behind the scenes,

Power: BTS 2017

5/26/2017 10:17:00 PM Media Center 1 Comments






“KUMPLETO NA BA?”

Sa pagbubukas ng akademikong taon 2016-2017, kahit na last school year pa kami nagtatrabaho sa Ang Aninag Online, opisyal na kaming naging Media Center 2018 (MC2018).

Binuo na ang editorial staff at nagsimula na ang isa na namang di malilimutang pub year.


Alam niyo ba, maraming maraming marami (x1000000) kaming ginagawa. Ikukwento ko sa inyo ang isang karaniwang meeting/araw/linggo/buwan sa buhay ng isang taga-MC.

-----

“OKAY… KINIG MUNA!”

So… ayun… Magsisimula ang lahat sa pag-iisip ng topic.

Mag-iisip ka, hindi maaapprove kaya mag-iisip ka na naman. Mga ilang ulit mo yan gagawin bago ka mabigyan ng go-signal.

Maghahabol ka ng iinterviewhin. Maghahanap ka ng iba’t ibang sources. Mahihirapan kang magsulat. Pero siyempre, makakapagpasa ka pa rin!

Mag-eedit ka. Makukulangan ka. Magbabalik ka. Magrerevise sila. Mag-eedit ka ulit sabay fact check pa dahil minsang magka-erratum dahil sa’yo, hindi mo na gugustuhing maulit pa.

Mag-iisip ka ng taglines. Maggugupit. Magdidikit. Magkukulay. Magfaflatlay. Magpapa-Christmas lights. Gagamitan mo pa ng Encantadia powers para artsy ang banners.

“ANUNAG?”

Naihanda mo na lahat pero dahil wala ka pang headline o title o skel o cutline na katanggap-tanggap, hindi pa tapos ang trabaho mo. Ilang libong salita na yata ang napaghalo-halo mo pero ang sinasabi pa rin sa’yo: “Iba pa.”

Bihirang makalusot ang kalokohang titles mo kaya naisip mong bumawi sa pangalan ng poll. Kahit alam mong masasabihan kang “Wala ba nung may class naman?” ipinilit mo pa rin ang mga “samPoll” at “diPoll” level mong suggestions.

Pero di pa rin umubra kaya sa hashtags na lang. Baka doon makalusot ang wit mo.

#hideMCeek
#MC7up
#huManraCe
#MotherChildren
#ManyCreatures
#MCWow
#MagCabaliktad
#MagCaugnay
#MCumpisal
#AminanOnline

Binigay mo na lahat, madam! Naumay ka na, natuyo na ang utak mo, napiga mo na lahat ng creative juices pero… mag-iisip ka pa ulit. Ulit. Ulit.

“ANONG NANGYAYARI?”

Araw na ng pub. Akala mo ready na lahat at matiwasay na mapopost at mapopromote ang mga articles at lits.

Kaya lang… May kulang.

Kulang na info. Kulang na picture. Kulang na cutline. Kulang na teaser. Kulang na staff. Kulang na oras.

Maitatanong mo talaga kay Great Lord Jaena kung ano ba ang kasalanan mo noong past writing life mo at pinarurusahan ka niya ng ganito.

“TRABAHO MO ‘YAN!”

Madalas, halos wala ka nang oras para sa ibang bagay. Kinain ka na ng MC (at thesis, suri, campaign, script, docu). Wala ka nang life. Si Kuya Ferdie na lang ang ka-text mo para buksan ang room. Umiiyak ka na kasi iniiwan ka ng mga barkada mo dahil hindi na nila mahintay ang katapusan ng paghihintay mo sa kulang na materials.

Minsan masama na ang loob mo dahil kahit hindi mo kasalanan, sapagkat ikaw ang naiiwan sa huli, ikaw ang nasisisi.

Pero kahit ganoon at kahit sa 35 na pumasok at nagtrabaho, 34 na ang umuwi at ikaw na ang last man/woman standing, dahil alam mo ang responsibilidad mo sa grupo, gagawin mo pa rin ito.

“’WAG AKO! PAGOD AKO!”

Tao ka lang, napapagod rin. Kaya minsan nagsasawa ka na. Dumadating ka sa puntong bibitaw ka na. Nalilimutan mo na ang dapat mong nagawa o naipasa. Wala ka nang pake.

Kaya papatayin mo na lang lahat ng ilaw sa room, bubuksan mo ang air-con kahit alam mong bawal, at matutulog ka. Paggising mo, iba ang pinagagalitan dahil sa’yo. Dahan-dahan kang lalabas ng room. Maghihilamos ka. Magpapahangin. Hihingang malalim.

Aakuin mo na ang kasalanan mo. Babalik ka at hihingi ng paumanhin.

Natuto ka na.

“POWER!”

Gagawa ka ng paraan para maibalik ang dati mong sigla sa trabaho.

Makikipagkuwentuhan ka ulit at makikipagbiruan. Kayo’y magchichikahan, mag-aasaran, minsa’y magkakapikunan pero madalas magtatawanan.

Susubukan mong sabihin ang mga hindi mo nasabi o masabi. Susulat kang muli. Bibigkas ka ng madamdaming tula. Tutugtog ka. At kahit sintunado ka, lalakasan mo ang loob mo, kakapalan mo ang mukha mo, at kakanta ka kasama ng crush mo.

Sa gitna ng malakas na sigawan at palakpakan, makikita mo kung gaano karami ang sumusuporta sa’yo at sa mga kasama mo.

Maiisip niyo kung gaano kahalaga ang trabaho niyo. Mararamdaman niyo ang kasiyahan, katatawanan, kalungkutan, o kasawiang dulot niyo sa buhay ng ibang tao. Makikita niyo ang oras na kanilang inilalaan at pagmamahal na kanilang binibigay.

Naiintindihan mo na. Handa ka na. Magsisimula ka nang muli.

-----

“ONE… TWO… THREE… SMIIIIIILEEEEEE!”

Marahil isa sa mga pinakamagandang naidulot ng K-12 program sa MC ay naging tatlong semestre na ang work program. Mas nakakapagod, oo. Mas marami ring trabaho. Pero mas marami ring pagkakataon at mas mahaba ang panahon na itama ang mga pagkakamali, pagbutihin pa ang serbisyo, at mag-enjoy kasama ang mga kaibigan na itinuturing mo nang kapamilya.

Para sa inyo na aming mga masugid na mambabasa, maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa MC! Kahit maraming requirements, kahit napakagulo namin sa inyong mga timeline pag pub night, salamat po at palagi kayong nandiyan para basahin o panoorin ang aming mga pinaghirapang ihanda para sa inyo. Asahan ninyong patuloy po naming pagbubutihin ang aming trabaho.

At para sa mahal naming MC2018, hindi man namin ito madalas maiparating pero sana’y alam ninyo na lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng ginagawa at isinasakripisyo niyo para sa MC. Proud na proud kami sa inyo at sa lahat ng nagawa, nasimulan, at naipagpatuloy ninyo. Tiwala kaming mas malayo pa ang mararating ninyo.

Cheers to one more year! Let’s make it count.




You Might Also Like

1 comment: