filipino,

Literary: Bro Code

5/26/2017 08:27:00 PM Media Center 0 Comments




Noong ipinakilala mo sa akin ang mahal mo,
Tinanggap ko kayo nang buong-buo.
Basta hindi ka niya papaiyakin,
Dahil kung sakali, may kalalagyan siya sa akin.

Nakikita kong masaya ka sa piling niya.
Kahit pa sa akin ay lumalayo ka na.
May kaunting tampo sa puso ko,
Okay lang bes, basta masaya kayo.

Naging malapit din kami dahil sa’yo.
Tanggap na rin siya sa ating grupo.
Sabay-sabay na tayong kumakain.
Sabay na rin kahit sa Jollibee ‘pag dine-in.

Tinanong kita kung anong nagustuhan mo sa kaniya.
Sabi mo matalino siya, maganda at ang ngiti niya.
Ako rin,
'Yan din ang nagustuhan ko sa kaniya.

Pero siyempre hindi ko siya puwedeng agawin
Hindi man kayo maghiwalay, alam kong mali pa rin
Kaya’t hahayaan ko na lang kayong magsama
Para sa tuwing magkasama tayo, ay kasama ko rin siya.

You Might Also Like

0 comments: