news,

Senior at Boy Scouts ng UPIS, lumahok sa Baden Powell Camp

3/06/2019 08:22:00 PM Media Center 0 Comments



 Nagbahagi si Scouter Amado C. Dela Cruz ng kanyang talumpati sa UPIS. Photo credit: Erika Sasazawa

Lumahok ang Senior at Boy Scouts of the Philippines ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa taunang Baden Powell Camp na idinaos ngayong taon sa University of the Philippines Campus Maintenance Office grounds.

Nagsimula ang Baden-Powell camp noong Pebrero 22, ang araw ng kapanganakan ni Baden-Powell, at natapos sa araw ng Pebrero 24.

Dalawampu’t walong scouts na galing sa UPIS ang dumalo sa malaking pagdiriwang ng kapanganakan ni Lord Robert Stephenson Smyth Baden-Powell. Lumampas sa 400 na scouts ang dumalo mula sa District 2 at District 4 para sa nasabing selebrasyon.

Bukod sa paggunita ng pagkataguyod ng scouting sa buong mundo, layunin din ng camping na palawigin ang kalaaman at kakayahan ng mga scout.

Upang pormal na buksan ang Baden Powell Camp, nagsalita si Scouter Amado C. Dela Cruz Jr, Assistant Scout Executive for Operations ng BSP Quezon City Council sa flag ceremony noong Pebrero 26 tungkol sa paraan at gawain ng scouting sa pagpapabuti ng buhay ng iba. //ni Roel Ramolete

You Might Also Like

0 comments: