Chanel No. 5,
Nahulog ako sa’yo nang dahan-dahan.
Katulad ng ulan
Na nagsimula sa ambon
At bumuhos nang biglaan.
Ambon
Naaalala ko pa ang pagbagsak
Ng unang mga patak.
Ang simula ng aking pagkahulog
At ang ngiti mong siyang tumulak.
At sa kauna-unahang pagkakataon
Pumatak ang ambon.
‘Di maiwasang isiping nasaan kaya tayo ngayon
Kung sumilong ako noon?
Hangin
Hindi namalayang nagtago ang araw
Sa iyong bawat galaw.
Hindi namalayang nagkulay-abo
Ang langit kong bughaw.
Unti-unting dumilim ang langit
At lumalim ang damdamin.
Pangalan mo ang ibinubulong
Ng bawat simoy ng hangin.
Ulan
Palabas sa silong, pilit mo akong hinatak
Lumakas, dumami, bumigat ang mga patak
Sa pagdampi nito sa aking balat, dumampi rin ang mga tanong ko,
Sasaluhin mo ba ako kapag nahulog ako sa'yo?
Bumuhos ang ulan kasabay ng aking damdamin
Sasagutin mo ba ako kapag ako ay umamin?
Ang aking damit, buhok, balat ay nabasa
At basta’t para sa iyo, lulusob ako sa baha
Kidlat
Pinakawalan ko ang aking mga pagdududa,
Nagtampisaw sa ulan, at dahil sa pagkapabaya
Tila isang malakas na kidlat sa aki’y tumama,
Nang bigla kong nasabing mahal kita.
Naghihintay akong tumitig sa iyo
Lumakas ang ulan, sumakit ang mga patak nito
Ngunit mas masakit ang sagot na aking napagtanto
Sa iyong tahimik na mga matang salungat sa hinihiling ko
Bagyo
Sa iyong pagyapak, sumabay ang kidlat
Iniwan mo ako't tumakbo papalayo
Sa gitna ng ulan, ng dilim, ng sakit
Nahulog ako, at hinayaan mo lang ako
Lumakas ang kulog at kidlat
Ang ulan ay bumuhos pa
Tila iniiyak ng langit
Ang hindi mailuha ng aking mga mata
Baha
Ngunit kasalanan ko ang lahat ng ito.
Walang ibang masisisi kundi ang sarili ko.
Ako ang pumiglas mula sa yakap ng araw
Dahil pinili ko ang iyong bagyo.
Bumaha ng mga katanungan
Umagos ang pagdududa
At nang ako'y malulunod na
Pumikit ako't huminga
Pagtila
Kumulog, umulan, kumidlat.
Niyakap ko ang bawat patak ng luha
sinalubong ang bawat sakit ng kidlat
Sa huling pagkakataon,
Kumulog.
Umulan.
Kumidlat.
At sa dulo ng lahat—
Bibitaw ako sa’yo nang dahan-dahan.
Katulad ng ulan
Na nagsimula sa ambon
At unti-unting tatahan.
Literary: Dahan-dahan.
Nahulog ako sa’yo nang dahan-dahan.
Katulad ng ulan
Na nagsimula sa ambon
At bumuhos nang biglaan.
Ambon
Naaalala ko pa ang pagbagsak
Ng unang mga patak.
Ang simula ng aking pagkahulog
At ang ngiti mong siyang tumulak.
At sa kauna-unahang pagkakataon
Pumatak ang ambon.
‘Di maiwasang isiping nasaan kaya tayo ngayon
Kung sumilong ako noon?
Hangin
Hindi namalayang nagtago ang araw
Sa iyong bawat galaw.
Hindi namalayang nagkulay-abo
Ang langit kong bughaw.
Unti-unting dumilim ang langit
At lumalim ang damdamin.
Pangalan mo ang ibinubulong
Ng bawat simoy ng hangin.
Ulan
Palabas sa silong, pilit mo akong hinatak
Lumakas, dumami, bumigat ang mga patak
Sa pagdampi nito sa aking balat, dumampi rin ang mga tanong ko,
Sasaluhin mo ba ako kapag nahulog ako sa'yo?
Bumuhos ang ulan kasabay ng aking damdamin
Sasagutin mo ba ako kapag ako ay umamin?
Ang aking damit, buhok, balat ay nabasa
At basta’t para sa iyo, lulusob ako sa baha
Kidlat
Pinakawalan ko ang aking mga pagdududa,
Nagtampisaw sa ulan, at dahil sa pagkapabaya
Tila isang malakas na kidlat sa aki’y tumama,
Nang bigla kong nasabing mahal kita.
Naghihintay akong tumitig sa iyo
Lumakas ang ulan, sumakit ang mga patak nito
Ngunit mas masakit ang sagot na aking napagtanto
Sa iyong tahimik na mga matang salungat sa hinihiling ko
Bagyo
Sa iyong pagyapak, sumabay ang kidlat
Iniwan mo ako't tumakbo papalayo
Sa gitna ng ulan, ng dilim, ng sakit
Nahulog ako, at hinayaan mo lang ako
Lumakas ang kulog at kidlat
Ang ulan ay bumuhos pa
Tila iniiyak ng langit
Ang hindi mailuha ng aking mga mata
Baha
Ngunit kasalanan ko ang lahat ng ito.
Walang ibang masisisi kundi ang sarili ko.
Ako ang pumiglas mula sa yakap ng araw
Dahil pinili ko ang iyong bagyo.
Bumaha ng mga katanungan
Umagos ang pagdududa
At nang ako'y malulunod na
Pumikit ako't huminga
Pagtila
Kumulog, umulan, kumidlat.
Niyakap ko ang bawat patak ng luha
sinalubong ang bawat sakit ng kidlat
Sa huling pagkakataon,
Kumulog.
Umulan.
Kumidlat.
At sa dulo ng lahat—
Bibitaw ako sa’yo nang dahan-dahan.
Katulad ng ulan
Na nagsimula sa ambon
At unti-unting tatahan.
0 comments: