aninag,

Literary: Aninag

8/27/2015 07:03:00 PM Media Center 0 Comments



Sa gitna ng pighati ang tulad ko’y naghahanap
Ng munting liwanag na siyang pinapangarap.
Sa kaunting ilaw akin nang maaapuhap,
Maaaninag kahit katiting na paglingap.

Himala kang ituring sa oras ng kadiliman.
Biyaya para sa lahat ng walang maaasahan,
Ang iyong kislap ay tanda ng aming paggising
Na ipagpatuloy ang lahat ng pangarap at hiling.

Pag-asa ang iyong handog sa bawat tao.
Kapag napagod, nasaktan o kung gusto nang maglaho,
Aninag, ikaw ang nagsisilbing munting liwanag
Sa mundo na puno ng galit at lungkot.

You Might Also Like

0 comments: