filipino,
“‘Di lahat ng posible ay nagkakatotoo,
‘Di lahat ng gusto mo, makukuha mo.”
Iyan ay tanyag na kasabihan tungkol sa buhay,
Sa buhay na punung-puno ng kasiyahan, katuwaan, at kagandahan,
Sa buhay na nagtuturo ng pag-irog sa isang taong alam mong ‘di ka iiwanan,
At
Sa buhay na mayroon ding hangganan,
Ang iyong kalayaan at kakayahan upang maabutan
Ang taong sana kasama mo hanggang sa walang hanggan,
Sa buhay na ‘di patas at maraming kaakibat na kawalan.
Magsimula tayo sa kung saan una kitang natagpuan,
Sa isang imahe,
Sa isang pahina,
Sa isang libro.
Sa isang imahe,
Sa isang pahina,
Sa isang libro.
Kitang unang nakita Maximo.
Hindi na ako magpapanggap pa
At sasabihing mga mata mo ang una kong nakita
Dahil tao lang ako.
Dahil mga bata pa lang tayo.
Dahil sa totoo lang ang una kong napansin sa iyo
Ay ang iyong mga makikisig na braso.
Sa tuwing natatanaw ko, isang eksena lamang ang tanging naiisip ko.
Gabi ng Promenade.
Ang silid ay bahagyang madilim.
Nababalutan ng iba’t ibang kulay ang mga kisame at pader.
Ang ilang tao’y nakaupo at nag-uusap.
Ang iba’y nasa gitna’t sumasayaw.
Ipinapatugtog nang mabagal ang isang kanta.

Ako.
Nasa silya minamasdan ang kuwarto.
Nag-iisip kung may makakasayaw? Oo.
Ikaw.
Papalapit sa aki’t mukhang manliligaw
Iniaabot ang iyong kamay, nag-aalok na sumayaw.
Ako.
Walang pag-aatubiling sumang-ayon
Dali-daling tumayo.
At sumama sa iyo.
Ikaw.
Dinala ako sa gitna’t sinayaw.
Ipinaramdam sa aking nagkatotoo ang hiling ko sa isang bulalakaw.

Habang sumusunod sa musika ang ating mga paa.
Pinaikot mo ako’t niyakap.
Binalot ang iyong mga braso.
Sa buhok ko, iyong ulo.
Ang akin sa dibdib mo.
Pinikit ko ang aking mga mata na parang walang takot sa buong mundo.
Na parang ako’y kontento.
Protektado.
Gusto.
Sabay bukas ng mga mata
Gumising mula sa panaginip
Alalahaning hindi ito mangyayari
Bumalik sa realidad, sa totoo, sa buhay.
Sa realidad, sa totoo, sa buhay, ay iba
Sa ibang paraan tayo Maximo nagkakilala
Nagkakilala sa isang laro ng mga di aakalaing magbabarkada
Magbabarkadang nagpapalipas-oras sa isang gilid
Sa isang gilid ng isang malaking silid sa malamig na sahig.
Sa sahig kung saan ang mga mata nati’y nagkatitigan
Nagkatitigan ang dalawang binata dahil sa pustahan
Sa pustahang ang pagtitinginan nati’y tatagal ng isang minuto
Sa isang minuto na nakapagbigay sa akin ng sapat na oras
Oras upang sumisid sa mga mata mong malalim at matuklas
Matuklas ang katauhan mong magpaparamdam sa akin na ako ay ligtas.
Ligtas mula sa mga tingin ng ibang nanghuhusga.
Husga, isang bagay na alam kong ginawa mo na noon
Ngunit di ko alam kung gagawin mo pa rin ngayon
Ngayong magkakaalaman at aking aaminin
Ang mga damdaming isang taon ko nang nililihim
Nililihim ngunit ito na, akin nang sasabihin
Sasabihin ang mga linyang “Ikaw na! Ikaw na talaga
Ikaw ang aking mamahalin nang sobra-sobra
At bilang kapalit aarugaan mo ako
Ipapakita mong mahal mo rin ako
Ikaw yan! Ang banayad at matipuno
Ikaw yan! Ang pangalan mo ay Maxi--”
At natapos na ang isang minuto.
Doon nangyari ang ating pinakamatagal na pagsasama
At doon din nagtapos ang ating pakikisalamuha sa isa’t isa.
Ngayon, sa malayong lugar ka na nakarating
Diyan ka nag-aral, nagtrabaho, at nagtayo ng bagong buhay.
Kaming mga kaibigan mo’t kakilala’t iniwan mo
Kasama ng isang bagay na gabi-gabing nasa isipan ko.
“Kung aking tinuloy ang pag-amin sa iyo,
magkakatotoo kaya ang lahat ng plano ko?
Magkakaroon kaya ng “tayo”?
Magkakaroon kaya ng panahon na walang-hiyang naglalakad tayo
Habang ang bisig mo ay dahan-dahang umaakbay sa leeg ko?
Magkakaroon kaya ng mga panahong pagkatapos ng pag-eensayo sa sayaw,
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan na nakakakilig ang ilaw,
Nais mong sa aking gabi ay maging bahagi
Mabagal tayong naglalakad, ihahatid ako, at sasamahan hanggang sa makauwi?
Magkakaroon kaya ng panahon na magsasama tayo tuwing uwian,
Uupo sa silya sa kantina at magkukuwento ng mga nararamdaman,
Habang ang ulo ko, sa balikat mo, ay komportableng nakapatong,
Kaharap ang makulay na kalangitan ng dapit-hapon?
Magkakaroon kaya ng panahon na lahat ng ito,
Ay maaamin ko sa iyo,
At tatanggapin mo ako nang buong-puso,
O, Maximo,
Magkakaroon kaya ng tayo?”
- Basilio
Literary (Submission): Basilio at Maximo

0 comments: