cerise peony,
Iniibig kong masilayan ang paraiso.
Palasyo sa pagkurap ng aking pilik-mata
Isang bahagharing may yamang ginto sa dulo
Medalyang bubulag sa walang muwang na bata
Tinta ng dugong kinabukasan daw ng pulo
Iniibig kong makasama sa paraiso.
Taun-taon, sinusubukan kong unawain
Asoteang himlayan nilang mga agila
Malapit tahakin, pero malayong abutin
Kaya nakisiksik nalang sa ibaba nila
Iniibig kong maramdaman ang paraiso.
Nasaan ba ang mga tala, ang sansinukob?
Wala ‘ko sa tuktok, kaya ‘di sila makapiling
Anong kaway man, nasa labas pa rin ng loob
Nababaliw na ako, kanilang pinarating
Pero naiiba ‘to sa bawat kakilala
Siguro hindi lang ako isa sa kanila
Literary: Ang Inibig Kong Paraiso
Iniibig kong masilayan ang paraiso.
Palasyo sa pagkurap ng aking pilik-mata
Isang bahagharing may yamang ginto sa dulo
Medalyang bubulag sa walang muwang na bata
Tinta ng dugong kinabukasan daw ng pulo
Iniibig kong makasama sa paraiso.
Taun-taon, sinusubukan kong unawain
Asoteang himlayan nilang mga agila
Malapit tahakin, pero malayong abutin
Kaya nakisiksik nalang sa ibaba nila
Iniibig kong maramdaman ang paraiso.
Nasaan ba ang mga tala, ang sansinukob?
Wala ‘ko sa tuktok, kaya ‘di sila makapiling
Anong kaway man, nasa labas pa rin ng loob
Nababaliw na ako, kanilang pinarating
Pero naiiba ‘to sa bawat kakilala
Siguro hindi lang ako isa sa kanila
0 comments: