filipino,

Literary: Kilos

5/28/2021 06:32:00 PM Media Center 0 Comments




Tatakbo

Palayo sa unos
Hindi ko na kaya
Kailangan ko nang kumawala

Lalakad
Pabalik sa aking pinanggalingan
Sa kabila ng takot at mga duda
Ito’y akin nang haharapin

Gagapang
Kahit na gaano kahirap ang pagdadaanan
Ilang galos man ang aking matamo
Igagapang ito at magpapatuloy

Tatalon
Dahil ako’y naging matapang
Pinakawalan ang mga pangamba’t alinlangan
Isang lundag na lang, lahat ay matatapos na

Nahapo man sa pagtakbo
Kahit nadapa at paulit-ulit na nagkamali
Nasaktan man sa paggapang
Magpapatuloy pa rin

Naglakad nang pabalik-balik sa iisang landas
Nawala, hindi alam kung saan
Tumalon, ginawa ang lahat
Hanggang sa wakas, nakamit itong tagumpay

You Might Also Like

0 comments: