filipino,

Mag-aaral ng UPIS, lumahok sa World Robot Games

5/21/2021 05:25:00 PM Media Center 0 Comments



Karangalan. Larawan ng mga medalyang natanggap ni Angel Ken Young. Photo credit: Angel Ken Young

Humakot ng medalya si Angel Ken Young ng 9-Neon sa World Robot Games 2021 na ginanap noong ika-25 ng Marso hanggang ika-15 ng Abril na may temang “New World After COVID”.

Nagkamit si Young ng 2 pilak at 8 tansong medalya sa kategoryang drop it, spoon feeding, fire fighting, this blows, balloon popping, shoot the ball, garbage collector, innovative, at line tracing. Taunang paligsahan ang World Robot Games, isang 1 minute game na sumusubok sa galing ng mga mag-aaral sa larangan ng robotics.

Nang tanungin si Young kung paano niya pinaghandaan ang paligsahan, narito ang kaniyang naging tugon “For about a month and a half, I [built] the 8 robots I used, (I used the same robot for shoot the ball and spoon feeding and the same one for fire fighting and this blows) kept having to rebuild robots to fit specifications, [and] did lots of research for innovative (it had sensors I have never used yet).” Idinagdag din niyang naging hamon sa kaniya ang paggamit ng iba't ibang editing applications dahil hindi pa siya ganoon kabihasa sa pag-eedit ng bidyo na kailangang mai-upload sa anumang online platforms.

Ayon kay Young, isa sa hindi niya malilimutang kaganapan sa kompetisyon ay ang balloon popping category. "I was sure I was screwed when I saw how fast Thailand was, but thankfully I was able to get an award because I managed to get a perfect run with my robot.” “Anyway tiwala lang, kasi you never know when something surprising will happen.”

Sa huli, iniwan niya ang payong ito sa mga nagnanais na sumali sa kompetisyon, “If you want to join then go for it. It's either you win or gain knowledge and experience, and either way, it's really fun and exciting.” // nina Joy Argote at Jailyn Abby Lim


You Might Also Like

0 comments: