filipino,

Literary: Alaala ng Nakaraan

9/10/2015 08:37:00 PM Media Center 0 Comments



Mga alaala na aking babalik-balikan. Mga panahon at oras na aking aalahanin at tatandaan. Mga litratong aking pagmamasdan. Isang simbolo ng ating pagmamahalan- ng ating samahan. Pati na rin ang unang beses mong ako’y sinabihan ng “mahal kita” hanggang sa “ayoko na. Tama na.” Hinding-hindi malilimutan ang mga binitiwang salita. Mula sa pagpapatibok ng aking puso hanggang sa pagkadurog nito.

Kay hirap kalimutan ang lahat ng iyon. Laging nasa isipan ko ang mga simula ng masasayang panahon. Simula sa pinakamatamis mong “oo” na napakasarap pakinggan ang salitang pinaka di malilimutan. Isama na rin ang buwan-buwan at taon-taon na ating pinaghahandaan. Di rin malilimutan ang mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga alitan. Malimit na di maiiwasan pero ito ang nagbibigay nagpapatibay sa ating samahan.

Kay hirap kalimutan ang lahat nang iyon. Laging nasa isip ko kahit pinipilit na itago sa dulo ng aking isipan. Ang pangyayaring iyon na nauwi sa isang hiwalayan. Mga salitang tumatak sa aking isipan. Mga salitang tandang tanda pa. “Minahal kita. Nasaktan kita ng di sinasadya. Pero kailangan kong gawin ito. Patawad at hanggang sa muli.” Hinding-hindi malilimutan. Masakit mang pakinggan at mahirap limutin. Ito ay aking susubukin.

Hanggang ngayon di pa rin naghihilom ang mga sugat ng nakaraan. Pero ito pa rin ako naghihintay at umaasang muling babalikan.

You Might Also Like

0 comments: