cw project,

Pusong Bato (Mga Itinagong Liham)

4/11/2014 09:04:00 PM Media Center 11 Comments

Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.






Mar. 14
3:51n.h

Manuel,

Oo, nagseselos ako kay Emilie. Manhid ka kasi, eh.  Dumb na, Numb pa.  Nakakainis  din minsan, tapos sasabihin mong ako ‘yung hindi makaintindi sa nararamdaman ng iba.  Hay.

Oooooooops joke laaang hindi ko sinabi ‘yuuuun.  Hindi ko carry.  Punit this papel, punit this papel :) :) :)

Natalie

-----
                                                                                                                                                     Mar. 18
                                                                                                                                            2:45n.h

Manuel

Annoyiiiing.  YOU ARE SO ANNOYIIING.

Talaga.  Hindi kita susulatan (pero bakit ko pa rin ba ‘to ginagawa L).  Manigas ka diyan. Huhuhu… Manuel kasi pinipilit ko maging masaya ng wala ka so pls... shattap, stop making sulat.
               
Alam mo ‘yung tales from the friend zone ni Ramon Bautista?  ‘Dun ka bagay na magbigay ng letters.   Kasi naman, alam mo naman palang ga-graduate na tayo, eh, edi dapat alam mo na ring magkakahiwalay rin tayo.  Ito nga oh, pinapadali ko na  ang paglimot mo sa akin. :( Per0, bakit ba ang kulit-kulit mo?  Bakit ba ayaw mo akong tumigil?  Tama na.  Wag mo na akong pahirapan sa mga sulat mo.  Nasestress ang beauty ko.

Natalie

P.S. Itigil mo na rin ‘yang kisame-kisame na ‘yan.  Kung alam mo lang,  picture mo na ang tinititigan ko gabi-gabi… Kulang na lang mapanaginipan kita.

-----
Mar. 27
                                                                                                                                                        7:52n.u

Manuel

Lagi mo kasing iniisip na masaya ako.  Hindi mo alam kung ilang luha ang isinama ko sa basaan kahapon.  Nasasaktan din kaya ako.  Palibhasa kasi, iniisip mo lang lagi sarili mo.  Ni hindi mo nga ako nilapitan.  Wala lang, nakatingin ka lang.  Para kang tuod.  Tapos, sasabihin mo, masaya ako. 
                                                                                                                                                    
Natalie


-----
April 28
11:11 n.g.

Manuel Roquito

‘Yan na ata ang pinakahuling beses na maisusulat ko ang pangalan na ‘yan… :(

Ang pangit mo… Promise…  Wala ka na ngang  alam gawin kundi paiyakin ako.  Hindi naman siguro dahil sa sinasadya mo, pero… Bakit ba kasi ako nahulog sa ‘yo?   Ito ‘yung pinakaayaw ko, eh. Tignan mo, pinag-promise kita dati ‘di ba? Huwag mong hayaang ma-attach tayo sa isa’t isa.  Ayan tuloy, anong ginawa mo sa‘kin?

Ngayon, sasabihin mong aalis ka? Bakit ang tanga-tanga mo…  Sinasabi mo na masakit para sa ‘yo, pero hindi mo alam ‘yung nararamdaman ko!  Alam mo ba kung ano ang pakiramdam?  Patay na patay ako kay Marco dati, pero pinaasa lang niya ako.  At sa mga panahong ‘yun, sinalo mo nga ako, inalagaan mo ang puso ko sa loob ng mahabang panahon.  Pero ngayon, bakit sa lahat  ng tao, ikaw pa ‘yung uulit sa katangahan na‘yun? Bakit ikaw pa ang mananakit sa feelings ko sa pangalawang pagkakataon? Sabihin mo nga, asan na ‘yung sinasabi mong prinsesa ng kisame mo, bakit ganun, bakit mo ako iniwan?

Labag man sa kalooban ko, alam ko namang wala akong magagawa eh.  Sana lang talaga naririnig mo ang sinisigaw ng puso ko ngayon.  Sana alam mo kung gaano ako nasasaktan ngayon, at kung paano ko nare-realize kung gaano kita kamahal.  Manuel sorry, sorry,  hindi ko pinaramdam sa‘yo, sorry nanahimik din ako sa mga nararamdaman ko.  Ikaw ang nagging bestfriend ko, ikaw ang naging diary ko, ang nag-iisang nagbibigay sa‘kin ng lakas kapag alam kong gusto ko nang sumuko.  Ikaw ang lagi kong maasahang makikipagsalo sa akin kapag lalabas at kakain ako ng Rodic’s.  Ikaw ang lalaking hindi nang-iwan sa‘kin mula simula.  Manuel ikaw ‘yun, at ikaw lang ang makagagawa nun sa akin.  Balang araw, hahanap-hanapin ko ulit ang taong nagparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal, at  sa‘yo lang din ako babagsak.

Mahal na mahal kita Manuel, at naniniwala akong hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa. Alam kong isa lang akong sakit ng ulo sa’yo na wala nang ibang ginawa kundi suwayin ang mga rules sa eskuwelahan at tumitig na lang sa maganda kong kisame.  Alam ko rin na hindi ako ang pinakamaganda, pinakamatalino, at lahat-lahat nang babae sa mundo, pero pangako, kakayanin kong maging ang babaeng pinapangarap mo, kahit bumaliktad pa ang mundo ko, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lang maging ang babaeng magpapasaya sa’yo  at  ang babaeng  karapat-dapat sa’yo.

Takot akong ma-fall sa‘yo.  Siguro dahil sa tingin kong you really deserve better than me, eh.  Pero do you know what hurts more?  The fact na, I want to be the best for you.  Kaso, nandiyan naman si Emilie.  Sa palagay ko, may sobrang higit pa sa akin diyan.  Di ba nga sabi mo, wala akong alam gawin kundi maging pasaway.  Alam ko naman na ang pupuntahan nito.  Magsisisi ka sa huli.  Kaya bago pa man magsimula, tinapos ko na. :( 

Siguro nga selfish ako.  Pero ayokong umabot sa point na lumalim pa feelings natin sa isa’t isa.  Mahirap ang mag-move on kapag ganun lalo na’t kung pagsisisihan mong ako ang pinili mo.  Sa ngayon, hindi ako ang  girl para sa’yo.  Hindi pa ako yung babaeng sinabi mong gusto mo.  Pero umaasa ako, aasa ako na kapag para na ako sa’yo ay nandiyan ka pa.  Mas okay na’to.  Mas madali pa sa aking paniwalaan na kaya pa kitang layuan.  Kaysa naman dumating sa point na ako ang una mong iwanan kapag naisip mong wala talagang mabuti sa akin. 

Hindi ko na maibibigay ang sulat na ito sa ‘yo.  Hindi ko rin naman gustong ipadala pa sa kung nasaan ka man ngayon.  Pero sa saktong oras na ito, nangangarap, humihiling, nagdadasal ako.  Sana dumating ang panahon na maibigay ko ito sa ‘yo ng personal.  Kapag dumating ang second chance na ‘yun hindi na ako bibitaw.

I’m so sorry…

Natalie

-----

WAKAS.

You Might Also Like

11 comments:

  1. i tot magigign sila.... </3

    ReplyDelete
    Replies
    1. i tot also but mali palang umasa </3

      Delete
  2. wuyyyyyyyy mc2 wuyyy?!!! wuy are you pipol toying with my emocions?????!!!=-O

    ReplyDelete
  3. hindi ko na alam kung kanino ako kakampi, kay papa manuel o kay natalie :( :( :"(

    ReplyDelete
  4. I love this side of Natalie <3

    ReplyDelete
  5. #Pauwiinsimanuel #Pauwiinsimanuel #Pauwiinsimanuel

    ReplyDelete
  6. ganyan kasi tayo eh. lahat ng promises and forevers, NAUUWI SA "SORRY". FAK LIFE

    ReplyDelete
  7. Ano ituuuuuuuuu . ANO ITUUUU

    ReplyDelete
  8. PAKITULOY NG NEXT NA MC!!!

    ReplyDelete
  9. Shet na malagket! MC2 wag kayong aalis ng di nagkakatuluyan si MaLie huhuhuh

    ReplyDelete
  10. WOOOY. Y u do dissss.

    ReplyDelete