filipino,
Isa na namang gabi na mag-isa
Sa aking silid, walang kasama
Buong araw nakahiga sa aking kama
Kayakap ang mga unan at kumot na tila ba
Akin nang ganap na pamilya
Ang unan na nariyan para sumalo
Ng balde-baldeng luha ko
Mga luha na laging tumutulo
Sa tuwing nasasaktan ng ibang tao
Kapag tila ‘di na kaya mabuhay sa mundo
Mabuti pa ang unan
Laging nariyan
Nariyan kapag tulong ang aking kailangan
Ito’y lagi kong nasasandalan
Nagsisilbi itong aking sandigan
Ang unan din ay laging nakikinig
Nakikinig sa aking mga hinanakit
Ang una’y sa akin may malasakit
Para bang pinapagaling ang sakit
Sa tuwing ako’y hinihikayat pumikit
At nariyan din ang kumot
Lagi akong niyayakap sa oras ng lungkot
Ang kumot na parating nakabalot
Sa aking katawan
Sa mga araw na parang di na nakakayanan
Mabuti pa ang kumot ko
Mas may pakialam sa’kin kaysa sa’yo
Handa akong yakapin
Ito ang nagmamalasakit sa akin
Sa mga oras na kahit sarili’y ‘di ko kayang mahalin
Kaya mo bang magmahal
Tulad ng unan at kumot?
‘Yung tipong nasasaktan ka na
Ngunit gagawin mo pa rin ang lahat
Mapaligaya lang siya
Alam mo, sana maipahiram ko sayo ang mga ito
Upang maramdaman mo kung paano
Paano ang mag-alaga
Mag-alaga ng isang tulad ko
Tulad ko na mabilis masaktan, isang hamak lang na tao
Sana maramdaman mo ang unan
Na laging nariyan
Para sa iyo kahit na nadadaganan
Walang pakialam kahit masaktan
Ayos lang, mapabuti lang ang iyong kalagayan
Sana rin mayakap ka ng aking kumot
Na sa mga gabi na ika’y nilalamig
Isusugal ang panahon
Para lang ika’y ‘di manginig
Para ‘di ka makaramdam ng kung ano mang sakit
Pilit ka nilang yayakapin
Hanggang muling mag-init
Mag-init ang puso mo
Na nanlamig na
Nanlamig na sa akin
Alam mo,
Nagpagtanto ko
Na ako pala dapat
Ako pala dapat ang unan at kumot mo
Kaso wala, sinayang mo lang ako
Ako sana yung nandiyan
Nariyan sa tabi mo
Tuwing kailangan mo ng makikinig sa’yo
Ako sana yung yayakap sa’yo
Kapag gusto mo nang talikuran ang mundo
Ako ‘yung magpapaala sa’yo
May nakasuporta lagi sa likod mo
Yung tipong hindi ka iiwan
Nandito lang lagi
Para ikaw ay ingatan
Kaso binago mo
Binago mo ang pag-uugali ko
‘Di na pala ako tulad ng unan at kumot
Simula noong sinaktan mo ako
Wala nang ako na nariyan para sa’yo
Hindi na ako kasinlambot ng unan
Simula noong ako’y nasaktan
Bigla kong nagpagtanto at nalaman
Na kailangan ko palang maging matigas
Para ‘di na muli pang mapaglaruan
Hindi na ako kasing komportable ng kumot
Dahil natutunan ko
Na kapag komportable ka sa tao
Mas madali ka nilang masasaktan
Mas madali ka nilang maloloko
Sinayang mo ako
Na sana maaaring magsilbing unan at kumot mo
Sana ngayon natutunan mo
Gaano kabilis mong maaapektuhan ang isang tao
Sa isang iglap lang, lahat magbabago
Bumili ka na lang ng sarili mo
‘Di kaya’y maghanap ka ng tulad ko
Lagi ka lang dapat sigurado
Na pangangalagaan mo ito nang maayos
Mamahalin mong totoo
Literary (Submission): Unan at Kumot
Isa na namang gabi na mag-isa
Sa aking silid, walang kasama
Buong araw nakahiga sa aking kama
Kayakap ang mga unan at kumot na tila ba
Akin nang ganap na pamilya
Ang unan na nariyan para sumalo
Ng balde-baldeng luha ko
Mga luha na laging tumutulo
Sa tuwing nasasaktan ng ibang tao
Kapag tila ‘di na kaya mabuhay sa mundo
Mabuti pa ang unan
Laging nariyan
Nariyan kapag tulong ang aking kailangan
Ito’y lagi kong nasasandalan
Nagsisilbi itong aking sandigan
Ang unan din ay laging nakikinig
Nakikinig sa aking mga hinanakit
Ang una’y sa akin may malasakit
Para bang pinapagaling ang sakit
Sa tuwing ako’y hinihikayat pumikit
At nariyan din ang kumot
Lagi akong niyayakap sa oras ng lungkot
Ang kumot na parating nakabalot
Sa aking katawan
Sa mga araw na parang di na nakakayanan
Mabuti pa ang kumot ko
Mas may pakialam sa’kin kaysa sa’yo
Handa akong yakapin
Ito ang nagmamalasakit sa akin
Sa mga oras na kahit sarili’y ‘di ko kayang mahalin
Kaya mo bang magmahal
Tulad ng unan at kumot?
‘Yung tipong nasasaktan ka na
Ngunit gagawin mo pa rin ang lahat
Mapaligaya lang siya
Alam mo, sana maipahiram ko sayo ang mga ito
Upang maramdaman mo kung paano
Paano ang mag-alaga
Mag-alaga ng isang tulad ko
Tulad ko na mabilis masaktan, isang hamak lang na tao
Sana maramdaman mo ang unan
Na laging nariyan
Para sa iyo kahit na nadadaganan
Walang pakialam kahit masaktan
Ayos lang, mapabuti lang ang iyong kalagayan
Sana rin mayakap ka ng aking kumot
Na sa mga gabi na ika’y nilalamig
Isusugal ang panahon
Para lang ika’y ‘di manginig
Para ‘di ka makaramdam ng kung ano mang sakit
Pilit ka nilang yayakapin
Hanggang muling mag-init
Mag-init ang puso mo
Na nanlamig na
Nanlamig na sa akin
Alam mo,
Nagpagtanto ko
Na ako pala dapat
Ako pala dapat ang unan at kumot mo
Kaso wala, sinayang mo lang ako
Ako sana yung nandiyan
Nariyan sa tabi mo
Tuwing kailangan mo ng makikinig sa’yo
Ako sana yung yayakap sa’yo
Kapag gusto mo nang talikuran ang mundo
Ako ‘yung magpapaala sa’yo
May nakasuporta lagi sa likod mo
Yung tipong hindi ka iiwan
Nandito lang lagi
Para ikaw ay ingatan
Kaso binago mo
Binago mo ang pag-uugali ko
‘Di na pala ako tulad ng unan at kumot
Simula noong sinaktan mo ako
Wala nang ako na nariyan para sa’yo
Hindi na ako kasinlambot ng unan
Simula noong ako’y nasaktan
Bigla kong nagpagtanto at nalaman
Na kailangan ko palang maging matigas
Para ‘di na muli pang mapaglaruan
Hindi na ako kasing komportable ng kumot
Dahil natutunan ko
Na kapag komportable ka sa tao
Mas madali ka nilang masasaktan
Mas madali ka nilang maloloko
Sinayang mo ako
Na sana maaaring magsilbing unan at kumot mo
Sana ngayon natutunan mo
Gaano kabilis mong maaapektuhan ang isang tao
Sa isang iglap lang, lahat magbabago
Bumili ka na lang ng sarili mo
‘Di kaya’y maghanap ka ng tulad ko
Lagi ka lang dapat sigurado
Na pangangalagaan mo ito nang maayos
Mamahalin mong totoo
0 comments: