filipino,

Literary (Submission): 7,107

3/09/2019 08:30:00 PM Media Center 0 Comments




Siya ang aking paraiso
Sa kaniyang paang
Maugat
At ang kaniyang kinis
Berde’t tsokolate
Siya ang aking paraiso

Siya ang aking paraiso
Sa kaniyang bewang
Na palihis
At likurang
basang-basa
Siya ang aking paraiso

Siya ang aking paraiso
Sa kaniyang tiyang
Maraming mga umbok
At kulay-abo
Na balahibo
Siya ang aking paraiso

Siya ang aking paraiso
Sa kaniyang mga kamay
Na punit-punit
At sa kaniyang lalamunang
‘Di makalunok
Siya ang aking paraiso

Siya ang aking paraiso
Sa kaniyang matang
‘Di bumubukas
At kaniyang labing
Tuyo at sarado
Siya ang aking paraiso

Siya lang ang aking paraiso
Tulad ng kaniyang buhok
Siya’y magulo
Ngunit ang kaniyang yakap
Ay kasing init pa rin ng aking
Pagmamahal
Siya ang aking
Natatanging paraiso

Kahit matunaw man ang aking mga mata sa kakatitig sa kaniya.

You Might Also Like

0 comments: