news,

Mga mag-aaral ng 3-6, nagpakitang-gilas sa Marahuyo 2019

3/27/2019 08:00:00 PM Media Center 0 Comments




TALENTADONG MGA BATA. Malalaki ang mga ngiti ng mga batang 
nanalo sa variety show ngayong taon. Photo credits: Tracy Mondragon

Idinaos ang Marahuyo o 3-6 Variety show sa Bulwagan noong ika-14 ng Pebrero, 2019, pangatlong araw ng UPIS days.

Nagmula sa Kinder hanggang Grado 6 ang mga kalahok dito. May dalawang kategorya ang patimpalak: solo at group. Parehong nagkaroon ng pitong pagtatanghal sa bawat kategorya. Pinakita ng bawat kalahok ang kanilang talento sa buong UPIS 3-6. Sa solo category, maraming mag-aaral ang kumanta ng mga sikat na awit gaya ng “A Million Dreams.” May ilang mag-aaral din ang solong sumayaw. Sa group category, may mga grupo ng mag-aaral na kumanta nang acapella, umawit ng may accompaniment gaya ng ukulele, at mayroon ding mga nagsayaw habang kumakanta.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, pinarangalan si Maria Arabella S. Dizer ng 4-Malunggay para sa solo category. Siya ay tumugtog ng piano habang kinakanta ang Fight song. Para naman sa group category, nagkampeon ang grupong Violet and Pink na kinabibilangan nina Marteena Leona B. Darantinao, Lian Kaith V. Esguerra, Javick NC S. Corpuz, and Arianni Beatrice I. Vargas mula sa Grado 2. Sinayaw nila ang Ddu Ddu ng Blackpink, Baam ng Momoland, at Switch it up ni Lavaado. //ni Tracy Mondragon

You Might Also Like

0 comments: