filipino,

Mga natatanging iskawt ng AT 2016-2017, pinarangalan

5/25/2017 08:15:00 PM Media Center 0 Comments



Kinilala ng UP Integrated School (UPIS) ang mga natatanging iskawt para sa Akademikong Taon 2016-2017 noong Mayo 15 sa UPIS Gym.

NATATANGI. Buong karangalang ipinakita ng mga natatanging iskawt ang kanilang natanggap na sertipiko ng pagkilala bilang mga natatanging iskawt. Photo Credit: Media Center 2018

Tinanggap nina Juan Uno Louello Macadaan ng KAB Scouts, Lareesa Olem Alonzo ng Star Scouts, Gideon Lorenzo ng Boy Scouts, Gabryelle Esposo ng Junior Girl Scouts, Gabriel Aparato ng Senior Scouts, at Bianca Celine Morales ng Senior Girl Scouts ang parangal bilang Natatanging Iskawt sa kani-kanilang unit. Kasama nilang pinarangalan ang mga troop leader ng KAB, Star, Boy, at Girl Scouts bilang pagkilala sa matagal na nilang serbisyo sa scouting.

SANDIGAN. Kasama sina Dr. Rene Rollon at Prop. Melanie Donkor, malugod na iniabot ni Dr. Ronaldo San Jose kay Prop. Delia Soro ang parangal para sa mga Scoutmaster. Photo Credit: Media Center 
Bukod sa mga iskawt at troop leader, pinarangalan din sina Sctr. Gilbert Yangco at Sctr. Delia Soro. Binigyan sila ng certificate of recognition bilang pagkilala sa kanilang patuloy na serbisyo sa scouting movement sa kabila ng kanilang pagreretiro.

Nagbigay ng paunang bati si Dr. Ronaldo San Jose, Prinsipal ng UPIS at si Dr. Rene Rollon, Pangulo ng UPIS Institutional Scouting Commitee (ISCOM) naman ang nagbigay ng pangwakas na pananalita. Bago matapos ang programa ay nagtanghal ang ilang Star Scout ng kani-kanilang natatanging bilang.// Nina Hanzvic Dellomas, Layla Wadi

You Might Also Like

0 comments: