james tolosa,
Panitikang Pilipino, itinampok sa Literary Fair ng Batch 2020
ATENSYON. Aktibong nakikinig ang ilang mga mag-aaral ng 10-Dao sa presentasyon ng akdang "Sa Pula, sa Puti." Photo credits: James Tolosa
Idinaos ng Batch 2020 (Grado 11) noong Marso 1 ang kauna-unahang Literary Fair sa UPIS 7-12 Ramp Area.
Hinati ang mga mag-aaral sa labinlimang pangkat. Ang bawat grupo ay inatasang suriin ang mga akdang pampanitikang itinakda sa kanila. Ipinaliwanag nila sa iba't ibang mga mag-aaral mula Grado 6 hanggang 12 ang kanilang nasaliksik na impormasyon, analisis, at kahalagahan ng akda.
Narito ang mga akdang kasama sa eksibit:
EKSIBIT. Naka-display ang iba't ibang output ng mga mag-aaral ng Batch 2020 sa Ramp Area. Photo credits: James Tolosa
Ayon kay G. Carlo Pineda, isa sa mga guro ng Grado 11 sa SK Filipino, "layunin [ng Literary Fair] na mahamon ang mga mag-aaral na mabigyang-kahulugan ang mga akda gamit ang mga perspektibong [itinuro sa klase]." Ipinahayag din niya ang kahalagahan nito sa mga mag-aaral, "sana mahikayat [namin] 'yung mga mag-aaral na magbasa ng panitikang Filipino... lalo na't mas exposed ang mga bata sa panitikang [nakasulat sa] Ingles."
Ang Literary Fair ang nagsilbing periodic exam ng Batch 2020 sa SK Filipino para sa ikatlong markahan. //ni James Tolosa
0 comments: