carrot 2015,
Literary (Submission): Pansamantala
Nagulat na lang ako isang araw-
Bigla tayong nagkatinginan
At kumabog ang dibdib ko
Hala! Ano ba ‘to?
Ngunit, wala man lang pansinan
O kaya naman ay mga usapan
Kala ko pa naman
Eto na yung tinatawag nilang
‘Tadhana’
Nagulat na lang ako isang araw-
May kasama kang iba
Nag-init ang dugo ko
Ang sakit!
Bawat ngiti mo sa kanya
Luha ang tumutulo sa aking mga mata
Oo na, kayo na
Kayo na ang perpekto para sa isa’t-isa
Nagulat na lang ako isang araw-
Lumapit ka sa akin
Aba! Sino ka?
Di ba may iba ka na?
Ano ang meron sa iyo?
Ang kaunting usapan, ang saglit na titigan
Dumami…
Nagtagal…
Nagulat na lang ako isang araw-
“Tayo” na!
Ang saya-saya!
Para akong nasa langit! Paraiso kumbaga!
Eto na nga ang “tadhana” na sinasabi nila
Habang buhay na sana tayong dalawa!
Nagulat na lang ako isang araw
Umuwi akong luhaan
Nakita ko yung cellphone mo
At yung pag-uusap niyo
“Mahal pa rin kita”, sabi mo sa kanya
Eh ako? Paano na ako?
Nakakagalit!
Rebound lang pala ako.
0 comments: