filipino,

Diokno Foundation Webinar-Workshop on Voters’ Education, inilunsad

5/21/2021 05:15:00 PM Media Center 0 Comments




Pakikilahok. Webinar-Workshop on Voters Education na dinaluhan ng mga mag-aaral ng UPIS. Photo credit: Rochelle Gandeza

Nagsagawa ng isang webinar-workshop ang Diokno Foundation sa mga mag-aaral ng UPIS mula sa Grado 11 at 12 tungkol sa voters’ education noong Marso 22, 2021.

Layunin ng webinar-workshop na bigyang-linaw ang kahalagahan ng pakikilahok ng kabataan sa eleksyon at mahikayat silang magparehistro at bumoto. Nais ng programang ito na maipakita ang kapangyarihan ng kabataan na makapamili ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang sarili. Gayundin, malaki ang tiwala ng Foundation sa kakayahan ng mga mag-aaral na maimpluwensyahan ang kanilang mga kapamilya, at kasama sa komunidad na magparehistro at bumoto rin nang tama. .

“Sana nakatulong ito na ipaalala sa mga estudyante ng UPIS na nasa kamay nila hindi lang ‘yung future kundi ‘yung present ng ating bansa—na bilang kabataan, they have so much power, at sana gamitin nila ito para makabuo tayo ng mas patas, mas makatarungan, at mas makataong mundo.” saad ni Atty. Chel Diokno, anak ng dating Senator Jose W. Diokno, nang makapanayam ito.

Ayon naman kay Prop. Diana G. Caluag, Katuwang na Prinsipal Pang-Akademiko, “Nagpapasalamat ang UP Integrated School sa adbokasiya ng Diokno Foundation na bigyan ng empowerment ang mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, kahit may pandemya, patuloy nilang binubuhay ang diwa ng pagiging Pilipino sa mga mag-aaral. Sana ay mas maraming paaralan pa ang kanilang maging partners.”

Ang Diokno Foundation ay isang non-government organization na itinayo para ipagpatuloy ang nasimulang adbokasiya ni late Senator Jose W. Diokno, isang abogado, senador, at kabilang sa mga nakulong noong Martial Law. Isinasabuhay ng organisasyon ang mga adhikaing sinimulan ng dating senador sa pamamagitan ng research at publication, social development work, at edukasyon. Itinataguyod din nito ang social justice, human rights, rule of law, at love of country//nina Rochelle Gandeza at Frances De Guia

You Might Also Like

0 comments: