akrilik,

Literary: Mundo

2/12/2019 08:57:00 PM Media Center 0 Comments




Naglalakbay ang mga kulay kasabay ng hangin
Kumikinang ang mga buhangin
Sa aking balat, mga paruparo’y kumakapit
Araw-araw, bahaghari ay sumasapit

Tumutubo’y mga perlas sa lupa
Sa umaga’y mga tala ang bumubulaga
Sa himpapawid, mga ibo’y kulay rosas
Mga sirena, sa gabi’y lumalabas

May mga gintong lumulutang sa karagatan
Lumilipad ang mga isda sa bughaw na buwan
Sumasayaw ang mga bulaklak sa damuhan
Ang mga diwata ay nagsusuyuan

Buhay na gusto kong makamtan
Mundo na gusto kong tirahan
Lupain na gustong galawan
Kalawakang hindi mawawala sa aking isipan

Mga bagay na nagbibigay kinang sa aking ngiti
Ito lamang ang minimithi
Kailangan na bang imulat ang nangangarap na mata
Upang mamasdan ang mga bagay na hinding-hindi makikita?

You Might Also Like

0 comments: