effort,

Literary (Submission): Effort

8/12/2015 07:45:00 PM Media Center 0 Comments


Nagsimula tayo ilang taon na ang nakakaraan
Noong hilig pa natin ang paghahabulan
Noong panahon na kumpleto pa ang oras ng ating pagtulog
Hindi ko inaasahang sa’yo ako mahuhulog.

Dumating ang panahon na naging tayo
Gusto kitang makasama bawat oras
Bawat minuto hindi ka mawala sa isipan ko
Pati mga kilos mo’y sinusubaybayan ko

Ano nga bang nangyari sa atin?
Tila ako ay nabitin
Sa kaunting oras na pinagsasamahan natin
At naluha ng tuluyang mawala ka sa akin.

Napaisip ako at nasabing mahal pa kita
Kaya ako’y nagsumikap na ika’y muling makuha
Pero sa tingin mo hindi tayo para sa isa’t-isa
At nasabi mong “mas mabuting tayo’y magkaibigan lang muna.”

Nanindigan ako sa aking sarili
Lagi pa ring ikaw ang aking nasa sa isip
Sa nagawang desisyon sana ako’y di nagkamali
Para sa huli, ako’y walang pagsisisi

Ibibigay sa’yo kahit ang aking huling barya
At kahit bag mo’y lagi kong karga
Gagawin ko lahat makita ka lang na masaya
Dahil isang ngiti mo lang, ako’y okay na

Pagsasakripisyo ko’y marami na rin
Kahit ang mga ito’y hindi mo masyadong napapansin
Alam ko ring may bago nang dumating
Pero umaasa ako’t pinapangarap ka pa rin

Sa tuwing nakikita kayong magkasama
Hindi ko maintindihan ang nadarama
Ipipikit ko na lamang ang aking mga mata
Iniisip na ako’y iiyak na lang ba?

Sa tingin mo ba’y wala akong nararamdaman
Sa tuwing sa likod ko, kayo’y masayang nagtatawanan
Tuluyan mo na nga ba akong nakalimutan
At lahat ng paghihirap ko’y nasayang lamang

Natapos ang gabi na hindi na kita nakita
At ako’y tuluyang nakalimutan na yata
Tumigil na ako’t pinabayaan na lamang
‘Pagkat ako’y nagising na sa katotohanan

Heto ako nagpapaalam
Dahil ayoko nang makipagbiruan
Napansin mo ba na hindi ako bato?
Nasasaktan din ako parang karaniwang tao.

Ginawa ko na ang lahat
Pero bakit sa mata mo’y hindi pa ito sapat?
Minahal kita ng walang patid,
Turing mo pala saki’y isa lamang kapatid.

You Might Also Like

0 comments: