filipino,
Umaksyon ang komunidad ng UP laban sa COVID-19 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa virus.
Ayon sa UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report noong buwan ng Abril, umabot sa 138 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa loob ng UP Diliman at Barangay UP Campus.
Bilang tugon ng unibersidad sa tumataas na kaso ng COVID-19, inilunsad nito at ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang “Bakunahan sa Diliman.” Kasalukuyan itong idinaraos sa College of Human Kinetics (CHK).
Maliban sa vaccination program ng Pamunuan ng Unibersidad at ng Local Government, tumugon din sa suliraning ito ang iba’t ibang kolehiyo at tanggapan sa loob ng campus.
Ang UP Law Center halimbawa, ay naglunsad ng isang webinar na pinamagatang “Bakuna Para sa Masa - A webinar on Vaccine Misinformation and Hesitancy, and the Vaccination Program of the National Government” noong ika-24 ng Abril. Layunin nitong makapagbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines at muling bigyang-diin ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat isa sa pagsugpo sa COVID-19.
Sa pangunguna naman ng All UP Workers Union (AUPWU), nagkaroon ng community pantry malapit sa kanilang opisina. Kasama nila sa inisyatibong ito ang University Hotel Workers Union, Samahan ng Manggagawa sa Quezon City, at Alyansa ng Samahan Diliman. Patuloy pa rin sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga residente ng UP Diliman ang nasabing pantry.
Sa UP Integrated School, nagpaabot ng tulong at suporta ang mga alumni at iba pang organisasyon sa kanilang mga dating guro at sa mga kasalukuyang estudyante para sa remote learning set-up.
Kabilang sa mga naghandog ng tulong ay ang Batch 2011 na naglunsad ng kanilang programang “Iskomunidad: A fundraiser for UP Communities,” bilang selebrasyon ng kanilang ika-10 taong anibersaryo. Layunin ng programa na magbigay tulong sa mga UPIS staffs, UP vendors, UP guards, UP ikot drivers, at community pantries.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga nabanggit sa artikulo, maaaring bisitahin ang mga link na ito:
Regidor, A. (2021, April 19). UPD’s community pantry. https://upd.edu.ph/upds-community-pantry/
Regidor, A. (2021, April 26). A guide to Bakunahan sa Diliman. https://upd.edu.ph/a-guide-to-bakunahan-sa-diliman/
UPIO. (2021, April 15). Call for Volunteers: Bakunahan sa Diliman. https://upd.edu.ph/call-for-volunteers-bakunahan-sa-diliman/
UPIO. (2021, April 21). Bakuna Para sa Masa. https://upd.edu.ph/event/bakuna-para-sa-masa/
UPIO. (2021, April 22). UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report. https://upd.edu.ph/up-diliman-covid-19-task-force-weekly-report-as-of-april-22-2021/
//nina Jeulyanna Ferrer at Kyla Francia
Komunidad ng UP, umaksyon kontra sa COVID-19

UPIS.(2021, May 3). Iskomunidad - A UPIS Batch 2011 Fundraiser for UP Communities.
0 comments: