Anatheia,
Literary: Iskodyul
ORAS | GAWAIN |
---|---|
3:00n.u.-3:05n.u. | Panibagong araw na naman at magigising ulit ako sa init. |
3:05n.u.-3:20n.u. | Iiwanan ang malambot na kama at pupunta sa lababo para maghilamos. |
3:20n.u.-4:30n.u. | Magluluto ng Pancit Canton at manonood ng hit na hit na K-drama. |
4:30n.u.-5:30n.u. | Kukunin ang bisikleta at iikot sa aming lugar. |
5:30n.u.-6:00n.u. | Haharapin muli ang alab ng apoy at mga talsik ng mantika sa kusina. |
6:00n.u.-7:00n.u. | Isasabay ang katawan sa bawat nota ng kanta at ipapadyak ang paa kasabay ng bawat liriko. |
7:00n.u.-7:30n.u. | Ipaglalaban ng matapang na kape ang katauhan mula sa kaantukan. |
7:30n.u.-7:55n.u. | Aasikasuhin ang makukulit na mga gamit at ibabalik sa kanilang dating pwesto. |
7:55n.u.-8:00n.u. | Magsusuklay gamit ang kamay upang hindi magmukhang lantang gulay. |
8:00n.u.-9:30n.u. | Uupo, Tititig, Makikinig. |
9:30n.u.-10:00n.u. | Makararamdam na naman ng samu’t saring emosyon sa pinapanood na drama. |
10:00n.u-11:00n.u. | Uupo, Tititig, Makikinig. |
11:00n.u-11:20n.u. | Ilalapat ang likod sa malambot na kutson at ipipikit ang mga mata. |
11:20n.u-12:15n.h. | Magpapahinga kasabay ng aking elektronika. |
12:15n.h-1:00n.h. | Maduduling ang mga mata dahil sabay ang paghuhugas ng mga pinggan at panonood ng K-drama. |
1:00n.h.-3:00n.h. | Huli na ‘to: Uupo, Tititig, Makikinig. |
3:00n.h.-5:00n.h. | Magbubuhat muna ng ilang kaban ta’s paliliguan ang katawan. |
5:00n.h.-10:00n.g. | Magpapabalot muna sa kumot at sasandal sa dalawang unan para maibsan ang pagod. |
10:00n.g.-11:30n.g. | Pagkabangon, didiretso sa lamesa at kapag hindi nagustuhan ang ulam, sa itlog aasa. |
11:30n.g.-2:00n.u. | Babalikan ang mga naulilang gawain sa lamesa. |
2:00n.u.-2:15n.u. | Sasalampak na naman sa kama at magpapaikot-ikot. |
2:15n.u.-2:25n.u. | Kakausapin ang telepono pantanggal ng bagot. |
2:25n.u.-3:00n.u. | Panandaliang lalamunin na ng panaginip. |
0 comments: