aldric de ocampo,
Feature: Buhay ng Isko at Iska sa Isang Pelikula
Photo credit: IMDb (https://m.imdb.com/title/tt9526822/)
Kung active kayo noong nakaraang buwan sa social media tulad ng Twitter, malamang sa malamang ay nakita niyo na ang nag-viral na pelikula ng LizQuen, ang “Alone/Together.”
Sinimulan itong ipalabas sa mga sinehan noong Pebrero 13, at ngayon ay nasa ikatlong linggo na. Kaya kung may balak pa kayong manood, may panahon pa.
Pero bago ang lahat, bakit niyo ba gugustuhing panoorin ito?
Kung hindi niyo pa alam, malaki ang naging papel ng UP sa pelikula. Umiikot ang kuwento nito sa buhay nina Christine “Tin” Lazaro (Liza Soberano), na isang UP student, at Rafael “Raf” Toledo (Enrique Gil), na isang UST student.
Sa madaling salita, tungkol lang naman sa pagmamahalan ng dalawa mula sa kolehiyo hanggang sa buhay pagkatapos ng unibersidad ang pinakapokus ng banghay. Pero ang kapansin-pansin talaga ay ang paggamit ng pelikula sa mga tagpo bilang repleksyon ng tunay na buhay natin sa UP.
Bilang mga isko at iska, napakapamilyar para sa atin ang mga ipinakitang lugar at pangyayari sa campus ng pelikula. Madali ring maging nostalgic sa lahat ang mga karanasang pinagdaanan ni Tin sa loob ng unibersidad. Narito ang ilan sa mga tagpo na malapit sa atin hindi lang sa aspektong pisikal, kundi pati na rin sa emosyonal.

Palma Hall
Photo credit: Black Sheep (https://m.youtube.com/watch?v=xmdSfsp3u2M)
Isa sa pinakamadalas ginamit na set sa Alone/Together ay ang gusali ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) o Palma Hall. Dito nagkaklase ang karakter ni Tin na kumuha ng kursong Art Studies habang nasa kolehiyo pa siya.
Bilang mag-aaral ng UP, pamilyar sa atin ang maraming eksenang ipinakita rito tulad ng pag-uulat na gumagamit ng powerpoint, pagbabalik ng bluebook para makita ang iskor sa mga pagsusulit, at pati na rin ang lecture ng mga propesor tungkol sa estado ng lipunan at iba pa.
Bukod dito, makikita rin sa pelikula ang sikat na “AS steps,” na nagmula sa dating tawag sa CSSP na “Arts and Sciences building.” Madalas gamitin ang AS steps para sa mga photoshoot at demonstrasyon sa loob ng campus. Nagkaroon din ng cameo ang jeep na Pantranco-UP sa isang shot dahil dati dito dumadaan ang mga jeep sa UP.
Ito ang ilan pa sa mga pictures mula sa pelikula na ginanap sa Palma Hall.
Malaking bahagi rin ng pangkaraniwang buhay natin bilang mga isko at iska ang Academic Oval na sumasaklaw din sa Palma Hall at Sunken Garden. Madalas tayong dumadaan dito para makapunta sa UPIS, o kaya ay para makarating sa iba pang mga lugar sa loob ng UP campus.
Ang Academic Oval ay 2.2 kilometers sa haba at napaliligiran ng iba't ibang academic at administrative buildings tulad ng Quezon Hall, Vargas Museum, ang dating Faculty Center, Palma Hall, Lagmay Hall, Gonzales Hall, Benitez Hall, Vinzons Hall, Virata School of Business, School of Economics, Malcolm Hall, National Engineering Center, Melchor Hall, Film Center, University Theatre, Abelardo Hall, at Plaridel Hall.
Ang elliptical na daanang ito ay kakaiba rin dahil sa mga puno ng Acacia na makikita rito habang nag-iikot-ikot tayo sa campus. Kasama rin ng Sunken Garden ang UP Lagoon sa gitna nito.
Sa pelikula, ipinakita ang Academic Oval noong itinampok ang isa pang sikat na taunang tradisyon dito sa UP Diliman, ang Lantern Parade. Nakita ulit ito sa isa pang shot kung saan nakipag-apir sa isang jogger si “Zorro,” na isang iconic figure sa kultura ng UP dahil sa kanyang kakaibang costume na binase niya sa karakter kung saan nanggaling ang kanyang palayaw.
Ang UP Film Institute (UPFI) Film Center o ang “Cine Adarna” naman ay ang sinehan ng UP na may 800 na upuan. Dito nagpapalabas ng mga de kalidad na pelikula na malaya sa censorship at para sa layuning pang-akademiko ng UPFI.
Nagaganap din dito ang iba pang uri ng mga events tulad ng graduation ng mga mag-aaral sa UP. Halimbawa nito ay ang graduation ng UPIS na naganap dito noong nakaraang taon.
Sa pelikula, ang graduation naman ni Tin mula sa kolehiyo ang naging eksena sa loob ng Cine Adarna.
Vinzons Hall

Ito ang ilan pa sa mga pictures mula sa pelikula na ginanap sa CSSP.
Photo credit: Black Sheep (https://news.abs-cbn.com/entertainment/01/08/19/in-photos-up-ust-romance-in-liza-enriques-alonetogether)
Photo credit: Black Sheep (https://m.youtube.com/watch?v=4se1c-s_u08)
Sunken Garden
Photo credit: Black Sheep (https://www.google.com.ph/amp/s/www.thepoortraveler.net/2019/02/alone-together-filming-location-spots-up-diliman-lizquen/amp/)
Ang Gen. Antonio Luna Parade Grounds, o mas kilala bilang “Sunken Garden,” ay naitampok din sa pelikula. Walang isko o iska sa UP Diliman ang hindi nakaaalam kung saan ito o kaya'y hindi pa napapadaan dito.
Nanggaling ang pangalang “Sunken Garden” sa kakaibang pagkakabuo ng lupa nito na umaabot sa 65 meters above sea level ang lalim. Ang UP-ROTC ang orihinal na namamahala ng field. Pero ngayon, ginagamit na rin ito para sa iba pang mga gawain tulad ng football, frisbee, volleyball, pagsasayaw, at pati na rin ang taunang UP Fair.
Sa Sunken Garden din madalas nagtatagpo ang mga magkasintahan sa UP, kaya dito rin, sa tapat ng College of Education, nagkita sina Tin at Raf para pag-usapan ang kanilang mga buhay, bago o pagkatapos man ng kolehiyo.

Academic Oval
Photo credit: Black Sheep (https://m.youtube.com/watch?v=4se1c-s_u08)
Malaking bahagi rin ng pangkaraniwang buhay natin bilang mga isko at iska ang Academic Oval. Madalas tayong dumadaan dito para makapunta sa UPIS, o kaya naman ay dumadaan tayo rito para mapadpad sa iba pang mga lugar sa loob ng UP campus.
Malaking bahagi rin ng pangkaraniwang buhay natin bilang mga isko at iska ang Academic Oval na sumasaklaw din sa Palma Hall at Sunken Garden. Madalas tayong dumadaan dito para makapunta sa UPIS, o kaya ay para makarating sa iba pang mga lugar sa loob ng UP campus.
Ang Academic Oval ay 2.2 kilometers sa haba at napaliligiran ng iba't ibang academic at administrative buildings tulad ng Quezon Hall, Vargas Museum, ang dating Faculty Center, Palma Hall, Lagmay Hall, Gonzales Hall, Benitez Hall, Vinzons Hall, Virata School of Business, School of Economics, Malcolm Hall, National Engineering Center, Melchor Hall, Film Center, University Theatre, Abelardo Hall, at Plaridel Hall.
Ang elliptical na daanang ito ay kakaiba rin dahil sa mga puno ng Acacia na makikita rito habang nag-iikot-ikot tayo sa campus. Kasama rin ng Sunken Garden ang UP Lagoon sa gitna nito.
Sa pelikula, ipinakita ang Academic Oval noong itinampok ang isa pang sikat na taunang tradisyon dito sa UP Diliman, ang Lantern Parade. Nakita ulit ito sa isa pang shot kung saan nakipag-apir sa isang jogger si “Zorro,” na isang iconic figure sa kultura ng UP dahil sa kanyang kakaibang costume na binase niya sa karakter kung saan nanggaling ang kanyang palayaw.
Cine Adarna
Photo credit: Black Sheep (https://www.google.com.ph/amp/s/www.thepoortraveler.net/2019/02/alone-together-filming-location-spots-up-diliman-lizquen/amp/)
Ang UP Film Institute (UPFI) Film Center o ang “Cine Adarna” naman ay ang sinehan ng UP na may 800 na upuan. Dito nagpapalabas ng mga de kalidad na pelikula na malaya sa censorship at para sa layuning pang-akademiko ng UPFI.
Nagaganap din dito ang iba pang uri ng mga events tulad ng graduation ng mga mag-aaral sa UP. Halimbawa nito ay ang graduation ng UPIS na naganap dito noong nakaraang taon.
Sa pelikula, ang graduation naman ni Tin mula sa kolehiyo ang naging eksena sa loob ng Cine Adarna.
Vinzons Hall
Photo credit: Black Sheep (https://news.abs-cbn.com/entertainment/01/08/19/in-photos-up-ust-romance-in-liza-enriques-alonetogether)
Ang huli kong isasamang tagpo ay ang Student Activity Center, o mas kilala bilang “Vinzons Hall.” Noong 1956 napagplanuhang itayo ang gusali at noong 1958 ito natapos. Para talaga ito sa mga mag-aaral ng unibersidad at sa kanilang mga organisasyon upang magkaroon sila ng tiyak na sariling espasyo para sa kanilang mga gawain.
Ngayon, ginagamit din nating mga mag-aaral ng UPIS, partikular sa mga high school students, ang lugar na ito para sa mga groupworks at projects. Madalas din tayong bumili sa tindahan sa labas nito ng pagkain kapag gusto natin ng tusok-tusok o pancit canton.
Ganito rin ang ipinakita sa pelikula, kung saan ang kaibigan ni Tin ay gusto ng “combo 3” nang mag-offer si Raf na ilibre sila.
Sa kasalukuyan, ang Vinzons Hall ay sumasailalim sa renovation. Inaasahang matatapos pa ito sa 2020, kaya sa kasamaang-palad ay hindi muna natin ito magagamit.
May iba pang mga pamilyar na tagpong makikita sa pelikula bukod sa mga nabanggit ko sa itaas, ngunit sa ngayon ay itong iilan lang muna ang isinama ko dahil ang mga ito ay ang pinakamalalapit at pinakilala natin.
Gayunpaman, ang mga hindi ko sinamang lugar dito ay nakapagbibigay pa rin ng nostalgic na damdamin para sa mga isko at iska.
Kuhang-kuha naman din kasi talaga ng Alone/Together ang buhay sa UP. Hindi kataka-taka ito dahil ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone ay graduate mismo ng UP Diliman.
Tagos sa utak at puso ang bawat mensaheng binitawan ng pelikula na sumasalamin din sa pagmamahal ‘di lang sa ibang tao, kundi pati na rin sa sariling bayan. Iyon talaga ang bumuhay sa siglang maka-UP na makikita sa mga tagpo at mga tauhan ng kwento nito.
Kung bibigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataong mapanood ang pelikulang ito, matitiyak ko sa 'yong mararamdaman mo talaga ang kasabihan nating “proud to be Iskolar ng Bayan.”
//ni Aldric de Ocampo

0 comments: