behind the scenes,

Mga Sulatang CatWeng

4/11/2014 09:42:00 PM Media Center 3 Comments

Lahat ng kuwento ay may pinaghuhugutan.



7 Abril
3:30 n.h.

Teacher Weng,

Sisimulan ko na ang BTS (behind the scenes) ng Pusong Bato. Isesend ko sa ‘yo. Dagdagan mo na lang. Salamat! :)

Teacher Cat

-----

7 Abril
3:35 n.h.

Teacher Cat,

Sige. Ieedit ko na lang. Salamat.

Teacher Weng

-----

8 Abril
7:02 n.g.

T. Weng,

Hindi ko alam kung paano gagawin ang BTS! Hahaha. Medyo nagsisisi na ako na kinuha na naman natin ang trabahong ito. Pero sige na. Okay na lang. Kaya natin ito.

Ang natatandaan ko, hindi ito ang unang plano. Iba-iba ang writers per chapter pero continuous ang story. Tungkol nga ba saan ‘yon? Di ko masyado matandaan. Magulo eh. Hehehe.

T. Cat

----

8 Abril
8:35 n.g.

T. Cat,

Magulo kasi magulo kausap ang MC 2. Hindi mo malaman kung saan nila kinukuha ang inspirasyon nila. O, kung may inspirasyon talaga sila. Pero mukhang wala. Kaya di ba naisipan na lang natin na tayo ang humanap ng paghuhugutan ng ideas? Sinuwerte naman . Binasa natin ang kuwentong Sulatan ni Genoveva Edroza-Matute.

Cute ang story. Di mabigat sa feelings at utak. Pinabasa natin sa writers. Akala naman natin magegets nila agad ang gusto nating mangyari sa CW. Pero bigo tayo. Bakit nga ba bigo tayo teacher? Ano nga yung sinabi ng girl writer nang mabasa niya ang kuwento?

T. Weng

-----

10 Abril
2:55 n.h.

T. Weng,

Pasensya ka na at matagal ang sagot ko sa sulat mo. Napakaraming gawain. Lagi pang nawawala ang AD natin.

Ang sabi ni girl writer ay: “Hindi ko po gets. Anong gagawin?” Pinabasa natin ulit pero hindi pa rin niya maintindihan. Nagets lang yata niya nung sinabi natin na imbis na editorial, idadaan na lang nila ang kanilang mga hinaing sa creative writing project. Madali naman para sa kanyang isulat ang POV ng pinaka-pasaway na estudyante dahil… hehe… :)

So ayun. In the words of boy writer, with matching taas ng papel, “Eto na. Ipinanganak na siyaaaaa!” Ayun na. May creative writing project na! Yehey!

T. Cat

-----

10 Abril
3:25 n.h.

T. Cat,

Oo nga. Sa wakas nagkaroon na rin tayo ng CW project. Akala ko naman wala talaga silang magagawa. Pero, Panginoon, may CW ideas nga tayo, wala naman tayong title. 

Ayan ang pangalawang problema natin. Salamat sa walang tonong pagkanta ng MC ng “Pusong Bato.” Kahit papano nagkaroon tayo ng pamagat. Aminin mo joke lang talaga ang title na yan dahil wala na talaga silang naisip. Kaya lang kailangan nang panindigan dahil nailabas na ang unang teaser. Nakakahiya naman kung babawiin pa.

Pero alam mo teacher, sana pala at ngayon ko lang naisip na mas bagay ang peborit kong song na TL Ako sa’yo. :)

T. Weng

-----

10 Abril
3:31 n.h.

T. Weng,

Hahaha! Oo nga! Mas bagay yun. Hayaan mo, next sem gagamitin natin yan! :)

Lagi namang title ang problema. At mga pangalan rin pala ng character. Pati na rin plot. Lahat pala problema pag CW project. Hehehe. Gayunpaman, lagi naman tayong nakakagawa ng paraan. At aminin mo, sa lahat ng ating sinulat, ito yata ang pinakapumatok.

Siguro dahil maraming nakakarelate sa mga reklamo ni Natalie Lorenzo. Kahit medyo mataray at slow at pusong bato, naiintindihan ng mga nagbabasa ang mga pinagdadaanan niya araw-araw. At talaga namang crushable si Manuel Roquito. Akala ko nga nung una hindi siya masyadong sisikat pero good boys siguro talaga ang type ng karamihan.

Natatandaan mo pa ba kung bakit ganyan ang mga pangalan nila? Hehehe.

T. Cat

-----


10 Abril 2014
3:35 n.h.

T. Cat,

Oo natatandaan ko yun. Hahaha…Galing yan sa yuck na kuwento nila. Akalain mo gusto ko nang matawa nang sabihin nilang si Lorna at Rockman ang bida sa CW nila. Mala-pantasya ang gusto nilang gawin. Anubanaman yun. Si Lorna at Rockman nabubuhay after ng ilang taon. Sasama sa graduating batch. Magiging kaklase nila. At kailangan pang gumawa ng tatlo o ilang kabutihan para bumalik sila sa pagiging bato ulit. Hahaha…saan kaya nila nahugot at napulot ang ewang ideya na yun?

T. Weng

----

10 Abril
3:52 n.h.

T. Weng,

Sa Wansapanataym? Hahaha! Fan na fan sila eh. :)) Nakakainis! Hahaha. Tambling ako diyan. Pero pinagbigyan naman natin ‘yan. Wala lang talagang malinaw na direksyon kaya buti na lang talaga nabuo ang tambalang MaLie. Pero Rockman-Lorna pa rin ang labtim na ‘yan dahil pilit na itinago ang mga ‘yun sa buong pangalan ng main characters: MANuel ROQuito, NAtalie LORenzo.

Nung nasolve na natin ang pangalan, plot naman ang problema. Hindi ko makakalimutan ang paglilista ng mga violation na pwedeng gawin ni Natalie at ang mga posibleng parusa sa kanya. Halimbawa, kapag pumasok ka sa admin building na madumi ang paa mo, yung katawan mo raw ang ipanglalampaso mo. Tsaka yung doon ka patutulugin sa school, hindi ka maliligo at magpapalit ng damit para hindi ka ma-late sa flag ceremony. Hehehe.

Sa sobrang labo kausap ng MC2, pinaggrupo na lang natin sila para gumawa ng plot sa bawat buwang magsusulatan sina Manuel at Natalie. Pero dalawa lang talaga ang writers. Ikaw na magdescribe. Hahaha.

T. Cat

-----

10 Abril
4:00 n.h.

T. Cat,

Talagang gusto mong ako ang mag-describe sa kanila? Hahahha…Sige. Bagay-bagay na kay girl writer ang karakter ni Natalie. Pareho silang maganda, maputi, mahaba ang buhok… Pero, arte girl siya, taklesa, at mabagal maka-gets. Aminin mo yan. Hehehe… Di ba, siyang-siya kasi mukhang hugot na hugot sa personal niyang buhay ang mga pinagsusulat niya. Sinabi ko na kasing mag-move on na ayaw pang makinig sa akin. Di ko ma-describe si Boy writer. At ayaw kong i-describe kasi maraming fan yun. Mahirap. Di baling si Natalie ang kamuhian nila. Ikaw na bahala kay Manuel.

T. Weng

----

10 Abril
4:08 n.h.

T. Weng,

Hahaha. True yan si girl! Naalala mo ba yung absent si boy at napilitan akong iexplain kay girl ang plot ng Chapter 5.1 yata? Ang haba-haba ng pinaliwanag ko nung meeting, nakipag-chat pa nung gabi nay un para magtanong ulit. Eh di explain na naman ako. Matapos kong itype ang buong kwento na naman, sabi lang niya “Okaaaaay!” But wait, there’s more. After 7 minutes, may message siya ulit. “ANO PO MA’AM? DI KO GETSSSSSSS!” Ayon. Hahaha. Pero nakakatuwa siya because she makes MC Nights so fun! :)) (Hi, Angela! Hart hart!)

Ay idol ko si Boy writer. Kasi ang ganda ng pagkakasulat niya kay Manuel. Kaya siguro maraming bilib at kinikilig sa kanya. Certified CW Project heartthrob talaga! Hahaha. Pero sabi ni Boy Writer, and I quote, “Baka pag nalaman nila kung sino ako, ayaw na nila kay Manuel.” Hehehe. Pero hindi naman siguro kasi kaya niya kuhang-kuhang si Manuel ay dahil ganoon rin siya sa personal. :) Hindi lang nga siya masyadong mahilig magsaway. (Hi, Bertram! Hart hart!)

Ang haba na yata ng sulatan natin. Meron pa ba tayong kwento?

T. Cat

----

10 Abril 2014
4:10 n.h

T. Cat,

Marami pa. Pero last na ’to. Aminin mo 1st time kitang nakitang nainis at sumama sa AD sa labas ng klase para lang mag-assist sa kanya. Hahaha… yung unang teaser na hindi makuha-kuha ni AD. At ang kinalabasan ay BATO + PUSO lang na walang dating. Ampangit. Kaya sinamahan mo na siya. Nagpulot pa yata kayo ng bato at nagbasa-basa pa ng tubig para lang magkaroon ng drama ang unang teaser.

Di lang yun, adik talaga ang AD natin kasi yung mga materials na ginagamit niya ay parang kung saan-saan lang niya napulot. Higit sa lahat siya lang ang naging AD natin na cellphone lang gamit at laging walang camera. Wala lang kung sino lang ang mahiraman niya ng cellphone.

Pero, kahit parang nagsimula ang Pusong Bato sa joke lang at kung ano-anong kaadikan, naging maganda at matagumpay naman ang CW na iyon. Nakakatuwa na talagang binabasa at sinusundan ito ng reader.

Sila lang nakapagpaiyak sa akin habang nag-eedit ng CW. Kaya nalaman kong hindi pala ako pusong bato. Hahaha… Dahil dun. Isa na sila sa mga paborito kong batch ng MC. Galing nila. :)

T. Weng

-----

11 Abril 2014
3:52 n.h.

T. Weng,

Totoo yan! Magaling sila! Hindi lang dito sa Pusong Bato kundi pati na rin sa pag-iisip ng topics para sa mga articles. Kahit minsan, joke, kahit madalas napakalabo nilang kausap at medyo mabagaaaal pumick-up ng instructions at pinag-uusapan, isa sila sa mga batch ng MC na pinakamasayang katrabaho. :)

At kahit parang lagi tayong naghahabol ng chapters at kung ano-ano pang requirements, hindi ko pa rin makakalimutan kung gaano kasaya ang sem na ito.

Tapos na naman ang isang CW project, teacher. Tapos na naman ang isang sem. Pero sure ako na matagal bago makalimutan ng readers ang sulatang Manuel-Natalie. Siguro kailangan na lang nating tandaan na hindi lahat mabibigyan ng second chance. Kaya dapat isiping mabuti kung ang isang bagay ay worth the risk.

Salamat, MC2 2014! Iba kayo! :)

T. Cat

You Might Also Like

3 comments:

  1. SHIYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET </////////////////////3 Love you maamsss!!!! Catweng forevs!

    ReplyDelete
  2. Ang galeeeeng! Pati BTS sulatan. So awesome Catweng! :)))

    ReplyDelete
  3. huhuhuHuhu CatWeng! Sorry po sa lahat. At sorry ngayon ko lang to nabasa hihi. Labyu CatWeng 5ever!<3

    ReplyDelete