakapaboritong linya ni EIC ng spoof edition sa akin."
- Reagene Fernando, Feature Writer/PPS (Pogi's Personal Secretary)

"Panlalait ni Paolo kasi... yeah. :D"
- Patricia Lim, Literary Writer/Snow Queen/Translator

“Sharon! :"> Paggawa ng Trese. Beats + Tsismisan sa loob ng MC. Bagyong Wena.”
- Bianca Pio, Literary Writer/MC Preshussss/Miss Universe (Out of this World)

“Beats with Trizia and Dara, kalokohan ni Eric, the room, making articles, yung bawang, magsulat sa board, ‘teach,’ ‘nakakainis,’ mga yearbook sa likod, mga MChika ni Ma’am Wena, everyday sit-in ni Clarence... pretty much everything.”
- Juanito Gregorio, News-Sports Writer/Tambay King/Abangers

Hindi lang MC staff ang maraming pwedeng mamiss. Kahit MC friend di malilimutan yung...

“Bonding na nabuo ko sa kakapiranggot na sandaling nakasama ko sila. Nakita ko yung kasiglahan at kakulitan ng work program na 'to at mabilis na nag-click sa 'kin. Feel ko kasama agad ako.
Pero baka FC (feeling close) lang ako masyado.”
- Clarence Abac, MC Friend

“Kasiglahan ng mga tao at ang suporta nila sa isa't isa. At mami-miss ko din yung pakiramdam na wala kang maisip na kuwento pero kailangan mong ipiga ang utak mo kasi kailangan talaga.”
- Katha Estopace, MC Friend

Kung ganiyan kaadik ang staff, di hamak na mas adik ang ed board. Kaya siguro, mamimiss nila ang...

“Work! Chos!”
- Paolo Aljibe, Art Director/Cameraman/Boy Abunda aka Number One Echusera

“Ang mga tawanan at malakas na trip ng MC.”
- Red Bartolome, Associate Editor for English/Ang “B” sa Ada B.

“Kaadikan ng ed board, mga nakakainis na pang-aasar, iyong nagkakandarapa sa mga artiks, pagpromote ng Trese and publishing days, mamimiss kong maging ‘workaholic’ at ang maging adik, mga hirit nila ma’am at Paolo, pag-edit ng nakakalokang artiks, mga walang nagpapasa ng assigned articles, ed board meetings!”
- Joanna Pagulayan, Features Editor/Resident Statistician/Ms. Pasimpleng-I-Love-You

Sure kami, di rin nila malilimutan ang...

“Ed board meetings after MC. Mamimiss ko ring magsulat ng mga articles para sa completion ng artiks.”
- Nina Leis, Literary Editor/DINA Nakalimot

“Ed Board meetings na sobrang nakakabaliw pero masaya. It completes my Tues-Thurs.
M.E. Work, kahit mahirap at stressful, parang nabibigyang saysay ang school life ko.
MC Room, para siyang private sanctuary/asylum ng MC staff.
Chalk board, masaya kasi magsulat gamit ang chalk kahit minsan nakakairita.
Lock ng MC Room, kahit parang magkaaway kami pagdating ng uwian ng MC, binibigyan pa rin ako ng sense of fulfilment tuwing nalolock ko siya.”
- Ada Bayobay, Managing Editor/Article Counter/Graphic Artist/Part-time Custodian/Yale's Best friend

O di ba? Sa dami ng pinagdadaanan, pwede mo talagang mamiss ang...

“LAHAT. Kasama doon ang with all the feelings na kulitan at tawanan every meeting. Pati na yung mismong trabaho. Yes, yung trabaho. Paulit-ulit talaga mga salita ko ngayon. Haha. Kahit bullied ako... masaya pa rin. Hindi ko alam kung bakit. Actually, may isa pala akong hindi mamimiss. May staff member kasi na lagi akong binibigyan ng stress. As in. Wala tuloy meeting na di ko siya inaway. Hindi ko mamimiss yung mga away naming di natatapos...
Basta more power sa MC! Memorable talaga ang work program na ito.”
- Shari Oliquino, Associate Editor for Filipino/Taga-nag/Ms. Mega Tagal

Pero, kahit maraming nakakamiss...

“Wala naman po talaga akong mamimiss. Hindi ko po mamimiss yung mga paggawa ng article tungkol sa game namin, pag “edit” ng article, pagpagalit ni Ma’am Wena pag nalelate ako o kaya naman pag absent. Siyempre, hindi talaga kamiss-miss ang mga katagang ‘nakakainis’ at ‘nakakaasar.’ Higit sa lahat, hinding-hindi ko po mamimiss si Ma. Shari Niña G. Oliquino—yung mga pinagsamahan namin, kakalimutan ko lahat; yung mga pictures namin, susunugin ko; yung Chapter 3, ok lang yun, sa kanya na yun; yung dimple niyang malalim, kainis. Kaya naman nagpapasalamat ako at sana matapos na ‘to.”
- Aaron Lina, News-Sports Editor/Nina-nag/Mr. Mega Tagal

Ahhhhhhhhh, wala ka nga talagang mamimiss. Wala kang naisulat eh. Ayon nga sa isang MC LC friend na itago na lang natin sa pangalang Ma'am Dian, "Sa huli, ang unang nakatanggap ng katotohonan ang nagdedeny habang ang nagdeny ang unti-unting umaamin." Hehe. Joke lang.

Pero sa totoo lang...


“Sa isang sem na 'to, ang dami kong natutunan. Hindi lang pala yun, dami ko rin di malilimutan. Jusko! Wala akong hindi mamimimiss. Sa mga ed board meetings kaya laging late umuwi, sa mga sagad-sagarang overtime para sa mga publishing nights at sa mga artiks na kailangan lahat basahin. Pero ang pinaka-mamimiss ko talaga yung everything in between, tipong puro tawanan, okrayan at asaran. Tagos to the bones ang pagmamahal sa MC. Wooo!”
- Aliyah Rojo, Editor in Chief/Wrong Speller/aka Queen Amanda/Nakakaloka!!!/Ginagamit ang MC para "late" makauwi


We will miss all of it. Every single thing. Because... #EVERYTHINGISABOUTMC.  Ma'am Cathy and Ma'am Wena

You Might Also Like

0 comments: