filipino,

Literary: Salisi

5/26/2017 09:15:00 PM Media Center 0 Comments




Ikaw, sa hilaga ang pinagmulan
Sumulong paririto nang biglaan--
hindi inaasahan, hindi napaghandaan
Ang pagtungo rito ng iyong mga hakbang

Ako, sa timog ang pinanggalingan
Bumangon mula sa nakaraan--
Piniling bitawan, piniling kalimutan,
Ang mga sandaling pinagdaanan

Tayo, mula sa magkabilang dako
Magkaibang pwersang sana'y nagtagpo
Ang tinig ng awit na wala sa tono,
Ang mga yabag ng paang wala sa ritmo

Ikaw, na ibang daan na ang tatahakin
at ako, na ang kapasyaha’y nahuli rin
Hindi man masabi, hindi man maamin--
Alam sa sariling tayo'y nagkasalisi

You Might Also Like

0 comments: