Christine Caparas,
OPINION: Gutom o Dahas?
Photo credit: Gabie Gamba
Isang taon nang sumailalim sa lockdown ang Pilipinas at samu't saring klasipikasyon ng quarantine na ang naipatupad. Ngunit sa pabago-bagong mga patakaran, masasabi ba nating naging makatao ang pagpapatupad sa mga ito?
Sa ilalim ng ECQ o ang pinakaistriktong uri ng quarantine, tanging mga essential persons lang ang maaaring maglabas-pasok sa NCR Plus na binubuo ng NCR at ilang karatig na lalawigan. Nagtakda rin ng curfew ang Local Government Units (LGUs) para sa mga residente mula ika-6 ng gabi hanggang ika-5 ng umaga. Ang mga mamamayang nahuling lumalabas ng kanilang bahay sa pagitan ng mga oras na ito ay sinasabing hinuhuli at minamaltrato. Noong Marso hanggang Setyembre ng nakaraang taon, higit 100,000 ang bilang ng hinuling lumabag sa quarantine regulations samantalang nasa 52,745 naman ang naitala simula nang inimplementa ang ‘NCR Plus’ quarantine sa bansa.
Matatandaang, Abril ng kasalukuyang taon, naging laman ng mga pahayagan ang isyu ng paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng pagpanaw ng isang curfew violator na si Darren Peñaredondo. Binawian ito ng buhay pagkatapos patawan ng 300 pumping exercises bilang parusa sa paglabag sa curfew na siyang itunuturong dahilan ng kaniyang pagkamatay. “Pag-uwi niya po nang umaga ng Biyernes, mag-aalas otso ng umaga, akay-akay na po siya ng kasama niyang nahuli sakay ng mobile,” wika ng kinakasama ng biktima na si Reichelyn Balce sa kanyang panayam sa Rappler noong Abril 5.
Noong Abril 5, 2020, isang kaso naman ng pamamahiya ang naranasan ng ilang nahuling lumabag sa quarantine protocol sa Pandacaqui, Pampanga. Pinilit ang mga biktimang maghalikan, sumayaw, at mag-push-up bilang parusa habang naka-live ito sa social media.
Ayon sa panayam ng Rappler sa biktimang si Jessica Mallari noong Abril 7, "Gusto po naming sabihin na sorry po kung lumabag kami sa batas. Okay lang naman po sana na parusahan kami kaso ni-live po kami, iyon po ang hindi namin matanggap. Kung yung community service lang po na maglilinis kami ayos na po sa amin iyon. Simula po nung napabaranggay kami ‘di na po ako lumabas, pati ‘yung kasama namin.”
Maliban sa pamamahiya sa social media, ilan pa sa mga naitalang hindi makataong parusa sa mga hindi sumunod sa curfew ay ang pagbibilad sa araw bago palayain, pagkukulong ng limang kabataan sa kulungan ng aso sa Santa Cruz, Laguna, at, ang pinakamalala, ang dalawang magkahiwalay na kaso ng pambubugbog sa Calamba, Laguna at pamamaril sa San Ildefonso, Bulacan na parehong nauwi sa kamatayan ng dalawang biktima.
Nakababahalang hindi isang isolated case ang kahindik-hindik na sinapit ni Peñaredondo at Mallari. Batay sa tala ng Amnesty International at Country Reports on Human Rights Practices 2020 ng United States, maraming Pilipino ang nakaranas ng pang-aabuso mula sa kapulisan at awtoridad dahil sa marahas nilang pamamaraan ng pagpapataw ng mga parusa sa mga lumalabag sa quarantine protocols.
Hindi wasto ang dahas, at pamamahiya bilang porma ng pagpaparusa. Maraming pamamaraan ng pagpataw ng parusa na naaayon sa batas, patas, at, higit sa lahat, makatao. Ang dahas ay nakapagdudulot ng takot, at ang pamamahiya ay nag-iiwan lamang ng lamat sa dangal ng isang tao. Tulad sa kaso ni Mallari na ilang araw na hindi lumabas ng bahay matapos ang insidente.
Malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang marahas na mga pagpaparusang ito. Hindi lamang pisikal na sakit ng katawan ang kanilang naranasan, tinanggalan din sila ng karapatan sa buhay at kalayaan. Sa ganitong mga kaganapan, marapat lamang na busisiin ang mga hakbang na ito sa pagpaparusa lalo pa't kapwa Pilipino ang siyang nagiging biktima.
Mapatunayan mang nagkasala ang mga inakusahang lumabag sa curfew habang umiiral ang ECQ, kailanma’y hindi magiging makatuwiran ang paglabag sa karapatang pantao ng kahit na sino. Ganito rin ang pinupunto ng Commission on Human Rights (CHR). Mariing kinondena ng kanilang kinatawan na si Jacqueline De Guia ang ginamit na pamamaraan ng pagpaparusa ng mga awtoridad. Sa kanyang panayam sa Rappler noong April 7, sinabi niyang ang quarantine ay ipinatutupad upang mapangalagaan ng gobyerno ang kalusugan ng mga Pilipino, hindi magsilbi bilang peace and order solution.
Sa gitna ng mga pinagdadaanan ng bayan dulot ng pandemya, panahon na para pakinggan naman ng pamahalaan ang hinaing at dahilan ng mga mamamayan nito sa pagsuway sa mga quarantine protocol na ipinatutupad ng gobyerno.
Hindi maipagkakailang may mga lumalabag sa curfew dahil sa mga hindi balidong dahilan. Subalit, hindi rin natin maitatangging marami sa mga mamamayang naging sangkot dito ay walang pamimilian. Sa kaso ng pumanaw na si Peñaredondo, bibili lang daw sana ang biktima ng tubig. Pagdating naman sa ibang kaso, tulad na lamang ng biktima ng pambubugbog sa Calamba at si Jessica Mallari na lumabas upang bumili ng tinapay para sa kanyang lola, karamihan ay napipilitang lumabas upang mamili ng makakain—pang-araw-araw na gawain na talaga nga namang kinakailangang isagawa upang mabuhay, lalo na sa gitna ng pandemya.
Labag man sa mga kautusan ng mga awtoridad, hindi ba’t patunay lamang ito na sa panahon ngayon, tila wala silang maaasahan kundi ang kanilang mga sarili dahil maaaring ‘di sapat ang natatanggap na anumang tulong mula sa gobyerno? Hindi nila maaaring ipukol lamang ang sisi sa mga mamamayang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang kumita ng perang panustos para sa kanilang mga pangangailangan. Pakikipagsapalaran para malamnan ang kumukulong sikmura ang dahilan kung minsan ng mga paglabag na ito.
Tandaan nating milyon-milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Ang ating ekonomiya’y lugmok na lugmok din. Batay sa Asian Development Outlook (ADO) 2020 magpapatuloy pa ang krisis na ito kung higit pang babagsak ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Tinatayang nasa 87,000 hanggang 252,000 na mga Pilipino pa ang mawawalan ng trabaho na magbubunsod sa pagkalugi ng mula sa $669 milyon hanggang $1.94 bilyon.
Ang katanungan ngayon ay ano ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para solusyonan ang mga suliraning ito? Bakit sa halip na solusyon ang kanilang ihain ay tila batas na may pangil ang nais nilang ipatikim sa publiko? Habang ginagapang ng kanilang nasasakupan ang bawat araw, narito sila, matatayog na nakatayo, inaabuso ang kanilang kapangyarihan. Hindi pa ba sapat na patunay ng “overreach” ng kapangyarihan ng mga nasa awtoridad ang mga ginamit na mga pamamaraan ng pagpapataw ng parusa?
Gayumpaman, sa kabila ng mga ito, dahil parehong nagkasala ang magkabilang panig ay marapat lamang na kapwa sila makatanggap ng karampatang kaparusahan. Ngunit kinakailangang isaalang-alang na anumang paraan ng pagpapataw ng pagpaparusa ay dapat na maging patas at higit sa lahat ay makatao.
Ang mga mamamayang lumabag sa itinakdang oras ng curfew ay mas mainam na hingan na lamang ng community service bilang parusa. Sa pamamagitan nito ay hindi lamang masisigurong magiging makatao ang magaganap na pagpaparusa kundi magiging tulay rin ito upang makatulong ang mga nagkasala sa kanilang komunidad.
Para naman sa mga sangkot na pulis, sila ay dapat managot alinsunod sa Anti-Torture Act of 2009 o RA 9745. Sa ilalim nito, sinumang gumawa o naging kasabwat ng naganap na torture—ito man ay pisikal o berbal—ay maaaring makulong depende sa bigat ng krimen at sa epekto nito sa biktima. Marapat ding makatanggap ng tulong at compensation ang mga biktima sa pamamagitan ng rehabilitation programs o kaya nama’y bayad danyos na hindi bababa sa P10,000.
Muli, iisa ang katanungan ng publiko—ano nga ba ang marapat nilang gawin upang mabuhay kung may banta sa labas man o loob ng kanilang tahanan? Sa loob, kalam ng kanilang mga sikmura ang tanging rinig sa apat na haligi ng kanilang bahay. Sa labas nama’y mga daing ng mga kapitbahay, kaibigan, maging ng kanilang mga pamilya na nakararanas ng marahas na pagpaparusa. Ano na lamang ang kanilang pipiliin kung kapwa nakakikilabot ang kanilang kinakailangang harapin?
Sinumang lumabag sa batas o utos ng gobyerno ay nararapat na makatanggap ng parusa, simpleng mamamayan man o nasa katungkulan. Ngunit sa pagpataw ng parusa at maging sa mga batas na mayroon ang bansa, kailanman ay hindi dapat malabag ang karapatang pantao.
Ito'y dahil ang maingat na pagpaplano at makataong implementasyon ang susi upang maiwasan ang mga pagkakataon kung saan walang ibang pamimilian ang mga mamamayan kundi lumabag sa batas, para lamang mabuhay. // nina Christine Caparas at EJ Cruz

0 comments: