4ever,
Literary: Langit
Tuwing umaga, ako ay gigising. Ang aking ina ay nasa kusina at nagluluto ng pagkain.
“Good morning ma,” ang aking bati.
Tatango siya at ngingiti. Kukunin ko ang mga plato, kutsara at tinidor. Aayusin ko ang mga ito sa lamesa para kami’y makakain na. Siya naman ang kukuha sa mga pagkain na kanyang ihahain. Kapag nakita niya na parang kulang pa ang nakain ko, pilit niya itong dadagdagan para siguradong busog ako bago pumasok.
Pagkatapos kumain ako’y maghahanda na para pumasok. Aayusin ko ang aking bag at tutungo na sa pinto. Hahabulin niya ako at iiabot ang ID ko na palagi kong nakakalimutan.
“Bye, ma, I love you,” ang lagi kong pagpaalam. Tatango siya at kakaway. Maglalakad ako nang kaunti, titigil at lilingon. Muli akong kakaway bago sumakay.
Sa eskwelahan, siya lang ang naiisip ko. Ano na kayang ginagawa niya? Kumain na ba siya? Nakapagpahinga na ba siya? Paulit-ulit ko itong itinatanong sa aking sarili. Sabik na sabik na akong matapos ang klase. Gusto ko nang umuwi, pabalik sa piling ng aking ina.
Siya’y naghihintay sa may pinto. Kapag ako’y nakita niya na, siya’y kakaway nang may ngiti sa labi. Tatakbo ako papunta sa kaniya, yayakapin siya at sasabihing “Ma, na-miss kita.” Hahalikan niya ako sa noo at mapapawi na ang pagod ko.
Hanggang mag-iba ngayon...
Ma, miss na kita. Sobra. Dahil wala ka na, wala na ang aking ina. At kahit hindi na kita kasama ngayon, alam kong masaya ka. Dahil nasa langit ka na, ang iyong paraiso.

0 comments: