feature,

Feature: Ukay-ukay is #TheNewTrend

5/21/2021 06:20:00 PM Media Center 0 Comments



Fashion wisely at dapat for a cause!

Maaangas and estetik na pormahan ng mga Gen Z ang nagkalat sa social media ngayong year 2021. Inaakala ng marami na napakamahal ng mga outfits nila pero magugulat na lang sila kapag tinanong na sa comment section ang presyo ng mga ‘to.

“500 pesos?! 20 pesos?! Sa’n niyo nabili yan?”

“E ‘di sa ukay!”

Ukay ang sagot ng lahat! Ang ukay-ukay kasi ang bentahan ng mga 2nd hand items (mga damit, sapatos, at bag) kaya talagang mas mura ang presyuhan dito kumpara sa mga brand new. Nagkalat na rin ang mga ukayan o thrift shops hindi lamang sa mga kanto-kanto kundi pati na rin sa mga online sites, gaya ng Instagram at Facebook, kaya mas madali na itong mabilhan ng mga buyers. Unique pieces at mga vintage items ang ino-offer ng mga ukay-ukay na ito na napakainit sa mata ng tao, lalo na syempre sa mga kabataan!

Speaking of kabataan, narito ang ilan sa mga kapwa natin UPIS students na mahilig mag-ukay. Alamin natin ang kanilang mga experiences at kung ano ang kanilang mga tips para sa mga ukay beginners!






Diego Badion - 2NT!

Nagsimulang mag-ukay si Kuya Diego no’ng Grade 10 siya. Nakita raw niya ang ilang vloggers, tulad ni Emma Chamberlain, na nag-ukay kaya sinubukan din niya ito. Mga out of this world at out of the norm ang mga bet bilhin ni Kuya. Below 1,000 pesos ang kadalasang budget niya. Sa Anonas at Antipolo ang mga suggested places niyang bisitahin ninyo dahil magaganda yung mga thrift shops doon! Para rin daw makasiguro kayong maganda talaga ang ukayang pupuntahan ninyo, pwede kayong manood ng mga reviews sa YouTube! Kapag nakapunta at nakauwi na, make sure na labhan agad ang mga napamili sabi ni Kuya!

PASOK SA BUDGET. Nakabili si Kuya Diego ng dalawang pantalon na nagkakahalaga lamang ng Php400-Php600 bawat isa. IEL BADION.







Keanne Nuevas - 2ONE!

2018 naman nag-start mag-ukay si Kuya Keanne. Sinama siya sa Baguio Night Market noon ng kanyang mga magulang at nagulat siya sa mga mura (but still good quality) na shirts at jackets. Kahit hindi branded, basta maganda at mababagayan niya, add to cart ‘yan. Pero mas thumbs-up para sa kanya kung mayro’ng mga Nike, Adidas, BAPE, at football jerseys! Bukod sa kanyang #1 ukayan place na Baguio, marami rin daw sa Cubao at Manila. Kung sa’n man daw ang gusto ninyong puntahan, lagi lang magdala ng mask at alcohol (lalo na sa panahon ngayon) at bantayan rin ang inyong mga gamit para iwas sa mga snatcher.

NAKAMURA. Nakahanap si Kuya Keanne ng isang Christiano Ronaldo Real Madrid football jersey sa halagang Php180 na ang original price ay Php3000-Php4000. KEANNE NUEVAS.






Karla Concepcion - Doble Dos!


Grade 10 LLD naman ang dahilan kung bakit naging ukay person si Karla. Simula no’n, nagpatuloy na ang kanyang ukay journey. Mga pantalon ang madalas hanapin niya sa ukay dahil mahal ito sa mga mall. Suggested ukayan niya ang Fleur De Lis sa Tandang Sora o ‘di naman kaya’y sa Sta. Lucia Old Cinema Ukay Store. Pero kung hindi naman kayo makapunta roon, dahil sa pandemya, pwede raw kayong mag-try tumingin online sa @iloveu.mp4, @stylebasics.official, @the2livesthrift, at @roxann.vintage. Reminder naman niyang suriin ang mga ukay items na bibilhin kung may depekto, tulad ng mga butas, tastas, o sira para maibalik agad!

TERNO. Php20 ang bili ni Karla sa kanyang jacket habang Php200 naman sa kanyang skirt na bagay suotin nang magkasama. ROFERT RAMOS.

Waya Silarde - Doble Dos!

Last year din nang mag-umpisang mag-ukay si Waya dahil sa mga napanood niyang ukay hauls sa YouTube. Natuwa raw siya dahil ang gaganda ng mga items nila. Unique & may mga design na tops ang hina-hunting niya sa mga ukay-ukay. Hindi pa siya gaanong gala sa maraming ukayan pero yung mga ukay-ukay sa Amorsolo (UP Diliman), Krus na Ligas, at Makati Square ang magagandang napuntahan na niya. Advice naman niya na maging matiyaga lang habang tumitingin para makita ninyo ang magagandang pieces. Pwede rin daw kayong maglista ng mga hahanapin ninyo bago pumunta sa mga ukay-ukay para hindi kayo ma-overwhelm.

SINUWERTE. Nakabili si Waya ng Php50 na green leather jacket na sobrang ganda raw talaga ng quality for its price. AUBREY SILARDE.

‘Yan! Ngayong narinig na ninyo ang mga chika ng mga UPIS besties natin, may ideya na kayo kung ano ang mga dos and don’ts sa pag-uukay. Tsaka last na lang, bukod sa makakamura kayo sa mga thrift shops, take note e’ makapagre-recycle pa tayo ng mga bagay na makatutulong sa ‘ting kalikasan. Kaya ano pang hinihintay ninyo? Ukay na! // ni Rofert Ramos

You Might Also Like

0 comments: