news,

Doble Dos, kampeon sa Power Dance 2019

3/09/2019 09:40:00 PM Media Center 0 Comments



Ang panapos na sayaw ng Doble Dos para sa Power Dance 2019

Inuwi ng Batch 2022 o Doble Dos (Grado 9) ang kampeonato ng Power Dance competition na ginanap noong Pebrero 13, sa 7-12 Quadrangle. Ang kompetisyon ang naging pambungad na programa ng UPIS days na may temang “Sandigan: Magkakasama. Magkaagapay. Magtatagumpay”

Ngayong taon, ang partikular na tema ng kompetisyon sa pagsayaw ay “Kilos Kalikasan.” Layunin ng temang ito na itaguyod ang Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations (U.N.) para sa mas malinis na pamumuhay sa ating mundo.

Samantala, nakamit ng Batch 2021 o 20NE (Grado 10) ang ikalawang gantimpala sa kompetisyon at ang Special awards na Best Costume at Best Cheer. Ang Batch 2023 o AMA23 (Grado 8) naman ang nakakuha ng ikatlong gantimpala. At ang ikaapat na gantimpala ay nakuha ng Batch 2024 o ZAP (Grado 7).

Binigyan din ng special award si Ghia Bartolome, mula sa Doble Dos, para sa pagiging Female Stunner. Nagmula naman sa 20NE ang Male Stunner na si Lester Alanunay.

Bago ang kompetisyon sa power dance, nagkaroon ng hiwalay na Field Demonstration ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grado 6. Napanalunan ng Grado 6 o Batch 2025 ang Most Energetic award. Ang Best Interpretation para sa kantang “Man in the Mirror” ni Michael Jackson ay nakuha ng Grado 5. Hindi nagpahuli ang Grado 4 dahil naipanalo nila ang Best Cheer. Ang Grado 3 naman ay nanalo ng Most Resourceful Costume. Samantala, nakuha ang K-2 (Kindergarten hanggang Grado 2) ang Crowd Favorite at Best Choreography.

Nagbahagi rin ang Batch 2020 o 2nT (Grado 11) at Batch 2019 o I9nite (Grado 12) ng mga espesyal na pagtatanghal bago ibinigay ang resulta ng paligsahan sa Power Dance at Field Demonstration. //ni Roel Ramolete

You Might Also Like

0 comments: