chapter 4,
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.
SABADO
[Andrea]
“Uy, sino na naman iyang katext mo? Magkasama na nga lang tayo, may katext ka pa rin. ”
Paano naman ako ‘di ba? ‘Di ba pwedeng ako muna?
“Minsan na nga lang tayo magkasama eh…” pabulong kong sabi.
[Vincent]
“Sorry naman, tungkol lang naman sa function ‘to eh,” sagot ko.
“Sus, ganyan ka naman lagi eh. Puro palusot, wala na bang iba?”
Grabe naman ‘tong si Andrea, akala niya siguro, babae na naman ka-text ko. Nakikinig naman ako sa kanya habang nagtetext ako eh. Oo, alam kong mali iyon pero hindi naman pwedeng sa kanya lang umiikot ang mundo ko.
[Andrea]
“Vincent, hatid mo ako, uwi na ‘ko,” naiinis kong sabi.
“Geh, uwi na tayo,” sagot niya sa akin.
Aba-aba, nag-susuggest lang naman ako, um-oo naman agad?
“Keri lang, inaantok na ako.”
Nakakainis, text lang ng text. The usual lang din naman ang nangyari: punta sa mall, nood ng sine, kain, uwi. Hay naku, wala bang bago? Sana hindi na lang kami nagkita kung ganun.
Sabado naman pero tinatamad na talaga ako.
[Vincent]
“Ano bang meron?” naiirita kong tanong kay Andrea.
“Wala, tara na!” mataray niyang sagot.
Ano bang ginawa ko? Bakit laging galit ‘to sa kin? Hindi naman siya ganito dati.
MARTES
[Andrea]
Two days na siyang hindi nagrereply sa mga text ko. Sinubukan kong kulitin siya at sinubukan ko ring ‘wag magparamdam pero wala pa rin. Siguro dahil papalapit na rin ang function. Pero ganun na lang iyon? Kung kaya niya ng 2 days, pwes ako hindi!
Papunta sana kami ni Elise ng canteen nang makasalubong ko si Vincent.
“Hi!” with matching smile at high five pa sa akin.
Wow ha, nahiya naman ako sa’yo.
“Okay pala tayo?” ang pataray kong sabi.
[Vincent]
“Weh? Ang taray mo naman. Sorry nung Sabado, stressed lang ako dahil sa function,” ang sagot ko sa kanya.
“Oh talaga?” naiinis niyang sinabi sa akin.
“Kasalanan ko naman talaga eh. Hindi na mauulit, sorry.”
“Hindi na mauulit? So lagi na lang ganun? Lagi na lang tayong ganito?”
Hindi na ako nakasagot dahil yun naman ang totoo. Hindi na kami nagkakausap tulad ng dati, iba na talaga ngayon.
[Andrea]
“Sige, balik na ako sa klase,” paalam ko.
Lumayo na ako dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
Siniko ako ni Elise. “Uy, Andrea, ‘wag ka nga masyadong OA,” sabi niya.
“Ewan ko sa kanya. Bahala siya,” sabi ko.
MIYERKULES
[Andrea]
*1 new message*
Vincent
Bird Cage mamaya a.
Ano na naman kayang meron? Sana hindi ito yung iniisip ko…
Pagdating ng lunch, dumiretso agad ako sa Bird Cage para makipagkita kay Vincent.
Habang naghihintay, nakita kong nanggaling siya ng canteen.
Wait lang, hindi ba si Aya yun?! BAKIT SILA MAGKASAMA?! NAGTATAWANAN PA SILA. AKO DAPAT YUN AH! AKO DAPAT YUN!
Tinitignan ko si Vincent, umaasang ibabaling niya rin ang tingin sa akin pero nilagpasan niya lang ako na para bang wala ako rito.
Siya na nga nag-aya, siya pa ang nakalimot. Salamat, ha?
[Vincent]
“Uy Vincent, wala ka bang gagawin?” tanong sa akin ni Aya.
“Hala! Oo nga pala!”
Sht nakalimutan ko na naman!!!!! Yung lunch date pala namin ni Andrea!!! Sana nandun pa siya…. Sana naghihintay pa rin siya…
Pagdating ko sa Bird Cage, wala. Tinext ko siya: “San ka? Sorry, nag-usap pa kami ni Aya tungkol sa Peer Camp.”
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Sana si Andrea ‘to.
*1 new message*
Andrea
Masakit ulo ko, sorry.
[Andrea]
Matapos kong magtext kay Vincent, dumiretso na agad ako sa room namin.
Bago ako pumasok, may narinig akong tumawag sa akin.
Nang lumingon ako, nakita ko siya…
“Ohhhh now I know why you’re late. Sana man lang nagtext ka na di ka pupunta di ba? Hindi yung pinaghihintay mo ako sa wala,” ang bungad ko sa kanya.
“Ano na naman ‘yan? Tinext naman kita kung bakit late ako,” sabi niya na parang naiinis.
“Panong di ka malelate eh nakikipagtawanan ka pa?” naiirita kong sinabi.
“Kanino? Kay Aya?” pa-inosente niyang tanong.
“Ewan ko. Sino ba?” sabi ko, sabay irap sa kanya.
“Drea... kay Martin na ‘yun. Tsaka Peer nga di ba? May activity kami,” paliwanag niya.
“Excuses!” Medyo napalakas na yung boses ko. Napatingin na sina Elise sa akin. “Ayoko sa lahat yung paasa,” nanggigigil na bulong ko sa kanya.
“Selos ka na naman!”
Ako? Selos? Hindi naman ah!
“Fine. Sige, parating na si Sir, malelate ka na sa klase mo. Bukas na lang tayo mag-usap,” agad akong tumalikod. Naramdaman kong lumabas siya.
Lumapit si Elise. “Ok ka lang ba?” tanong niya.
“Ewan. Daming dahilan. May Aya, may peer, may acads, may function, barkada, lahat na. Nakakapikon!” sumbong ko.
“Wag ka na magalit. Baka marami lang talagang ginagawa,” paliwanag ni Elise.
“Eh bakit laging kasama si Aya?” tanong ko.
“Magkaibigan naman talaga sila ni Vince di ba? Tsaka di ba nga may something na kina Aya at Martin? ‘Wag ka na magselos,” sabi ni Elise.
“Pero---“ Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Dumating na si Sir.
HUWEBES
[Vincent]
Mag-uusap daw kami ni Andrea ngayon. Minsan nakakasawa na rin ‘tong usap ng usap. Bahala na.
“Uy Vincent, magkasama sina Andrea at Francis sa Multi ha,” asar ni Gino.
“Tapos?” sagot ko.
Badtrip naman ‘to. Eh ano naman kung magkasama? Wala naman ibig sabihin ‘di ba? Puntahan ko na lang.
Pagdating ko sa Multi, magkasama nga sila. Bakit mukhang malungkot yun? Ako na naman ba?
[Andrea]
“Bakit parang wala lang sa kanya?” malungkot kong tinanong kay Francis, siya lang naman ata makakaintindi sa akin.
“Alam mo, Andrea, hindi lang sa’yo…”
Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil nakita ko na si Vincent sa labas ng Multi.
“Vince!” lumapit ako sa kanya.
“O, anong problema? Akala ko mag-uusap tayo,” tanong niya sa akin.
Nainis ako sa sinabi niya. Parang naabala ko siya. Kaya naaasar kong sinabi, “Hindi na. Mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi. Mag-online ka.”
‘Pag-uwi ko sa bahay, dire-diretso agad ako sa harap ng computer at nag-online.
Nahuli ko agad siyang online kaya chinat ko agad siya.
Andrea Sanchez: Hoy!
Vincent Marco De Guzman: Bakit?
Andrea Sanchez: NAALALA MO YUNG BIRD CAGE?! Baka lang naman, baka. Kasi pwede naman mag-text kung hindi makakapunta di ba?! Alam mo yung ang init-init tapos pinaghintay mo ako?! Lagi naman akong naghihintay sa’yo eh.
Vincent Marco De Guzman: Lagi naman eh.
Andrea Sanchez: Gusto ko lang naman pag ako, ako lang. Walang katext, walang ibang kausap, dumadating sa oras ng usapan. Yun lang. Mahirap ba yun?
Unti-unti na akong naiiyak. Hindi, Drea, maging malakas ka. Ayaw mong mauwi ‘to sa wala, di ba?
Vincent Marco De Guzman: Yun na nga eh....
Yun na nga? Anong yun na nga?
[Vincent]
Vincent Marco De Guzman: Hindi pwede yang gusto mo na lagi tayong magkasama. Di ka naman ganyan dati. Nagbago ka na.
Andrea Sanchez: Magbabago ako, babalik ako sa dati, promise ko sa’yo yan.
Ano ba 'tong si Andrea? Hay.
Vincent Marco De Guzman: Sigurado ka? Bahala ka. Desisyon mo yon.
Andrea Sanchez: Pero kaya ko naman eh! Wala ka bang tiwala? Kaya kong magbago para sa’yo!
Vincent Marco De Guzman: K. Sige na...
[Andrea]
Vincent is now offline.
What?! Ayos ‘to ah, kinakausap ng maayos tapos biglang mag-ooffline?! Kaasar. Bahala siya, bahala na bukas, bahala na kami.
BIYERNES
[Andrea]
Gusto ko nang umuwi. Wala akong gana maghapon. Hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi rin ako nakaaral. Namamaga pa mga mata ko sa kaiiyak. Pagod na rin ako. Ganun-ganun na lang ba talaga yun?
Buti na lang hindi kami sabay ng dismissal. Pero gusto kong magkaayos kami. Kaya lang pano? Kailan?
Kung magkita man kami ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko.
[Vincent]
Kasama ko si Dong paakyat ng MC Room nang makasalubong ko si Andrea. Pauwi na yata siya.
Hindi ko siya tiningnan. Mamaya marami na naman siyang sasabihin.
“Huy Drea!” sabi ni Dong.
Nakita kong tumango lang siya.
“Brad anong meron?” nagtatakang tanong ni Dong sa akin, nang makalayo si Andrea.
“Anong meron? Wala,” sabi ko. “Lika na, late na tayo.”
Papasok na kami ng room nang mag-vibrate yung cellphone ko.
*1 new message*
From: Drea
Vince, bakit ba tayo ganito?
Hindi ko siya nireplyan, baka kung saan pa to mauwi.
[Andrea]
Hindi siya nag-reply. Nahihirapan na ako!
Nang makita ko siya kanina, lalo kong naisip na hindi puwedeng wala siya. Aayusin ko ‘to. Bahala na ang pride basta bumalik lang yung dati. Magbabago rin ako para sa kanya, babalik ako sa dating Andrea niya.
Lalakasan ko na yung loob ko.
[Vincent]
Nagsusulat ako ng article nang magtext siya ulit.
*1 new message*
From: Drea
Masaya ka pa ba?
Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam.
[Andrea]
Lahat na ng lakas ng loob ko, kinuha ko na para matanong sa kanya yun. Magreply ka naman, Vincent,please.
Ano bang problema sa akin? Masyado ba akong manhid? Hindi ko maintindihan! Nasasakal ba siya? Naguguluhan?
Habang hinihintay ko yung reply niya, napayuko na lang ako at napaiyak. Parang lahat ng bigat sa mundo, nilagay sa puso ko.
Last na text na ‘to. Sumagot ka na, please.
To: Vincent
Ayaw mo na ba?
*Message sent*
[Vincent]
Dideretsahin ko na ba? Baka masaktan siya… pero pag pinatagal ko pa baka mas lumala lang. Sige. Para matapos na.
*Message Sent*
[Andrea]
*1 new message*
From: Vincent
Ayaw ko na muna. ●
TRESE: Chapter 4 - Setyembre
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

Ang ganda po! :-) Nakakarelate po talaga yung karamihan. :)
ReplyDeleteAng daming characters. o_____o Pero maganda po. ;D ;D
ReplyDeletenakakaloka nakakaasar yung Andrea *__*
ReplyDeletetengene naman si andrea oh!
ReplyDeletewag ka na andrea!
ReplyDeleteyakidudels sa text nakipagbreak
ReplyDeleteHOMAYGAD ANG SAKIT SA PUSO
ReplyDeleteHOLY CRAP. This chapter seems familiar. O.O
ReplyDeleteBakit naman sa text nakipag-cool off. Ansaveh
ReplyDeleteAno ba tong lalakeng to, sa text nakipag break
ReplyDeletetangina mata ko namaga
ReplyDelete<//3
ReplyDeletegago yun lalaki di man lang kinausap pride ni andrea sagad sagad na sa baba o letse
ReplyDeleteMy gosh!
ReplyDeletegrabe!!!!!!!!!!! nakakaiyak! ang ganda ng story!! =)
ReplyDeleteuso mga ganyan sa UPIS HAHAHHA
ReplyDelete