filipino,

Literary (Submission): Pulang Bolpen

2/25/2019 08:25:00 PM Media Center 0 Comments




Unang araw ng klase, tinabihan mo ako.
Nasa kaliwa ka at nasa kanan naman ako.
Nanghiram ka ng panulat at nangakong papalitan ito.
Doon nagsimula ang ating kwento.

Nagpalitan ng mga salitang sa papel nakaburda
Upang maikubli ang mga bagay na
Ikaw at ako lang ang dapat makadama.
Mula sa bolpen na ibinigay mo,
natutunan kong isulat ang mga salitang
di ko masabi nang harapan sa’yo.

Ang ganda pala ng mga mata mo.
Hindi ko inakalang matutunaw ako
Sa titig ng isang singkit na katulad mo.
At ang labi mo
Simpula ng tintang nagmula sa’yo.

Subalit gaya ng ibang panulat,
Nawawalan din ito ng tinta.
Dumating ang panahon na kailangan natin
Sumagot sa isang pagsusulit.
At ayun na nga,
Nasa punto na tayo ng tama o mali.

Tama pa ba,
Na umasa ako sayo dahil nangako ka?
O mali na,
Dahil sa papel at bolpen lang kita makikita?

Handa na akong ipasa sa kaniya
Ang papel kung saan itinakda
Ang mga salitang di mo dapat makita.
At ang pulang bolpen, ubos na ang tinta.

You Might Also Like

0 comments: