james tolosa,
Buhay ni Maria Rosa Henson, ginunita sa Dulang Nana Rosa
PATALASTAS. Nakapaskil ang isang tarpaulin tungkol sa mga detalye ng dulang Nana Rosa sa harap ng Wilfredo Ma. Guerrero Theater. Photo credit: James Tolosa
Nanood ang ilang mga mag-aaral at guro ng UPIS ng Nana Rosa noong Marso 9, ganap na 10 n.u. sa Wilfredo Ma. Guerrero Theater ng Palma Hall (UP Diliman).
Ang Nana Rosa ay isang two-act play na dula tungkol sa buhay ni Maria Rosa Henson. Siya ay isang Pilipinang naging comfort woman noong pananakop ng mga Hapon. Bukod sa paglalahad ng kanyang naranasang pang-aabuso, binigyang-pansin ang kanyang family background at laban sa pagkamit ng hustisya.
Nagkaroon ng talk back pagkatapos ng dula upang mapalalim ang mensahe nito. Ang nag-host dito ay sina Eudes Anthony García (Assistant Dramaturg), Ina Azarcón-Bolivar (Head Dramaturg), at Issa Manalo López (Assistant Director).
Narito ang starring cast ng Nana Rosa para sa Marso 9, 10 n.u:
Ayon kay Eunice Ruivivar, isang manonood mula sa UPIS, "I can't help myself sa sitwasyon ni Nana Rosa... sobrang na-overwhelm ako... [pero] siyempre, natutunan ko na responsibilidad [nating] manindigan sa mga karapatang-pantao... 'wag din nating kakalimutan ang nakaraan."
Para sa Grado 10, ang pagsaksi sa dula ay upang mapayaman ang kanilang mga talakayan sa Araling Panlipunan. Nakatulong din sa panunuring pampanitikan (SK Filipino) ng Grado 11 ang dula. Bukod dito, nanood ang mga estudyante sa Grado 12 na naka-enroll sa Filipino Drama upang sila ay magkaroon ng ideya sa tanghalan.
Ang Nana Rosa ay isinulat ni Rody Vera sa direksyon ni José Estrella. Nagsimula ang pagpapalabas nito noong Pebrero 27 at inaasahang matatapos sa Marso 17. Pinamunuan ng Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) at UP Playwright's Theater (UPTT) ang mga isinagawang paghahanda para sa dula.
Itinanghal ng mga nasabing organisasyon ang dula bilang pagdiwang sa UP Diliman Arts and Culture Month 2019: Lakad Gunita sa Lupang Hinirang at ika-27 na season ng UPTT na may temang HUDYAT: Pagkilala, Pag-alaala, Pagpapahalaga. //ni James Tolosa
0 comments: