filipino,

Literary: Karugtong ng Nakaraan

9/10/2015 08:51:00 PM Media Center 0 Comments



"Naaalala mo pa ba?
Noong tayong dalawa ang unang magkita"

Isang araw sa isang silid-aralan
Ikaw ay aking napansin at pinagmasdan
Nag-aalangan pa ako noon na ikaw ay lapitan
Naglakas ng loob, kinausap, at nakipagkulitan
Hanggang sa tayo ay naging magkaibigan.

"Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman"

Sa pagdaan ng mga araw na tayo ay magkasama
Kaligayahan ko na ang makita kang masaya
Pagdaan ng mga oras ay hindi na namalayan pa
Damdamin ko sa iyo ay hindi ko mawari
Tila sa iyong kagandahan ay unti-unting nabighani.

"Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga"

Ang hardin ng paaralan ay naging saksi ng ating pagkakaibigan
Atin pang napagkatuwaan na sa puno ng Ilang-Ilang
Mga pangalan natin doo’y nakadibuho - magkadugtong ang umpisa at dulo
Wari ba ang ibig sabihi’y relasyon natin ay walang katapusan
Pangakong hindi maghihiwalay magpakailanman.

"Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?"

Magkasamang nagbuo ng mga pangarap
Parang mga kastilyong binuo sa ulap
Subalit minsan ang tadhana ay masamang magbiro
Pilit pinaghihiwalay ang dalawang tao
Na nagdudulot ng pighati sa kanilang puso

"Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik"

Isang araw, muling nagkita mga pusong nangulila
Noon natin napagtanto na ang ating relasyo’y
Masasabing tamang pag-ibig sa maling panahon
Subalit ngayon ay binigyan ng pagkakataon
Upang ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan.

"Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?"

You Might Also Like

0 comments: