manuel,

Dear #MaLie

4/11/2014 09:28:00 PM Media Center 1 Comments

Natty! 

Girl, nahahalata ko na may crush ka kay Manuel. Sige na, aminin mo na! Paalis na nga at di pa aabot ng Gradball. Ngayon na ang chance mo para ilabas ang lahat ng nararamdaman mo! Wag mong sabihin na wala. 

Yung mga sulat nya sa'yo, nako po! Nakakakilig kaya! Dapat talaga siya yung naging date mo sa prom pero binusted mo eh. Kung ako yung tinanong ni Manuel, malamang "oo" ang sagot ko. Pero, happy crush ko lang naman sya. Gusto ko lang makilig eh. Mas bagay pa kayo. Di ako magugulat pag naging kayo sa kinabukasan.

Saan ka ba makakahanap ng lalaki tulad ni Manuel? Gusto ko rin eh.  

Love,
Best friend forever 

P.S. Ako maid of honor mo ah! :)

-----

Dear BFF,

Hi girl! Salamat sa pagsulat. 

Amazing ka. Oo na sige na, tama na ang hinala mo. Gusto ko nga si Manuel. :) Nakakalungkot nga at huli na ang lahat, hindi na ako umabot at nagkaroon ng chance para sabihin pa sa kanya yung totoong feelings ko para sa kanya.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko pa siya tinanggihan, ewan ko ba kung bakit masyado akong takot sa mga bagay-bagay. Sayang noh? Alam ko naming maraming nagkakagusto kay Manuel at highblood na highblood na sa akin dahil napakahaba naman talaga ng hair ko.

Alam mo, hindi mo kailangan mag madali. Nandyan lang rin yan si Manuel mo sa tabi tabi. Malay nalang natin kung kalian siya dadating. Kailangan mo lang maghintay, ngunit wag mo naman sasayangin ang oras mo kakahintay kay prince charming mo. Mag focus ka nalang muna, dadating rin ang tamang tao para sa’yo sa tamang oras. :)

Love, 
Natalie

-----

Manuel,
Hi. Alam kong busy ka. At busy rin ako, I guess, haha. Pero kasi. Nakakabigo eh. Nakakabigo na patay na patay ka para kay Natalie habang ako patay na patay sa'yo.
Noong unang sagutan pa lang, nakuha mo na puso ko. Sa bawat pagsita mo sa kaniya, natutuwa ako, kasi halata naman eh. Pasimpleng lapit sa babaeng iniibig. Oo, masakit man isipin na hindi ako 'yun, tanggap ko naman.
Sana kasi ako na lang si Natalie. Mahilig naman ako sa Tapsilog ng Rodic's eh. Paborito ko pa nga eh. Para sa'yo magpapakabait ako. Para sa'yo susundin ang mga alituntunin ng paaralan. Para naman hindi mahirap buhay mo bilang KA president. Ang astig nga na KA president ka eh, tapos personal mo pa kinakausap ang mga lumalabag sa Rules and Regulations. Nakakatuwa yung ganun. It's the little things, nga naman.
Sana ako ang pinagpala ng tadhana na maging prinsesa ng kisame mo. Kasi naman. Ikaw na talaga prinsipe ng tablet ko. (Medyo yun kasi lagi kong katapat sa gabi HAHAHA)Sana kahit graduate ka na,magsulat ka pa rin. Romantikong romantiko ka eh, hay. Nangangarap na lang akong makakakuha ako ng liham galing sa'yo next academic year kapag may lockers na muli.
Salamat talaga. Salamat sa pagpapakilig, pagpapaiyak, pagpapatawa, at sa lahat ng mga banat mong tila nagagawang pakiligin ako sa kabila nang lahat ng stress na dinadaanan ko. Salamat sa mga salitang winasak ang puso ko. Dahil sa'yo, naintindihan kong paano magmahal ang isang katulad mo.

Nagmamahal,
P6
-----

Dear P6,

Magandang Araw. :)

Humihingi ako ng paumanhin at ngayon ko lang nasagot ang sulat mo sa akin.  Kung grade 10 ka, makaka-relate ka naman siguro! :)Kung hindi, aba’y maghanda ka na sa mga susunod na taong pakikipagsapalaran mo sa paaralan hahaha.

Wow, nabalitaan mo ‘yung mga pakikipag-usap ko sa mga lumalabag sa rules and regulations?  Hehehe.  Nakakatuwa na may katulad mong nakaka-appreciate pa ng mga gimmick ko bilang KA president.

…at Nakakagulat naman malaman na patay na patay ka sa akin.  Huwag mo naman sana akong tawaging manhid ngunit hindi kasi kita kilala.  Lalo na’t nagmula pa sa kagimbal-gimbal na asignatura ang ipinirma mong pangalan.  Aaminin ko na nakakataba ng puso ang sulat mo sa akin.  Nakasisiguro rin naman akong tunay din ang paglalarawan mo sa iyong sarili.  Sa kasamaang palad, gaano ka man kabait at masunurin, paborito mo man din ang Rodic’s, iisa lang ang itinitibok ng puso ko ngayon.  Ako man ang prinsipe ng tablet mo, mananatiling si Natalie ang prinsesa ng kisame ko.

Mahirap din ata ang hinihiling mo na magsulat pa rin ako.  Kung hindi mo natanong ay mangingibang bansa na ako.  Hindi ko na muli masisilayan ang mga locker sa paaralan hehe.

Salamat din sa iyong oras sa pagsusulat sa akin!  Humihingi ako ng patawad na nawasak ko pala ang puso mo ng hindi ko nalalaman.  Paumanhin din at hindi ko alam kung paano ako makakabawi.  Ngunit nasisiguro ko sayo na may ibang darating na siyang maghihilom ng mga sugat na iyong nararamdaman.  Bigyan mo ng oras at pagkakataon ang lahat ng bagay, sapagkat doon ka lang makakakuha ng tunay na kaligayahan :)

Manuel

You Might Also Like

1 comment:

  1. Like a P6 like a P6 nanananow I'm feeling so fly like a P6 (hahahahahaha)

    ReplyDelete