beca sinchongco,

UPIS PTA, nagpulong para sa ratipikasyon ng PTA CBL

5/02/2017 08:28:00 PM Media Center 0 Comments



Nagpatawag ng Special General Assembly ang UPIS Parent-Teachers Association (PTA) Board kaugnay ng ratipikasyon ng 2017 Constitution and By-Laws (CBL) ng UPIS PTA noong Abril 21.

Nilayon ng pagpupulong na ipresenta at maaprubahan ang mga pagbabago sa 1988 CBL ng UPIS PTA. Nauna nang napagdesisyunang magkaroon ng pagbabago sa CBL dahil maaaring hindi na angkop ang ilang probisyon nito sa kasalukuyan. Tinalakay sa naturang pulong ang mga naging rebisyon sa 1988 CBL.


PAGLILINAW. Pinangasiwaan ng Pangulo ng PTA Board na si Dr. Maria Auxilia Siringan ang pagtalakay sa Constitution and By-Laws ng organisasyon. Photo Credit: Gelleen Esposo



Naaprubahan sa nabanggit na pulong ang ilang probisyon ng bagong konstitusyon subalit bunga ng ilang paglilinaw at komento mula sa mga magulang, napagdesisyunang ipagpaliban ang ratipikasyon nito. Gayundin, napagkasunduan na ikonsulta muna sa mga abogado ang legal na batayan ng pagkakatatag ng UPIS PTA.

“Hindi na pinagpatuloy ang pagtalakay ng mga probisyon dahil mas na-prioritize ang paghahanap ng legal basis ng pagkakatatag ng UPIS PTA,” ayon kay Dr. Maria Auxilia Siringan, Pangulo ng UPIS PTA Board A.T. 2016-2017.

Sa kasalukuyan, ang 1988 CBL pa rin ang ipinatutupad ng UPIS PTA. Humigit kumulang 150 magulang ang dumalo sa pagpupulong na ginanap kasunod ng stub-giving. //nina Hanzvic Dellomas at Beca Sinchongco
PAKIKIBAHAGI. Nakilahok ang mga magulang sa diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong ukol sa rebisyon ng konstitusyon. Photo Credit: Gelleen Esposo

You Might Also Like

0 comments: